Sixteen

10 2 0
                                    

Behind The Mask: Chapter 16

xxxx

I wasn't ready for this. I can't lose my friends.

Hailey, calm the fck down! You're overthinking!

I gasped for air as I walk inside the room. Wala pa ang barkada. Dahil nga umiba ako ng daan ay hindi ko na alam kung saan pa sila pumunta.

Malapit na mag start ang first subject pero wala pa rin sila kaya nag aalala na rin ako. Chineck ko pa ang phone ko pero wala naman silang chat sa group chat.

Magtatype palang sana ako nang marinig ko na ang tawa ni Hans sa labas ng room kaya agad kong isinalpak ang earphones ko at nagkunwaring nagrereview.

"Andyan ka na pala, Hailey," rinig kong sabi ni Ford dahil wala naman talagang tugtog sa earphones ko.

Umangat ako ng tingin saka siya nginitian. Binalik ko ulit ang tingin sa binabasa ko at naramdaman ko namang umupo na sa tabi ko si Duke.

I was.. I was expecting for them to explain or kahit sabihin lang nila na nakasama nila yung babae.. pero wala.

Tuloy ay mas sumama ang loob ko. Nawala na ako sa mood lalo pa't hindi na rin naman ako kinakausap ni Duke.

This is what I want right? Ang umiwas sakanya. Pero bakit ganito? Hindi ko kaya.

Mabilis na nagsimula ang first subject namin. Halos wala na rin akong maintindihan dahil kung saan saan lumilipad ang isip ko. Kaya nang mag break time ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Sasabay pa rin kaya ako sakanila?

"Hailey, tara!" rinig kong sabi ni Ella pero umiling ako.

"Busog ako. Idlip muna ako, napuyat eh," sabi ko at napanguso siya bago sila umalis.

Nakapangalumbaba lang ako sa armchair ko at saka pumikit.

Hindi naman talaga ako antok, iniiwasan ko lang sila. Pero bakit? Wala naman silang atraso sa akin kung tutuusin. Kaibiganin nila ang gusto nilang kaibiganin, labas naman ako do'n eh.

Gusto kong intindihin pero.. pero ang hirap.

Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na may naglapag ng kung anong bagay sa arm chair ko kaya napaayos ako ng upo.

"Kumain ka," ani Duke at itinuro ang pagkain na nilapag niya.

Gusto kong matuwa sa ginawa niya pero paano kapag nalaman ng girlfriend niya na ginawa niya ito sa ibang babae diba?

"Busog ako, Duke. Salamat," sabi ko at kinuha ulit ang librong binabasa ko kanina.

Kinuha niya ang snacks na iyon at nilagay sa loob ng bag ko nang walang sinasabi. Hinayaan ko nalang din siya. Nakakakonsensya kung ibabalik ko pa sakanya.

"Hailey," tawag sa akin ni Sab at saka lumapit sa upuan ko. "Sama ka, treehouse tayo after class."

Ano 'to? Nagplano na ba sila nang hindi ako kasali sa usapan? Dati naman ay kasama ako sa pag aalok kung pupunta sa treehouse o hindi. Ano na bang nangyayari? Bakit lahat nakakapanibago?

Tinignan ko muna siya bago umiling, "May dinner kami nina daddy. Ingat kayo."

Dahil sa sagot ko ay napatingin sa akin si Duke pero wala rin naman siyang sinabi.

Malungkot na tingin ang iginawad sa akin ni Sab, "Sayang, hanap ka ni mommy."

Dahil sa expression niyang iyon ay hindi ko rin maiwasan pagalitan ang sarili ko. I can't hurt this girl. Pero totoo naman e, may dinner kami after class kaya hindi ako makakasama.

Behind The Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon