One

491 9 1
                                    

Isang oras na lamang ay haharap na si Win sa altar at makikipag-isang dibdib na sa kanyang fiance na si Love Pattranite. Napahilot si Win sa sintido habang iniisip ang buhay pag-aasawa. He never really thought of settling with someone. Heck, ayaw niya ngang makipagrelasyon. All he had were fuck buddies at wala siyang balak na baguhin iyon kung hindi lang talaga sa pesteng arranged marriage na kagagawan ng magulang niya. Kung hindi lang talaga ifi-freeze lahat ng credit cards niya ay hindi naman talaga siya papayag. Iniisip niya na lamang na titiisin niya na lang ang buhay na 'to nang isang taon dahil magdi-divorce din naman sila. 'Yun ang plano niya para hindi siya tuluyang matali sa pakakasalan.

Nararamdaman niyang medyo nagulo ang buhok niya ng dahil sa marahas na paghilot niya sa kanyang sintido kaya kinuha niya ang kanyang cellphone upang gawing salamin para maayos niya ang sarili.

Subalit napukaw ang kanyang atensyon ng nakapa niyang isang maliit na garapon kasama ng cellphone sa kanyang bulsa.

Bigla niyang naalala kung kanino nanggaling ang garapong ito.

Win was crossing the street papunta sa Club Leo nang may makasabay siyang matandang babae na hirap na sa paglalakad. Her hands were slightly massaging her back dahil sumasakit ito tuwing siya ay humahakbang. 

Nakaramdam naman si Win ng awa kaya nilapitan niya ito.

"Lola, saan po ang punta niyo?" tanong niya rito.

"Uuwi na sana ako. Hindi kasi ako sinipot ng anak ko. Sabi niya ay doon niya ako susunduin." tinuro ng matanda ang mall na nasa kabilang kalsada "Kaya doon ako sasakay sa may pilahan ng taxi ngayon."

"Ay 'nay, ipapasan ko na po kayo papuntang taxi stand. Mukhang hirap po kayo sa paglalakad."

"Naku salamat, hijo. Napakakisig mo na ngang binata ay napakabait mo pa!"

"Wala po ito, 'nay." umupo si Win upang maipulupot ng matanda ang kamay nito sa kanyang leeg. Sinuportahan naman niya ang likod nito para makapasan ito nang maayos bago siya tumayo at lumakad papatawid.

"Kuya, pakihatid po si nanay." kinuha niya ang wallet at inilabas ang isang libo mula rito at inabot sa taxi driver na nasa unahan ng pila ng mga taxi. "Sa inyo na ang sukli."

"Ay hijo.. sobra-sobra na ang tulong mo." naglabas ang matanda ng isang maliit na garapon mula sa kanyang bulsa. "Oh ito, ibibigay ko ito sa iyo bilang sukli sa kabaitan mo. Humiling ka bago mo iyan inumin. Kahit ano ay siya nitong tutuparin."

"Sa..salamat po." pasalamat niya rito kahit hindi naman siya sigurado kung ano ang laman ng garapon. Kulay violet at kumikinang ito na para bang may halong sandamakmak na glitters. Kaunti na lamang ay iisipin niya nang lason ito. Bahala na. Basta inilagay niya na lamang ito sa bulsa.

Napaisip siya. Matutupad kaya talaga nito kahit ano ang hilingin niya? Kahit ang makatakas sa kasal na ito? His desperation is battling with his numerous doubts. But after a few deep breaths, his desperation became the victor and so he decided to risk it. He'd use what the old woman has given him. Kung malalason naman siya ay madadala naman siguro siya agad sa ospital diba? Bahala na talaga si Batman o kung sino pa mang magliligtas sa kanya sa magiging consequences ng gagawin niya.

He closed his eyes and put his palms together, "I don't want to get married to anyone, more so a person I do not love, so please.. make a way for me to run away." 

After saying his wish, he closed his eyes and drank the contents of the bottle in one shot, feeling its bitterness run its course through his throat.

"Win, tara na sa b- Win?! Win?! Dad, wala dito si Win!" Napamulat siya ng mata dahil sa hiyaw ng kapatid.

How could his sister not see him e nakaupo na siya sa harapan nito? It's really impossible for her not to see him dahil nasa bungad na siya ng pintuan ng hotel room. Not until he looked at himself in the mirror in front of him. Furry long ears, fluffy tails, strong hind legs.. Oh my god! He squeaked in horror. Isa na siyang kuneho!

Putangina. He cursed loudly ngunit iba ang lumalabas na tunog sa kanyang bibig. Ugh. He groaned. Kuneho na nga pala siya.

Mangkukulam ba yung matanda? Bakit bigla siyang naging kuneho? Ito ba ang paraan ng pagtakas na tinupad ng potion na 'yon? Fuck. This is not the kind of escape that he was wishing for!

Nagkakagulo ang mga tao sa paligid niya. They didn't even notice that there was a bunny inside the room. Tangina, paano na siya nito ngayon?

He hopped onto the hallway to ask for help ngunit wala sa mga tao sa paligid niya ang nakakapansin sa kanya. They are too busy finding his human form. 

Habang patuloy siyang naglalakad, he finds an old woman preparing her cleaning equipments in the hallway familiar. Her hair is all gray, and she has a big mole above her mouth. Teka.. siya 'yung matandang nagbigay ng potion!

Nakita yata siya ng matanda dahil nakatingin ito sa kanyang direksyon. At hindi nga siya nagkakamali dahil lumuhod ito at hinaplos ang kanyang ulo, "Natupad na pala ang iyong hiling," 

"Ibalik niyo na ho ako sa dati! I can find other ways, just please."

"Si Bathala ang nagtakda sayo riyan. Mayroon siyang plano para sa iyo. At ako lamang ang pinili niyang maging instrumento." inilagay siya nito sa kanyang balikat bago pumasok sa isang kwarto upang maglinis ng banyo nito. Tila ba multo ito dahil tumagos ang katawan nito sa pintuan kung kaya't nakapasok ito sa kwarto nang hindi kumakatok. Hindi man lang siya napansin ng lalaking natutulog sa hotel room.

Ibinaba naman siya nito sa may lababo ng banyo pagkapasok, "Paano pong itinakda? Magiging rabbit na ho ba ako habangbuhay?"

"Hindi. Mayroon pang paraan."

"Ano po? Ano pong paraan?"

"Pag-ibig. Kailangan mong maranasan ang tunay na pag-ibig." napatawa naman si Win. Pag-ibig? Ano siya nasa pelikula ng Disney? That shit doesn't exist! The old woman should've just been honest that he could never go back to his human form!

"Hindi po ako nakikipaglokohan."

"Ako rin, hijo. Totoo ang sinasabi ko. Iyon lang ang makakapagpabalik sa dati mong anyo." sagot sa kanya ng matanda na kakatapos lamang mag-lampaso ng sahig.

Niligpit na nito ang kanyang mga kagamitan at inayos ang damit. "Papanhik na ako. Sana ay magtagumpay ka at makabalik sa tunay mong anyo. Paalam."

Bago pa man siya makalabas ay lumabas na ang matanda sa pinto na para bang hangin dahil katulad kanina, tumagos lamang ito ulit rito. Napamura na lamang siya sa inis. Iniwan siya ng tanging taong maaring makatulong sa kanya. Ano na lamang ang mangyayari sa kanya?

Laglag ang balikat niyang tinaas ang faucet handle gamit ang kanyang ulo para tangkaing lunurin ang sarili dahil wala naman na talaga siyang pag-asa. Wala nang nakakaintindi sa kanya. How will he even ask for help at this point when every time he speaks, only a long squeak comes out of his rabbit mouth? 

He is as good as dead to himself. Wala na. Finish na.

But his eyes lit up nang bumukas ulit ang pinto. 

Pero nag-iba din agad ang kanyang reaksyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang naka check in sa kwarto kung nasaan siya ngayon.. 





Si Bright Vachirawit, his introvert-slash-nerdy classmate na iritang-irita sa kanya. Bakit siya nandito?


He suddenly wanted to live.

**

Somebunny To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon