Four

150 12 0
                                    


BRIGHT

"Class dismissed." announce ni Prof Greg, professor namin sa History kasabay ng pagtunog ng school bell, hudyat ng lunch break namin.

Ipinasok ko na ang notebook sa backpack ko at tumayo. Pupunta na ako sa canteen para mananghalian.

Bumili ako sa suki kong stall at iyon ay ang stall ni Aling Linda na mura na ay masarap pa. Hindi ako nagbibibili sa mga Pizza Hut o Kenny Rogers sa tapat ng school dahil mahal doon at nagtitipid ako. Isa pa ay nasa mood ako para kumain ng omurice at dito lang 'yon tinitinda

Pagkatapos kong bumili ay uupo na sana ako sa katapat na table ng stall na binilhan ko nang biglang may asungot na sumulpot sa harapan ko. "Hey, Darling. Namiss kita."

Tangina. Bumalik na pala 'tong gagong 'to. Ang kapal rin ng mukha niyang magpakita pa pagkatapos ng ginawa niya sa Krabi. Wala nga siyang pakialam kahit pinagtitinginan na siya. Pinagtitinginan na kami.  Nakahiga ba naman sa lamesang kakainan ko sana. Ano siya pagkain?

"Alis." pagtataboy ko sa kanya. "Di hamak na mas masarap naman ako d'yan. Why don't you just eat me instead?"

Hindi ko siya pinansin bagkus ay lumipat na lang ako sa ibang table. Ngunit makulit yata talaga ang lahi ng asungot na 'to dahil tumabi na naman ito sa'kin. "Suggestion lang naman, babe."

"You know. You look really handsome," I paid no attention to what he's saying. Sinimulan ko nang kumain ng omurice. Akala ko titigil na siya pero patuloy pa rin siya sa pagkausap sa'kin.

"Your lips.. they're so beautifully heart shaped and red. I wonder how it feels on mine."

"Tapos ka na ba?"

"I'm not even doing anything yet. I'm just describing what's in front of me. Gusto mo bang may gawin ako?"

"Oo. Lubayan mo ako at maghanap ka ng ibang makakausap mo."

Umalis na ako sa table at nagtungo na lang sa may bleachers doon sa soccer field kahit tanghaling tapat at sobrang kainitan. Mas may panahon pa akong mabilad sa araw kaysa makipaglokohan sa gagong 'yon.

[Bright thought avoiding the guy would help him brush off the attraction that he has been feeling for the past few months. But boy, was he so wrong.]

It was a rainy July night. One of the wettest months of the year.

Basang-basang sumakay si Bright sa elevator ng condong tinitirhan niya. Huling tingin niya sa weather forecast ay hindi naman daw uulan nang ganitong oras kaya hindi niya maintindihan kung bakit umuulan nang malakas ngayon. Hindi tuloy siya nakapagbaon ng payong.

Pagkababa niya ng elevator, he sees a familiar form from a far. Too familiar that he wanted to gouge his eyes out and pretend he didn't see what that familiar person is doing.

The last thing he wanted to see after being drenched in rain are people making out. One of them being Metawin Opas-iamkajorn at that. Doon pa talaga sa tapat ng unit across his. Kung minamalas nga naman.

Naglakad na lang siya papunta sa unit niya na parang walang nakita. Kinuha niya na ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto gamit nito nang bigla niyang marinig  na tawagin ang apelyido niya.

"Chivaaree!" tawag sa kanya ng kaklase ngunit hindi niya ito pinansin. Ayaw niyang madawit sa kalokohang ginagawa nito ngayon dahil ikakasal na ito kay Love Pattranite pero ganito pa rin ang ginagawa.

"I know you heard me." Naglakad ito sa direksyon niya. "Dito ka pala nakatira?"

"Oo." matipid niyang sagot.

Somebunny To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon