One

25 3 0
                                    

Behind The Mask: Chapter 1

xxxx

"Ilagay mo kasi 'tong lamp lagi sa may table, parating nakakalat. Tsk," sermon ko kay Ford.

"Eh sa kung saan saan din ako nagbabasa," pagdadahilan niya habang kinakamot ang kaniyang batok.

Kasalukuyan kaming naglilinis sa tree house ng barkada. Malapit na kasi ang pasukan kaya naman inaayos na namin ang tree house, dito kami madalas tumambay after class para gumawa ng assignment. Nasa bakuran ito ng bahay nina Sabrina. May hagdan paakyat ng tree house at may apat na nakasabit na yellow lights sa bawat corner sa labas ng tree house. May fairy lights na nakapulupot sa puno na pinaiilaw tuwing gabi. Sa loob naman ay may table kami ngunit mababa lamang iyon kaya sa sahig kami umuupo. Doon kami madalas nag gugroup study o kaya naman ay kumakain. Sa dulo naman ay may malaking foam, kapag trip naming magpahinga ay doon kami humihiga, pero madalas ay nag momovie marathon kami doon dahil may T.V rin naman na nakakabit sa kahoy na pader.

"Mag miryenda muna kayo mga bata," alok saamin ng mommy ni Sab.

Naghanda ito ng milkshake at cookies. Sobrang bait at maasikaso ng parents ni Sab sa amin. Maybe because good influence naman kami kay Sab. Lagi na siyang nakangiti simula nang maging kaibigan namin siya, unlike before na masyado siyang mahiyain.

I wonder how would it feel to have that kind of parents.

"Eto na po talaga yung favorite part ni Hans tita, laging may pa-snacks," biro ni Ella. Well, 'di naman siguro biro dahil totoo naman 'yon.

"Ako na naman nakita mo!" singhal ni Hans kay Ella.

"Kasi ang laki ng ulo mo Arturo," pang aasar ni Ella kay Hans. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag siya ng Arthur o Arturo kahit pa second name niya ito.

Ngumisi si Hans, "Oo, pati yung isang ulo ko malaki talaga."

Halos maibuga ni Ella ang iniinom na milkshake, "What the hell, Hans?!" Sabay binatukan ito.

Humagalpak na rin kami ni Ford at ni Sab sa tawa. "Huwag na tayong sumali diyan, away mag asawa yan," I joked.

Natawa na rin lang si tita Sandy, "Oh siya maiwan ko muna kayo ha. Enjoy!" Nagpasalamat naman kami.

"Opppㅡ Tama na ang LQ, kain muna tayo para matapos natin agad 'to," saway ni Sab sa dalawa nang makitang inaasar pa rin ni Hans si Ella.

Wala namang something kay Hans at Ella, pero sadyang sila ang naaasar namin dahil palagi silang nagbabangayan.

Tinapos namin agad ang pagkain at kinuha ko naman ulit ang pamunas saka pinunasan ang isa pang table na nasa gilid. May drawer iyon kung saan nandon ang kailangan naming school supplies. Napatingin ako sa picture frame na nasa table. Picture namin 'yon ng barkada nang matapos agad itong tree house namin. Tinignan ko sila isa isa.

Nathan Clifford Velasco, sa barkada siya yung mahilig rin sa kalokohan kasama ni Hans pero madalas rin ay seryoso siya. Gentleman siya at hindi niya hinahayaang may nasasaktan sa aming girls ng barkada. I could still remember how he protected us nung may mag catcall sa amin last school year. Galit na galit. He's wearing black shirt, jeans and white shoes sa picture.

Hans Arthur Ponce, siya talaga ang nangunguna sa kalokohan. Mapang-asar gano'n. Minsan lang magseryoso kapag kailangan na talaga. I love how he calm the atmosphere kapag masyado nang tensyonado o malungkot ang barkada. Naka brown taslan shorts ito, white plain shirt at rubber shoes sa picture. Parehas sila ni Ford na nasa magkabilang gilid at naka wacky sa picture.

Sa tabi ni Ford ay si Sabrina Louise Hernandez, iyong naka denim na jumper at may purple shirt sa loob. Naka purple rin itong flat shoes. Yep, she loves purple. Siya yung pinakasweet at soft sa barkada. Sa totoo lang malaki ang inimprove niya, natuto na siyang makihalubilo nang makilala niya kami. Ako ang una niyang naging kaibigan sa grupo. Naa-out of place pa nga siya noong una. I feel like protecting this girl at all cost. She's too precious.

Sa tabi naman ni Hans ay si Gabriella Reyes, ang 'amazona sa barkada' kung tawagin ni Hans. But I love being around her, she's loud and energetic. Siguro nung fetus pa ito ay nilaklak ng nanay niya ang energy drinks kaya ganito ang kinalabasan. Pinagtatanggol niya rin kami kapag may nang aaway o naninira sa amin. Bilib talaga ako sa tapang ng babaeng 'to. Well, her name suits her. Mala-Gabriela Silang ang tapang nito. Naka loose beige printed shirt, denim shorts at brown converse siya sa picture, sa likot ba naman niya, kailangan niya talaga ng comfy na outfit.

Sa gitna naman ako. Hailey Ayeena Ramirez. Ang naka mom jeans, white sleeveless crop top at white shoes sa picture. Sabi nila hindi raw bagay sa akin ang pangalan ko. Pang bad girl daw. Natatawa nalang ako dahil mas bagay raw ang pangalang "Joy" sa akin. Sabi nila, ako raw ang nanay ng grupo. Minsan taga asikaso, taga paalala, taga saway, madalas shoulder to cry on ng barkada. Ako rin lagi gumagawa ng paraan para sumaya sila. I can't see them unhappy, they're too special for me.

And it's funny how you bear to see yourself melancholic when you are alone, Hailey. Don't you consider yourself special too?

I took a deep breath when that thought came into my mind. Plus the fact na bukod doon ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Pinilit kong alisin 'yon sa isip ko. Ayaw kong sirain ang mood sa sandaling ito.

Tinignan ko rin ang pictures namin at ibang polaroid  pics na nakadikit sa board. Napangiti ako. Pictures iyon ng pagtatapos namin ng fourth year highschool, birthday celebration ng bawat isa sa amin dito sa tree house, pictures namin sa school last school year at marami pang iba. Nagsimula lang naman kaming mabuo noong naging magkagrupo kami sa group activity sa isang subject. For the whole school year daw ang groupings na 'yon kaya naman mas naging close kami. Nauna ko lang makilala si Sab dahil siya ang seatmate ko noong first day ng klase at swerteng nakagrupo ko siya. Our friendship started two years ago.

"Nag rereminisce ka na naman diyan, Hailey. Baka mamaya maiyak ka na diyan." Nakangiting sabi sa akin ni Ford.

Bahagya akong natawa, "Medyo lang."

"Ang saya balikan nung dati no?" sabi naman ni Sab.

"Alin Sab? Yung umiyak ka kasi tinago namin ni Ford yung notebook mo?" pang aasar na naman ni Hans. Sumimangot naman si Sab.

"Alam mo, ang pangit talaga ng timing mo." Tinutukoy ni Ella ang maling pag pasok ng pang aasar nito sa usapan.

"Okay lang gwapo naman ako," Hans said and Ella rolled her eyes.

"Nako, diyan nagsimula yung love story ng garapata ng aso ko," biro ni Ford. Hinampas naman siya ni Ella sa braso.

"Tama na yan, magsisimula na naman kayo," naiiling na saway ko sakanila.

Natatawa silang bumalik sa kanya kanyang ginagawa. Tinitigan ko naman sila.

A genuine smile plastered on my face.

I am really grateful to have them.

xxxx

Behind The Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon