Behind The Mask: Chapter 8
xxxx
Naestatwa ako sa sinabi niya at nang sa wakas ay makaipon ako ng lakas ay saka ako nagsalita.
"You can't save me."
Nangunot ang noo niya, "Why?"
"Because saving is just for people who can't handle themselves, Duke. Kaya ko pa."
Kaya ko nga ba?
"Here we go again. Your eyes can't lie, Ayeena. They're already screaming for help."
Napaiwas ako ng tingin.
Can he just stop looking at my eyes?!
"Okay, if you don't wanna be saved, just let me be with you. You are not alone," pagsasalita niya pa. Wala na akong nagawa kung hindi tumango. "Am I being weird?" tanong niya.
Nagkibit balikat ako saka tumawa, "Sakto lang." Natawa rin siya.
"I'm doing this... kasi hindi ko naligtas ang kuya ko," pagkasabi niya no'n ay napatingin na ako sakanya. "He was just like you, napakabihasa sa pagtatago ng nararamdaman. Pero ako, napapansin ko na kaso inignore ko pa. Hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin." Nabigla ako sa kwento niya. May kapatid pa pala siya.
"And then last year, he ended up his life. I keep on blaming myself. Andaming what if's sa utak ko. What if kinausap ko siya? What if sinabi ko na sakanya lahat ng gusto kong sabihin, na sobrang grateful ko kasi siya ang kuya ko? What if I have done better? Maybe he'll continue fighting." Wala man siyang luha pero ramdam na ramdam ko yung sakit na alam kong hanggang ngayon ay dala niya.
"I-I'm sorry to hear that," sincere na sabi ko. "But for sure kahit hindi mo sabihin, ramdam niyang mahal mo siya."
Tipid namang napangiti siya. "Sana.."
Nag-usap pa kami nang ilang sandali pero iniwasan na namin yung malulungkot na topic. Pinagkwentuhan nalang namin ang mga kalokohan namin dati nina Hans. Maya maya pa ay nang alok na rin ako umuwi.
"Dito nalang, Duke. Nagjujoke lang naman ako kanina na ikaw ang magbibitbit," sabi ko sakanya. Hinatid niya ako sa sakayan ng mga tricycle. Alas singko na ng hapon kaya kailangan ko na rin umuwi.
"Sigurado ka ba?" nag aalalang tanong niya.
Tumango ako, "Thank you for today."
Ngiti nalang ang sinukli niya sa akin kaya sumakay na ako ng tricycle pauwi.
ㅡ
Pagsapit ng Sunday ay wala akong balak gawin sa araw na 'yon. Gusto kong magpakatamad dahil wala akong gana.Wala akong maramdaman.
Iba pala talaga kapag mag isa sa gitna ng pagkagusto mong may makasama.
"Just let me be with you... you are not alone."
Sa sandaling 'yon ay parang narinig ko na naman ang mga sinabi ni Duke sa akin kahapon.
Sa dinami rami ng taong malapit sa'kin, bakit ikaw pa ang makakapansin nito? Ikaw pa na hindi naman talaga malapit sa akin noon..
Napabuntong hininga ako. It's already 7 in the evening. Wala akong ginawa kung hindi ang kumain at matulog kaya tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay inasikaso ko na rin ang mga gagamitin ko sa school bukas at plinantsa ang mga uniform ko. Monday kasi ay magsisimula na ang mga lectures kaya hindi ako pwedeng ma-late. Binilisan ko na ang kilos ko para makatulog na ako ng maaga.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
General FictionIt is important to ask yourself who exactly are you. Who are you when you are with your friends? Who are you when you're with someone that is special to you? And who are you when you are alone? Do you know yourself better than anyone? Or are you hid...