Chapter 2

69 5 0
                                    

"PWEDE na," wika ni Daniel Santibaniez nang maipasok na nito ang sasakyan sa kanilang bakuran.

Napasimangot lang si Sofia sa komento nito. Para kasi sa kanya ay hindi makatarungan ang sabihing puwede na dahil talaga namang maganda ang ipinamanang bahay sa kanya ng ina.

Nasa 500 sqm din naman kasi ang laki ng lupa kaya naman maluwag pa ang isang 2 storey house at ang bakuran na pinalagyan din noon ng Papa niya ng swimming pool. Napangiti siya habang nakatingin doon. Para kasing bumalik sa alaala niya ang masasaya nilang sandali na hindi niya akalain na agad magtatapos.

"Hey..."

Agad pinalis ni Sofia ang luhang naglandas sa kanyang mga mata. "Sorry. Naalala ko lang ang parents ko."

"Where's your mom?"

"Namatay siya last year."

"Sorry," wika nito na para hindi naman bukal sa loob.

"Mahal na mahal ka ng Papa mo."

"Yes."

"Ang suwerte mo, kinikilala ka ng ama mo."

Maang siyang napatingin dito. Kung may galit itong dinadala sa dibdib. Hindi rin niya maiwasan ang magtaka kung bakit ang talim-talim ng tingin nito sa kanya na para bang may ginawa siyang masama. Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan ng maalala niya ang sinabi nito.

"Nagkakamali ka," bulong niya pagkaraan.

"Saan?"

"Hindi ako kinilala ng ama ko. Nasa sinapupunan pa lang ako, tinakasan na niya ang mama ko."

"Hindi ka anak ni Ronwaldo Arguelles?" napapantastikuhang tanong nito.

Umiling siya. "Pero, itinuring pa rin niya akong parang tunay na anak."

"Lucky you," sarkastikong sabi nito

"Pasok na tayo sa loob." Nahagilap niyang sabihin pagkaraan.

Nauuna siyang naglalakad dito para mai-tour niya itong mabuti sa bahay. Kahit na hindi siya nakauwi ng ilang araw, hindi pa rin siya mahihiyang ipakita rito ang kanyang tahanan. Pirmi kasing malinis iyon dahil may inatasan siyang pumunta at maglinis ng kanilang bahay.

"Siguro naman, hindi lang pwede na ang masasabi ninyo?" tanong niya rito ng lingunin niya. Natigilan lang siya ng mapansin niyang nakatingin ito sa picture frame na nasa ibabaw ng piano.

"Siya iyong kasama mo kanina sa ospital, di ba?"

Tumango siya. "Si Lester."

"Boyfriend?"

"Naku, hindi. Bestfriend ko lang siya."

"Sure?" naniniguradong tanong nito.

"Oo naman po. Bakit n'yo naman naitanong?" nagtatakang tanong niya.

"Kung isasanla mo kasi sa akin ang bahay na ito, ayokong magkaroon ng istorbo sa buhay mo na maging dahilan para hindi mo ako mabayaran. Teka, paano mo nga ba ako mababayaran?" interesadong tanong nito habang nililibot ang tingin sa buong kabahayan. Tapos ng tumingin ito sa kanya, nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalinlangan.

"May kinikita naman ang Arguelles Supermarket. Kahit paunti-unti, mabubuo ko rin ang utang ko."

"Wala ka bang planong ibenta na lang sa akin itong bahay?"

"May sentimental value sa akin itong bahay. Ipinamana sa akin ito ng Mama ko."

"Mama mo lang?"

Tumango siya. "May pre-nuptial agreement ang Mama at Papa ko. Gusto kasi ni Mama, bilang anak niya, ako ang magmamana ng bahay na ito. Kaya nga lang, ang pag-aaring properties ni Papa kabilang na ang Arguelles Supermarket ay isini-share din niya sa amin."

Kailan lalaya ang puso? (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon