HINDI man karelasyon ni Sofia si Daniel para hayaan niyang magdampi ang kanilang mga labi, hindi naman niya kayang awatin ang kanyang sarili na tikman ang sarap na naidudulot ng halik nito. Para pa ngang gusto niyang salubungin ng husto ang labi nito para mas maramdaman nito ang gusto niyang mangyari.
"Taste good," wika nito pagkaraan. Ngiting-ngiti ito sa kanya.
Oh! Parang may malaking kamay na bumatok sa kanya at ngayon ay parang gusto na niyang lumubog sa kinalalagyan.
Shucks! Pakiramdam niya tuloy ay ang init-init niya. Parang lahat ng dugo niya ay na-trap sa kanyang mukha.
Matagal niyang sinabi sa sarili na ang tanging makakahalik lang sa kanya ay ang kanyang mapapangasawa pero sa isang sandali ay nakalimutan niya iyon. Para tuloy gusto niyang humagulgol. Paano ba naman kasi niya hindi gagawin iyon eh, parang wala naman kay Daniel Santibaniez ang halik na namagitan sa kanila.
Kunsabagay, ano ba ang asahan niya? Tiyak naman siyang hindi lang siya ang babaeng nagawa na nitong halikan. Kaya kung magkakamali siyang magtanong dito kung may ibig bang sabihin ang halik nito, malamang ay pagtatawanan na lang siya nito.
Hahayaan ba niyang mangyari iyon?
"Uumpisahan ko na ang kontrata."
"Okay," parang walang anumang sabi nito saka tumayo at bumalik sa trabaho.
Napabuntunghininga siya. Hindi man ito magsalita, para na rin sinasabi nito na wala siyang dapat na asahan. Dapat ay madali lang sa kanyang tanggapin iyon pero para pa ring nilalamutak ang kanyang puso sa sobrang sakit.
Mas masasaktan lang siya kung titingin ka pa ng titingin! Nainis na sabi niya sa sarili.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan saka nag-concentrate sa pagawa niya ng kontrata. Ang anumang nararamdaman niya ay kailangan muna niyang kalimutan. Ang Papa Ronwaldo lang muna ang dapat niyang maging priority.
Kaya nang matapos na ang kontrata niya ay ipina-print niya iyon at ipinapirma kay Daniel Santibaniez. Pagkatapos ay ibinigay nito sa kanya ang tseke na nagkakahalaga ng sampung milyon.
"Sana hindi mo ibinigay lahat."
"Bakit naman?"
"Iyong iba naman kasi pambayad ko sa ospital."
"Ikaw ang magbayad sa cashier," nakangiti nitong sabi.
Tumango na lang siya bilang pagpayag sa suhestiyon nito. Naisip niya kasi na baka ayaw din naman nitong malaman ng iba ang pagtulong na ginawa sa kanya dahil baka isipin ng marami ay ganoon ito kabait.
"Aalis na ako."
"Saan ka pupunta?"
"Sa banko."
"Okay," wika nito sabay kibit balikat.
Nakaramdam lang siya ng disapointment dahil hindi man lang ito tumayo at nag-offer na ihatid man lang siya sa kung saan. Basta nang pakiramdam niya ay wala na itong pakialam sa kanya.
Nahawakan lang niya ang kanyang labi nang maisip niyang iyon ang remembrance ni Daniel Santibaniez sa kanya kaya mas maigi talaga kung magmu-move on na siya.
Hindi naman niya kailangan i-withdraw ang lahat ng pera niya. Mas safe kung ilalagak niya iyon sa bangko at kumuha lang siya roon ng kailangan niya. Kaya, kumuha lang siya ng ilang libong piso para ibayad niya sa ospital tapos ay nagpunta siya sa Arguelles Supermarket.
Dahil nga sa mabait naman silang mag-ama sa kanilang tauhan, damang-dama niya ang pag-alala at pagmamahal nito para sa kanilang ama. Malaki rin ang tiwala niya sa kanilang mga tauhan kaya tiyak niyang kahit ilang araw na siyang hindi nakakapunta doon ay maayos pa rin ang takbo ng lahat. Buong pagmamalaki pang sinabi ng kanyang sales manager sa kanila na ilang araw na ring malakas ang kanilang kita.

BINABASA MO ANG
Kailan lalaya ang puso? (complete)
RomanceCatch up line: "Nang mahalin kita, nakalimutan ko na ang lahat ng galit" Teaser: Sa panahong kailangang-kailangan ni Sofia ng tulong, mistulang knight in shining armour na dumating si Daniel Santibaniez. At pagkaraan para rin siyang naka-jackpot, p...