Kabanata 22

25 2 0
                                    

"Ito po 'yung key sa room niyo. Ihahatid pa po ba namin kayo?" Tanong ng isang babae na nag-aasikaso rito sa hotel, kasama niya ang ibang babae na nagtr-trabaho rin. Maraming tao ang nagpupunta rito sa hotel nila dahil maganda raw ang kwarto. Agad akong umiling doon sa babae kaya ngumiti siya at nagpaalam na aalis, nakuha ko na rin ang keycard na inabot niya sa akin.

Nang umalis siya ay umalis na rin ako para hanapin ang room ko sa third floor. One hundred three ang number ng room ko, simpleng room lang ang kinuha ko dahil wala akong pambayad ng sobrang mahal na room. Kailangan ko pang kumain at magpahinga.

Sana lang ay hindi ako hahanapin ng ibang tao sa probinsya. Panigurado namang makakalimutan agad nila ako dahil hindi naman ako 'yung taong sobrang halaga para hindi makalimutan ng karamihan.

Lumipas ang ilang minuto ay naglakad ako sa corridor habang hinahanap sa bawat pintuan ang number kung saan ba ang room ko, may ilan akong nakakasalubong na foreigner na babae o 'di kaya'y lalaki na mas matanda sa akin ng ilang taon. Nang makita ko na ang number ng room ko ay binuksan ko iyon gamit ang key card. 

Nang mabuksan ko iyon ay agad na bumungad ang magandang room. May kitchen na sakto lamang ang laki, mayroong lamesa at apat na silya ang nasa paligid noon, mayroong malaking glass sa gilid ng lamesa kung saan makikita ang magandang tanawin. Mayroong isang pintuan sa tabi ng isang cabinet sa may pader at siguradong iyon ang pintuan ng kwarto.

Alas-diyes na ng umaga, sa ganitong oras ay nasa campus na ako. Hinihintay na namin ang pangalawang prof namin, siguradong alam na ni Dariel na wala ako. Kadalasan kasi ay sinusundo niya ako sa gilid ng hacienda para sabay kaming magpunta sa university, naiisip lang niya siguro na hindi ako pumasok at nasa mansyon lang ako.

Ipinasok ko na ang maleta sa loob saka isinara ang pintuan ko, hinubad ko rin ang suot kong rubber shoes. Agad akong umupo sa isang couch at itinaas ko ang dalawang paa ko, kinuha ko ang cellphone ko. Nakita ko ang message ni Kalia at Dariel sa notification ko, binuksan ko iyon saka binasa ang mga message ni Dariel sa akin.

1:02 am.

Dariel:

Good morning, Adelaide. Alam kong nabigla ka kahapon dahil sa sinabi ko pero hindi mo naman kailangang layuan ako. Hindi mo pa ako tinatawagan. Gabi-gabi naman tayong nag-uusap 'di ba? Pasensya na kung sinabi ko agad sa'yo nang biglaan.

Apat na beses nag-text sa akin si Dariel kaya ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko sa mensaheng iniwan niya. 

3:57 am.

Dariel:

Hindi ka ba papasok? Hinihintay kita rito, Adelaide. Kadalasan naman ay sabay tayong pumapasok, ah? Pero kung ayaw mong pumasok ay mauuna na lang ako, malalate na kasi ako. Bye!

Ang akala niya ay nasa mansyon ako pero ang totoo ay wala. Ang hirap isipin na kapag nalaman niya na umalis ako ay masasaktan siya, sigurado naman akong makakalimutan niya rin ako kapag ilang araw na ang lumipas.

Binasa ko pa ang ibang message niya sa akin...

6:42 am.

Dariel:

Hinanap kita sa pinsan mo na si Kalia, masama raw ang pakiramdam mo. Adelaide, pwede ba kitang puntahan mamaya? Mag-reply ka naman sa akin. Ayos ka lang ba?

At ang huling text niya...

8:21 am.

Dariel:

Sige, hindi na kita guguluhin. Magpahinga ka muna riyan. Sana gumaling ka agad para magkita tayo, gusto kitang makausap tungkol sa nasabi ko. Bye.

Hindi ko alam kung bakit namumuo ang luha sa mga mata ko, ibinaba ko ang cellphone sa gilid ko saka pinunasan ang luha ko. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko mula kanina sa byahe hanggang ngayon, pagod na rin ako at gusto kong magpahinga muna kahit sandali pero hindi ko magawang makatulog.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon