Breen Kennedy Saven
Nakatanaw ako sa aking bintana kitang kita ko ang papalubog na araw ng may kumatok sa akin kwarto. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit ako sa pintuan ng aking kwarto. Nakita ko nanay fely na may dalang pagkain sakin. Pinapasok ko siya sa aking kwarto.
Ibinaba naman niya ang pagkain na hawak niya sa lamesa. Bumalik naman ako ulit sa upuan at tinanaw ang araw na papawala na at kung paano ramdam ko ang ihip ng hangin.
Breen iha " tawag sakin ni nanay fely tinignan ko naman siya at ningitian lumapit siya sakin at sinuklay ang buhok ko na kulay itim.
Ayos ka lang iha? Pupunta ka sa palasyo mag - isa ka lang doon? Gusto mo pakiusapan ko ang iyong ama na sumama ako? Sunod sunod na tanong ni nanay fely.
Mabilis naman ako umiling sa kanya dahil masyado na siya matanda para bumiyahe papunta palasyo at kaya ko naman mag - isa sanay na ako.
Ngumiti ako sa kanya " nay fely hindi na ako bata kaya ko na mag - isa wag ka magalala pagbalik ko dito kasal na kami ng pang - apat na prinsipe. Sabi ko at sabay kindat sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi ko" napakapilya mo talaga bata ka ani niya. Basta pag hindi mo na kaya doon sa palasyo umuwi ka na dito ". Nag alala na sabi niya sakin.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya at niyakap siya" bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumayo na para pumunta sa lamesa at umupo doon para kumain. Si Nanay fely naman ay inaayos ang mga dadalhin ko sa palasyo.
Pagtapos ko kumain niligpit na ni nanay fely ang kinainan ko at lumabas na siya sakin kwarto . Pumunta ako sa aking banyo at hinubad ko ang aking damit nagbabad ako sa malaking paliguan.
Gumawa ako gamit ang kapangyarihan ko sa tubig na maliit na bilog na tubig saka ko ipinutok. Pagkatapos ko tumayo na ako. kinuha ko na balabal ko saka pinunas at binalot sa aking katawan.
Lumabas ako sa paliguan saka naghanap ng damit na susuotin na pang tulog ko.
Nahiga ako sa kama at nakatingin sa dingding na aking kwarto na may kumatok, tumayo ako at naglakad doon baka kase si nanay fely yon pagtingin ko si achlys yon.
Breen? alam mo, mahal ko ang prinsipe diba? Kakambal kita, kaya ikaw ang pinapunta ko para hindi siya maagaw ng ibang babae at magpakasal sa kanya kapag ayos na ako pupunta ako doon sa palasyo at papakasalan siya. Si Achlys " nakatingin siya sakin puno ng pagnanais na gagawin ko ang gusto niya.
Oo naman, kakambal mo ako. Babantayan ko muna siya para sayo. Nakangiting ani ko.
Kung paano nawala lahat ng pag-alala niya ng sabihin ko yon." Sige na magpunta ka na sa kwarto mo gabi na matutulog na din ako kase maaga pa ang aking paglalakbay. Ani ko.
Mag - iingat ka aking kambal. ani niya sakin. Ngumiti ako sa kanya at sinarado ko na ang aking pintuan.
Pagkatapos ko isarado. naglakad ako papunta sakin higaan. Nahiga ako doon. hanggang sa makatulog na ako.
Nagising ako sa simoy ng hangin. Hindi ko pala naisara yon bintana. Lumapit ako doon at nakita ko papaahon na ang araw.
Kung paano namamatay ang araw tuwing gabi para sa buwan. At paano nakita ko naman ang pagkabuhay ng araw at doon naman ang pagkamatay ng buwan.
Kung paano handa sila magsakrapisyo parehas para sa isat isa. At kung paano kahit hindi sila nagkikita ramdam mo ang pagmamahal nila sa isat isa na pinagarap ko.
Pinagarap ko na hindi ko maabot. Kahit anong gawin ko. umalis na ako sa bintana at sinara ito.
Pumunta ako paliguan upang maligo at magbihis para maging presentable pagpunta sa palasyo.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin nakasuot ako ng itim na mahaba gown na may halong ginto at nakalugay ang buhok ko na diretso na kumikintab na kulay kayumanggi. Naglagay ako ng kolorete sa mukha ko para tumapang lalo at kung paano asul ko mata nilagyan ko ng kayumanggi para hindi nila malaman ang totoo kulay ng mata ko.
Kung paano mag kakambal niya kami pero ako ang mukhang matapang at si Achlys naman maamo ang mukha. Itim ang buhok niya pero parehas lang kami ng tangkad.
May kumatok na sa pintuan. Pagtingin ko ay si nanay fely. Ngumiti ako sa kanya. At niyakap siya kase paiyak na siya.
Nay, diba sabi ko uuwi din naman ako tumahan ka na po. Natatawang ani ko.
Iha, mag- iingat ka doon pag hindi mo na kaya uwi na ah. kumain ka sa tamang oras, nag-aalala na sabi niya.
Opo, ani ko. " kinuha ng mga katulong ang mga gamit ko at nilagay na sa kalesa.
Lumabas ako sa kwarto ko at sinara yon binigay ko na kay nanay fely ang susi.
Naglakad kami sa pasilyo at bumaba na sa hagdanan, nakita ko nasa labas na ang kalesa sasakyan ko.
Si Achlys po? Tanong ko.
Alam mo naman tanghali na iyon gumising . Ang ama mo naman may pagpupulong kaya wala dito. Ani niya pero andoon ang pag - alala.
S o l a c E.

BINABASA MO ANG
Series 1 Silverius : Mahal kita
FantasyPang- apat na prinsipe si Herve Kane Silverius sa lahat ng magkakapatid siya ang pinakamabait mahal na mahal niya ang kababata niya na si Achlys Kennedy Saven pero paano kung makilala niya ang kakambal nito na si Breen Kennedy Saven gumugulo sa s...