Behind The Mask: Chapter 9
xxxx
The last two weeks of the month was a busy week. Kasisimula palang pero parang may dumaan ng bagyo, paano pa kaya sa exam week? Ganito talaga siguro pag nasa senior highschool lalo pa kasi malapit na ang intramurals. Lagi 'yon ginaganap every first three days of July kaya mas busy pa sa akin si Duke dahil nagpapractice sila sa music room. May introduction number sila sa opening ng intrams at may battle of the bands naman sa last day ng 7pm. May special guests pa nga raw na banda. I wonder kung sinong banda iyon.
"Where are you going?" tanong ni Duke nang tumayo ako.
"Ipapasa ko lang 'to kay Sir saglit."
"Sama ako."
Simula kasi nang nangyari sa café nila ay lagi na siyang nakabuntot sa akin. Sineryoso niya talaga yung sinabi niyang 'let me be with you'. Psh.
Sabay kaming naglakad ni Duke papunta sa room ni Sir Santos para ipasa ang paper ko na na-late, buti nalang at pumayag pa si Sir, mabait naman kasi siya at palabiro.
"Oh Ms. Ramirez, Mr. Alejo, what can I do for you?" tanong ni Sir.
"Good afternoon po Sir, eto na po yung ipapasa ko. Sorry po ulit and thank you," sabi ko sabay abot ng paper ko.
"Ah yes okay, thank you. Pero sana 'wag na maulit ha," sabi niya at tumango ako. Bumaling siya kay Duke, "Napapadalas kayong magkasama ah, baka iba na yan."
Nagkatinginan kami ni Duke at saka natawa. "Huwag kayo mag alala Sir, hindi ko kayo bibiguin," sabi ni Duke at nangunot ang noo ko.
Anong ibig niyang sabihin?
Ngumiti si Sir at nagpaalam na si Duke saka ako hinatak pabalik ng room.
Pagkabalik namin sa room ay saktong dumating na rin ang sunod na lec, kaya hindi ko na rin siya natanong tungkol doon.
Pagkatapos ng klase, habang inililigpit ko ang mga gamit ko ay may ipinatong na papel si Duke sa table ko. Tinignan ko ito at natutop ang bibig ko.
"Duke!! Thank you!" sabi ko sakanya habang hawak ang binigay niyang VIP ticket para sa battle of the bands. Inakbayan ko siya at ginulo ang buhok.
Limited lang kasi ang VIP tickets kaya natutuwa akong nabigyan niya ako. Balak ko palang kasi sana maghanap bukas.
"Binibenta ko yan."
Napabitaw ako sa pagkakaakbay sakanya at marahan siyang tinulak. I rolled my eyes at him saka binato sakanya yung ticket.
"Joke lang, 'to naman," sabi niya saka tumawa ng tumawa. Pinulot niya ang ticket at pinasok sa bag ko.
"Asar ka!" Tinapik ko siya sa balikat. Asta ko pa siyang tatalikuran para lumabas na sana pero hinawakan niya ang balikat ko.
"May surprise kami sa'yo sa opening ng intrams," sambit niya kaya hinarap ko siya.
I raised my brow, "What is it?"
"Surprise nga eh."
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit niyo ako isusurprise?"
Ginulo niya ang buhok ko bago sumagot, "To remind you that you are important to us."
And as I heard him say that, I gave him my genuine smile.
ㅡ
Dumating ang Tuesday, saktong 5pm nang makauwi ako. Pagkapasok sa bahay ay pabagsak kong iniupo ang sarili sa sofa. Saglit pang tumulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
General FictionIt is important to ask yourself who exactly are you. Who are you when you are with your friends? Who are you when you're with someone that is special to you? And who are you when you are alone? Do you know yourself better than anyone? Or are you hid...