I have a chatmate. Sanaol diba? Mga tatlong linggo na din na may kalate night chat ako, hindi late night talk ha! He's from other municipality kaya hindi kami makapagmeet up.
One night when we had our first voice call he asked me " Leigh, pede bang mang ligaw?"
"Pag nanliligaw kailangan pa bang magpaalam?" I asked him back as my answer.
Kaya ayun natameme sya at ng makabawi tumawa na parang nahihiya.
Kinakantahan nya ako taga gabi bago matulog, tas naging sponsor din ng GOSURF70, minsan tinutulungan din sa modules at syempre tadtad ng msg. na puro good morning, afternoon chuchu.
After a week, I already said yes to him. Duh, were on 21st century, charot.
Tapos nung naging kami, syempre ganun parin. Kakantahan, ilang oras na tawagan, tapos sabay ding magwiwish pag 11:11, mga puyaters kasi.
Until,
"Leigh," chat nya sa akin. Wala kaming endearment like baby, darling etc. Yuck lang buti sana kung si Elijah yan oh Ace, o kung sinong fictional character. (Wag lang si Balthazar ha, kahit gusto ko ding maging lady of light pero wag nalang pala o si Albie, ayaw ko sa ****!)"Yes,"
"Ini-bio na kita,"
Nanindig balihibo ko bigla, so I visited his account.Leigh Riego Property
🔒04-10-21🗝️After seeing his bio on FB, nagkibit balikat lang ako.
Maybe ganun sya, but me, no fucking way I would write his name on my Bio. Ano/sino sya si Percival, si Rozen, si Brixton, si Zamiel, a big NO.I just find it, dunno if whats the best word to describe it.
So my reply on him goes like this" heheheh 😊" speechless ako mga mare.
"Ikaw din Leigh," suhestyon nya. No.
"Maybe next time, you know sobrang hina ng net, messenger lang nabubuksan."
"Ok," sagot nya. Mahina naman talaga ang internet connection ko.
"Ano pala password ng acc. mo?" he asked in a sudden. Paktay kang bata ka. Hindi sa may tinatago ako ha."Why?"
"Palit tayo,"
Gaya ng karamihan, he want to know also my password then ibibigay din nya yung sa kanya. Which is I don't get, kung bakit kailangan pa. Hindi ko naman sya pinagdududahan, wala naman akong kachat na iba.
"No need na Jaxx,"
"Dali na," pangungulit nya pa.
"Jaxx Valerio - LJ0409FOREVER," why would he send this. Kaya nga PASSWORD kasi PRIVACY mo yun.
"Nasend ko na sa akin, yung sayo naman," pangungulit nya ulit."No,"
"Bakit?"
"Para sa ano ba yan, bat kailangan pa magganyan?"
"Para alam pag may nangloloko, para walang magcheat." pagpapaliwanag nya.
But I remain on my stand. "But my password is private. Hindi kailangang malaman ng iba, for my privacy and security."
"Kj ka talaga, like what they said."
"Password lang pinagdadamot pa,""You know what Jaxx, maglecture muna tayo."
"Yung password yan yung sekreto na di pwedeng malaman ng iba. Notebook tsaka yung mga application mo yung nakakalam nyan.
Bakit kailangan ng password, kasi for your security and privacy. So why would I give my password on you. Kung gusto mong ibigay o ipaalam yung password mo sa akin, then go. Pero yung akin, hindi.""Ang dami dami mo pang sinasabi, pag ayaw ayaw. Ang boring mo.
"Pinapaliwanag ko nga bat ayaw ko diba." Boring ba kamo, edi clown jowain mo. Yung parang sinampal ng makeup.
"😠"
"May bagay na hindi mo pedeng malaman at makita doon. And that's the purpose of password.
"Yung kachat mo, o yung ex mo na gusto mong balikan ba?"
"Of course not."
"Ang dami mong dahilan."
"Ugh, kairita. Jaxx, what's the sense of having someone password ba? Hindi mo ba magets, yung gusto kong iparating?"
"You cannot reply on this conversation."
Ay bastos na bata.Opinion ko lang ha, kailangan ba talagang magpalitan ng password pagmagjowa. Yes, hindi naman nila papakialaman yung mga bagay bagay mo dun but it's is your account, you can keep things for your privacy and security and because it's your own, you have the power to decline their idea.
To know kung nagchecheat ka, kung may nagloloko ba, main reason nila. Pagmahal ka talaga, he/she will never doubt you. Ulitin natin,
Pagmahal ka talaga, hindi na sya maghahanap ng iba at magloloko pa.We have different opinions and views on every situation or things in our life. It's that we only need to RESPECT everyone's opinion and decision. We don't need to accept or believe it nor embrace someone point of view.
YOU ARE READING
JAR OF SENSES
RandomThis is my collection of short stories/ one shot stories. Start: August 14, 2021