AYAW sanang putulin ni Sofia ang pangarap niyang may mayamang lalaki na nagkakagusto sa kanya. Para kaing imposible iyon dahil hindi naman siya ganu'n kaganda at lalong hindi siya sosyal kaya ng mga ka-level nito. Gayunpaman, karapatan pa rin niyang malaman ang katotohanan.
"Bakit mo ginagawa ito?" tanong niyang hindi magawang abutin ang ibinibigay nitong bulaklak. Pakiramdam kasi niya kapag inabot niya iyon dito, maniniwala na siya sa mga ipinapakita nito.
"Pwede bang kumain muna tayo bago ko sagutin ang tanong mo?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
Gusto sanang panindigan ni Sofia na malaman muna ang sagot nito bago siya umupo para kainin ang mga ipinadala nito nguni kumakalam na rin ang kanyang sikmura. Hindi rin niya kinalimutang isipin ang laging sinasabi ng kanyang mga magulang, hindi dapat pinaghihintay ang pagkain dahil magtatampo ang grasya.
At bago pa siya nakasagot ay inalalayan na siya nito para siya ay maupo at ipinatong na lang sa sofa ang kanyang bulaklak.
"Ang ibang babae, tuwang-tuwa kapag binibigyan sila ng bonquet," nailing na sabi ni Daniel.
"S-salamat sa bulaklak."
Ngumiti ito.
Napangiwi naman siya. Pakiramdam kasi niya ay na-offend niya ito at hindi niya alam kung paano nga ba siya makakabawi.
"Sobra ko namang na-appreciate ang food mo."
"Talaga?" naniniguradong tanong nito.
Tumango siya.
"Prove it."
"Ha?"
"Ubusin mo ang lahat ng ito."
Mangha siyang napatingin sa pagkaing nakahain -- isang lanerang spaghetti, isang bucket na chicken, apat na burger, dalawang malalaking fries at softdrinks float.
"Ganyan ba ako katakaw sa paningin mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi naman siya na-offend sa sinabi nito. Talaga naman kasing magana siyang kumain lalo't gusto niya ang pagkain.
He smiled.
Oh, parang matutunaw ang puso niya ng mga sandaling iyon.
"Hindi ko naman sinabing ubusin mo lahat ngayon, pwede namang mamaya ang iba."
"Ah, okay."
"Kain ka na."
Tumaas ang kilay niya. "Bakit ako lang?"
"Para kasing masarap ka lang tingnan na kumakain." Ngiting-ngiting sabi nito kaya parang pati ang mga mata nito'y nagniningning.
Ngumuso siya. "Hindi ako kakain hangga't hindi ka kumakain."
"Magugutom ka."
Nanghaba ang kanyang nguso. "Kunsabagay, kakain ka naman kapag nagutom ka," wika niya saka itinuon na sa pagkain ang kanyang atensyon.
Nang maubos na niya ang kanyang pagkain, bumagal na ang huli niyang pagnguya. Naalala kasi niy ang tanong niya rito kanina at nangako si Daniel na sasagutin nito ang kanyang tanong.
At ngayon nga'y kinakabahan na siya. Hindi niya malaman kung siya ba'y mananabik o matatakot.
"I want you to be my girl."
"Ano?" gilalas niyang tanong kaya't parang nawalan siya ng poise ng mga sandaling iyon. Sa sobrang panggigilalas niya kasi, nanlaki ang kanyang mga mata at nanulis ng husto ang kanyang nguso.
"Gusto kong maging akin ka."
Nayakap niya ang sarili. "Hindi ko ipinamimigay ang virginity ko. Makukuha lang ito ng mapapangasawa ko."

BINABASA MO ANG
Kailan lalaya ang puso? (complete)
RomanceCatch up line: "Nang mahalin kita, nakalimutan ko na ang lahat ng galit" Teaser: Sa panahong kailangang-kailangan ni Sofia ng tulong, mistulang knight in shining armour na dumating si Daniel Santibaniez. At pagkaraan para rin siyang naka-jackpot, p...