LAKAS NG ULAN!!!

111 13 1
                                    

BAAAMM!! BAMM!!!

"AY PUTANGINA!!!" -ako

Napamura nalang ako nang marinig ko yung kulog...

"May bagyo ba!?" -ako

"Di ka ba nanonood ng news!? May bagyo daw!" -Ian

Hehehe... di ko trip manuod ng news kasi ang boring. Nanonood nalang ako ng movies o anime na action. Pinapanood ko yung tulad ng One Piece, Bleach, Fairy Tail, Ao no Excorsist at kung anu anu pa.

"E-ewan ko ba!!!" -ako

Nagmadali kaming pumunta sa condo ng basang basa sa ulan. Phew.... WAIT, kami lang dalawa dito sa condo ng kinababaliwan ko na crush! Yindi ako katulad ng mga ibang babae, pinagsasamantalahan ang pagkakataon! Mahiyain ako at madaling sumuko. Di ako malandeee

"Maliligo lang ako" -ako

Di sumagot si Ian kasi may kinukuha sa ref. Feeling at home -_-

Hindi ko na din siya pinansin at pumunta na sa banyo. Naghubad na ako at naligo. Ang sarap talaga maligo! Nakatingala ako para itapat yung muka ko sa shower (ang sarap kasi ihh..)

Pagka dilat ko, MAY NAKITA AKONG IPIS.

"AAAHHHH!!!" -ako

Lumabas ako agad ng banyo (hindi nyo aakalain na takot ako sa ipis. Yun lang witness ko.

"IPIS!!! AHHHHH!!!" -ako 0___0

Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Ian na kumakain ng noodles na nakatingin sakin head to toe. SHET! BALIK SA BANYO!

Para akong tanga na bumalik sa banyo at nakita ko naman yung feeling gwapong ipis. SHETT... DI KO TAKAGA KAYA

"AAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!" -ako

Kaya yun! Lumabas ulet ako na parang baliw pero kinuha ko muna yung twalya......

"I-IAN! IPIS! PATAYIN MO YUNG IPIS!!!" -ako

Pumunta ako sa sulok (as possible, sa pinakamalayong lugar sa loob ng condo para iwasan yung ipis) tinignan ulit ako ni Ian head to toe.

"Yakapin mo muna ako" -Ian

"Muka mu! Patayin mu muna yung ipis!" -ako

Pag iisipan ko kung nakadamit ako pero wala eh! Twalya lang! Walang bra!

"Edi bahala ka sa buhay mo" -Ian

Yun lang yung sinabi niya tapos tuloy lang sa pagkain ng noodles sa may lamesa. Pataaay... no choice. Punta ako sa kanya tapos niyakap ko siya from the back...... lumingon siya sakin ng may nakakalokong ngiti.

"Gagawin mo rin naman pala eh" -Ian

"Patayin mo na yung ipis!" -ako

Kaya tumayo siya at pumunta sa banyo. Sinilip ko siya kung pinapatay niya talaga. Pffftt... may hawak siyang tsinelas at pinapatay yung ipis sa wall. Naka on yung shower kaya mas lalo siya naging basa.

Nung napatay niya yung ipis lumingon na siya sakin.

"Wala na yung ipis, happy?" -Ian

"Yown! Gud!" -ako

Nawala sa isip kong wala pala akong damit at tanging twalya lang yung suot ko. Kaya tumingin ulit siya sakin mula ulo hanggang paa at ngumiti ng nakakaloko!

"Sexy mo pala eh" -Ian

"Gagu! Umalis ka na sa banyo at maliligo na ako!" -ako

"Ayoko nga, nabasa na ako kaya maliligo na rin ako" -Ian

"Wala akong pakeee!!!" -ako

"Baka pag labas ko ng banyo, mabasa yung sahig tapos paglabas mo ng banyo, madulas ka tapos mabalian ka" -Ian

May point sya... ayokong mabalian kaya kinuha ko ulit yung school uniform kong basa at sinuot ulit at pumunta na sa shower room at naligo na rin.

Nakatalikod ako sa kanya at nararamdaman na nakatingin siya sakin. Ang lakas ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. WAIT, parang hindi ako comfortable. At narealize ko na WALA PALA AKONG BRA.

"S-shit" -ako

"Why?' -Ian

"W-wala" -ako

Kaya nakatalikod lang ako at kinuha ko yung shampoo at ipinahid ito sa aking buhok (sa ulo hindi sa baba).habang kinukuskos ko ito sa buhok ko, sinilip ko siya ng mabilis nakita ko na naka ngiti siya na parang isang manyakis (uh may gash!)

Agad kong hinugasan yung buhok ko at lumabas na ng banyo. Hindi na ako nagsabon kasi nagawa ko na yon kanina pa. Sa labas na ako nagbihis (alangan naman sa loob ng banyo).

Nagutom ako kaya pumunta ako ng kusina (hindi ako makukuntetnto kapag noodles lang). Nagluto ako ng adobong SUSYAL. Nung naluto ko na yung adobo, syempre kumain ako! Hinanda ko na yung dalawang plato kasi alam ko na kakain si ultimate crush.

Habang kumakain ako, narinig ko yung pinto ng banyo na bumukas. Hindi ko na pinansin kasi nag coconcentrate ako lumamon. Narinig ko na may umupo sa tabi ko nakita ko si Ian na NAKA TOPLESS!!!! >////

Napalingon lang siya sakin at ngumiti na nakahihimatay.

"Bat ka nakatingin sa abs ko?" -Ian

"G-gagu! Hindi ah!" -ako

"Ok lang yan! Wag ka na mahiya" -Ian

Tinapos ko na agad yung pagkain at baka sumabok yung muka ko. Nilagay ko to sa lababo at bukas ko na huhugasan. MABUHAY ANG MGA TAMAD!!!

Pumunta na ako sa kama ko at humiga. At yun, natulog na ko.

*********

Itutuloy ko yung next chapter kung may 10 votes na ako (pls, magcomment din kayo) kung wala talagang mag vovote di ko na itutuloy ksi baka mamaya pra akong tungaks na gumagawa ng storya pero walang bumabasa. 

Thx. =)

Tinamaan Mo Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon