Eight

309 11 6
                                    




Bright wonders why his alarm doesn't ring. Matindi na ang sikat ng araw at nararamdaman niya na itong tumatama sa kanyang balat dahil tumatagos ito sa gawa sa salamin niyang bintana. Imposibleng hindi pa umaga. Usually, his alarm rings at 4am dahil 5:30 ay lumuluwas na siya papunta sa university.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at bumungad sa kanya ang napakatingkad na sikat ng araw. At higit sa lahat, may binting biglang dumantay sa kanyang binti.

"Putangina! Manyak! Mga kapitbahay may-" sigaw ni Bright ngunit tinakpan ni Win ang bibig nito.

Bright wanted something to happen between them but not this way, not when he's unconscious, kaya pinaghahampas niya ito sa katawan at pinagbabato ng unan hanggang sa maubos na lahat ng unan sa kama.

"Bright, wait.. let me explain." Win

"Ano pang ipapaliwanag mo? Tarantado. Hubad ka! Nasa kama ko! Ano pang dapat kong isipin? Ha?!"

"Wala akong ginawa, I swear. Believe me." ibinalot nito ang katawan ng kumot. "Hindi ko lang talaga alam na magta-transform ako agad bilang tao."

"Transform? Anong sinasabi mo d'yan? At gagawa ka pa talaga ng kwento para makalusot?"

"Hindi ako gumagawa ng kwento. I'm the bunny you took home from the park. Kaya ako nandito ngayon sa condo mo."

"At paano mo naman nalamang sa park galing 'yung rabbit ko?"

"Because I'm bun." sagot sa kanya nito. "You know I really like it when you call me that."

"Sinusundan mo ako ano? Tarantado ka! Walanghiya! Pinagplanuhan mo pala talaga! Ha!" pumulot ng unan si Bright na nalaglag sa sahig at pinaghahampas ito kay Win. Win on the other hand, shielded himself with his two hands but it was to no avail.

"Hindi nga kasi ako gumagawa ng storya. Want me to prove it to you?" Win asked him na umiiwas pa rin sa kanya para hindi niya ito mahampas.

"Lolokohin mo pa ko?"

"Hindi nga. I promise." tumigil naman sa pagbato ng unan si Bright.

Tignan natin kung anong dahilan ang gagamitin ng gagong 'to.

Win covers his whole body with the duvet, "May carrots ka?"

"Andiyan sa ref." sabi niya rito.

Agad namang tumayo si Win upang kuhanin ang carrot sa loob ng ref. Medyo natagalan siya sa paghahanap ngunit nakita naman niya ito eventually sa babang compartment. Hinugasan niya ito sa sink tsaka binalatan gamit ang peeler.

Bright looks at him anticipatingly, he is curious kung totoo nga ba ang sinasabi nito o niloloko lang ba talaga siya nito. He leans on the latter dahil paano nga naman ito magiging kuneho? Wala sila sa isang fantasy series.

"Anong ginagawa mo?"

"Peeling the carrot. Eating this is what will turn me into a bunny, baby." Bright is weirded out. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ito. Kaya hindi na lang siya nagsalita bagkus ay hinintay na lamang matapos si Win magbalat. Muntikan pa nga itong masugatan dahil hindi ito sanay. Gusto niya man itong tulungan ay pinigilan niya ang sarili. Hindi dapat niya tulungan ang posibleng gumamit sa katawan niya nang walang permiso.

"Done. Wanna see it now?" sambit ni Win nang matapos na niyang balatan ang carrot.

"Seryoso ka ba?"

"I am. Magpapakahirap ba akong magbalat ng carrot kung hindi? I hate vegetables for the record."

"Oo na. Kainin mo na 'yan kung nagsasabi ka nga ng totoo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somebunny To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon