12

3 0 0
                                    

H A P P Y B I R T H D A Y

'November 4'

'Novemver 4' sabay na reply namin sa isa't-isa.

Nagtatanungan kasi kami ng boyfriend kung kailan ang mga birthday namin. At pareho pa pala kami. Nakakatawa. Parang ang saya sa puso na may kapareho ka ng birthday tapos malapit pa sa iyo ang tao na iyon.

Taga-kabilang bayan ang boyfriend ko kaya hindi pa kami nagkikita. Magsasampung buwan na ang relasyon namin eksakto sa birthday namin.

I'm planning to surprise him. Palagi na lang kasi siya ang nag e-effort para sa relasyon namin. I'm going to visit him this time. Alam ko naman ang bahay niya at palagi niya akong ilinilibot doon virtually.

Nagsuot ako ng floral blue dress na below the knee. Itinirintas ko rin ang makakapal ko na buhok. Finally, we're going to see each other. Excited na ako na kinakabahan. This time, my birthday will be more  memorable.

Nag-ipon talaga ako para dito. Bumili ako ng cake na siyang bitbit ko kasama ng regalo ko para sa kanya.

2-3 hours ang byahe kaya medyo matagal. Binati ko na siya kanina ng 'happy birthday' at ganoon rin siya sa akin. Umidlip muna ako sa sasakyan at medyo malayo pa naman kami.

Eksakto ala-una kami umalis kanina at sakto alas dos trenta kami dumating. Sa pinakasentro ako ng bayan bumaba sa sinakyan na van. Malapit na dito ang kana John, sasakay lang ako ng tricycle para makarating sa mismong tapat ng bahay nila.

Maingay na tawanan at mukhang ang nasa loob ay nagsasaya. Kinakabahan ako, legit. Mas nakakakaba ba ito sa on the spot recitation sa online class.

Nasa harap na ako ng gate nila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang umuwi, kaso sayang ang ginastos ko, ang laki noon.

"Saan ka ineng?" tanong ng may edad na babae sa akin. Mula siya sa loob at mukhang lalabas.

Kamukha niya si John, ang boyfriend ko. Tiningnan ako nito mula paa hanggang ulo.

"Kaibigan ka ni John?" tanong niya pa ulit na sinagot ko lang ng tango.

"Ngayon lang kita nakita. Anong pangalan mo at taga saan ka ineng?" tanong ng babae sa akin.

"Magandang hapon po, ako po si Donna. Ngayon lang po kasi kami nagkakilala ni John. Taga kabilang bayan po ako." wika ko.

"Pasok ka na, para makapagpahinga ka. Ang layo pa naman ng pinaggalingan mo."

Pumasok ako sa gate at tumuloy papunta sa bahay. Lahat ay may sariling mundo kaya hindi nila ako napapansin.

Tumayo lang ako sa harap ng pintuan at hindi muna pumasok. Alangan namang papasok lang ako bigla ng walang pahintulot. I want to call John pero asan ang surprise doon.

Sinuyod ko na lang ang loob gamit ang mata ko. I found him in a corner kasama ang isang babae. Sinusubuan niya ang babae na siyang nagpasikip sa dibdib ko. Pero baka kaibigan niya lang o kaya ay kamag-anak. Masaya silang dalawa at mukhang may sariling mundo. Nagtatawanan na parang wala ng bukas.

Pinagmamasdan ko lang sila at bigla akong nawalan ng lakas na tawagin at istorbohin sila. But I froze when he kiss the girl beside him.

Nabitawan ko ang cake na bitbit ko kaya natuon ang tingin nila sa akin. Nanginginig ang kamay ko pero nagawa ko pa ring ngumiti.

"Donn," pagtawag niya sa akin.

"Surprise!" wika ko habang pinipigilang na umiyak.

"H-happy birthday!" utal-utal na bati ko bago siya iwanan at talikuran. Kasabay ng pagtalikod ko ang siya ring pagbuhos ng mga luha ko.

Ang sakit. Akala ko siya ang mas-surprise ako pala. I made an effort just to be with him on our birthday tapos ganito yung ibibigay sa akin, sakit.

Sana pala, hindi na lang ako nag effort. Edi sana kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon, nagtatawanan at nagkukulitan.

"H-happy birthday self," bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

I'm starting to hate my birthday. At dahil pa sa isang manlolokong tao. Hindi sana masarap ang handa mo, puro lang naman wrapper yung shanghai mo, nakita ko. Gago ka John.

JAR OF SENSESWhere stories live. Discover now