Five

139 8 1
                                    

[May contain medical inaccuracies. Please spare me. I'm not a medical professional ><]

Win was successful in getting inside Bright's place.

But it came with a cost.

He now catches a fever after staying out in the rain, waiting for Bright to go and fetch him. But he believes it was all worth it. He now gets a chance to see Bright's house, in all its Bright glory.

Pagkatapos niyang magblack out kagabi ay nagtransform na naman siya sa pagiging kuneho. He eventually came back to being human again this morning but then tonight he turned into a bunny again. Kumain lang naman siya ng chopsuey which was odd, because he never really liked eating vegetables but yesterday was different. Hinahanap ng tiyan niya ang gulay. He doesn't know exactly why but he associates it with having adapted a trait of a bunny.

He really doesn't get how that potion works.

Ngayon ay nasa palanggana siya na nasa papag ng banyo ng condo ni Bright. Balak yata siyang paliguan nito dahil nababad siya nang husto  sa ulanan.

"Sorry. Hindi ko kasi alam kung kukunin kita kagabi kasi baka mayroon nang nag-aalaga sa'yo. Baka hanapin ka." paumanhin sa kanya ni Bright habang binubuhusan ang kanyang ulo ng maligamgam na tubig. His eyes are very apologetic. Sa kilos nito, mahahalata mo talagang may soft spot siya sa mga hayop. 

"Alam mo.. ewan ko.. pero kaamoy mo 'yung kaklase ko. Ang weird nga e kasi siya lang naman 'yung may ganoong pabango. Baka medyo kapareho lang." kwento sa kanya nito habang marahang kinukuskos ang kanyang katawan.

Bright's hands are delicate and soft. It feels so much like his mom's hands every time she brushes his hair to put him to sleep when he was still young.

"Ayan tapos na. Ang bango mo na." Bright gave his fluffy head a sniff kiss. "Amoy pabango niya pa rin. Weird. Pero mawawala din naman 'yan." 

He dried Win's body with a towel and then placed him on a big tupperware. Hindi pa kasi siya makabili ng cage dahil gabi na at wala na rin sigurong bukas na pet shop. Bukas na lang siguro siya bibili. "Kain lang ako ng dinner. Diyan ka lang. Okay, bun?"

Win feels a bit too uncomfortable where he is placed but he decides to just follow Bright. He feels fuzzy warm feeling in his heart. Sobrang busilak ng puso ni Bright lalo na sa mga hayop. Sa school kasi, palaging tahimik at walang ekspresyon ang mukha nito kaya hindi niya alam na may ganito pala itong side. He also didn't expect that he would like this feeling of being so cared for. 

Pinagmasdan niya itong kumain habang binabasa ang isang libro. Masyado siyang malayo rito para makita niya ang pamagat ngunit ang mata niya ay sapat na ang pagkalinaw para makita ang ngiti nitong abot tainga. 

Win smiles with the sight and thinks to himself. I want to see this smile more often.

***

When Win woke up, wala na si Bright sa bahay. Maaga kasi ito talagang pumapasok. Alas otso ang simula ng klase nila pero alas sais  pa lamang ay nandoon na ito sa library para mag-aral. Buti na nga lamang ay maaga ito pumasok dahil kung nagkataon ay makikita siya nito sa katawang tao niya. In his all naked glory. Baka mapagkamalan pa siyang manyakis na medyo totoo naman. 

Tinignan niya ang orasan. Maga-ala siyete na nang umaga. Male-late na siya sa klase! Dumampot na lamang siya ng sweater at pants mula sa cabinet ni Bright at nagmadaling isinuot ito tsaka kumaripas ng takbo papalabas ng condo at pumara ng taxi sa may entrance. Babalik na siya sa bahay nila bago pa siya mahuli ng dad niya na natulog sa ibang bahay because he doesn't plan to add any more fuel to the fire he had caused in Krabi. Pinakiusapan niya na rin ang driver ng sinasakyan na bilisan ang pagmamaneho nito para hindi siya maabutang wala sa kwarto.

Somebunny To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon