Breen Kennedy Saven
Sinundo ako ng mga tagabantay sa palasyo upang makapunta ako ng ligtas sa palasyo, kita ko ang gamit nila maganda karwahe para sakin at limang bantay nakasakay sa kabayo.
Pumasok na ako sa karwahe at naupo binuksan ko ang bintana ng karwahe at ningintian si nanay fely. Nangigilid ang luha niya ng nakita niya na paandar ang karwahe ko kumaway ako sa kanya at sinara na ang karwahe.
Dahil ayoko makita niya ako umiiyak mas gusto ko makita may ngiti ako kaysa makita niya na lumuluha ako.
Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng upo kailagan ko maging malakas dahil sarili ko na lang meron ako.
Wala si nanay fely na karamay ko at ako lang mag isa pupunta sa palasyo ng Chandra.
Narinig ko huminto ang mga kawal kaya binuksan ko ang aking bintana at nakita ko na huminto sila sa gitna ng tulay.
Nakita ko ang ganda ng tulay na parang gawa siya sa isang lumang kahoy pero kita mo padin ang tatag na ito napapaligiran ito ng ilog na sobrang linis na tubig na may mga bato at mga puno at makikita mo bunga ng mga ito.
Lumakas ang ihip ng hangin at tumama sa aking mukha tumingin ako sa taas ng langit at kita ko ang bughaw na langit kung paano akala mo sinusundan ka ng ulap.
Lumapit sakin ang kawal kaya tinignan ko siya yumuko ito sakin " lady breen? nais ko ipaalam sa iyo na hahanap tayo ng ating tutuluyan dahil aabutin tayo ng hating gabi sa ating paglalakbay.
Ngumiti ako sa kanya." ayos lang at baka pagod na kayo at baka mapahamak tayo kung maglalakbay tayo malapit na din naman gumabi.
Tumango ito sa akin." masusunod lady Breen. " umalis na siya at lumapit sa mga kabayo at sumakay ito doon.
Maglalakbay tayo hanggang makarating tayo sa bayan at doon na tayo tutuloy muna dahil mag gagabi na din. " utos niya sa mga kawal.
Nagsimula na umandar ang aking karwahe hindi ko na sinara ang bintana para makita ko ang aking dadaanan.
Ramdam ko ang simoy ng hangin na humahampas sakin. Hanggang makarating kami sa bayan nakita ko ang mga bata nag tatakbuhan at madami mga tindang. Mga magkasintahan na kita mo pagmamahal nila sa isat isa.
Huminto kami sa isang bahay panuluyan bumaba ang mga kawal at lumapit sakin ang iba para magbantay at ang iba naman ay pumasok sa bahay panuluyan.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang nakita ko lumabas ang mga kawal na pumasok doon at lumapit ito sakin.
Lady Breen? Nakakuha na ako ng iyong silid dito muna tayo hihinto at bukas ay maglalakbay na tayo. " ani nito sa akin.
Kaya bumaba na ako sa aking karwahe, inalalayan nila ako sa aking pagbaba nakita ko napantingin sakin ang iba mga tao.
Nakita ko pamamangha sa kanila mga mata, hindi ko alam kung bakit at hindi ko na lang ito pinansin. Pumasok na kami sa bahay panuluyan.
Lady Breen? Ano nais mo na kainin bago ka pumunta sa iyong silid. Tanong niya sakin.
Ngumiti ako sa kanya " gusto ka ng caldereta manok at kanin ang aking inumin naman ay pinya ng katas at kumuha na din kayo ng sa inyo at sabay sabay na tayo kumain." ani ko.
Hinatid niya ako sa aking silid at pumasok ako doon. " lady Breen pag handa na ang pagkain susunduin kita sa ngayon magpahinga ka muna. " ani nito at umalis na.
Sandali lang, pigil ko sa kanya nahinto ito, kaya natitigan ko ang mukha niya maamo ang mukha niya. Ang kulay ng kanya mata ay itim, makapal ang kanya kilay at mapula ang kanya labi, matangos ang kanyang ilong. Ang kulay ng buhok niya ay itim.
Siya ang lagi kumakausap sakin at hindi ko pa natatanong ang pangalan niya. " Ano nga pala pangalan mo? Tanong ko.
Ako si Sacrifice, lady Breen ani niya sakin. Hinihintay ang aking sasabihin.
Ikaw ang naatasan magbabantay sakin? Tanong ko.
Ah, oo lady Breen ako ang iyong bantay hanggang makapili si prinsipe Herve ng kanyang magiging asawa. Ani niya sakin at ngumiti.
Ngumiti ako sa kanya. " kung ganoon puntahan mo na lang ako pag handa na aking kakainin."
Nag paalam na siya sakin at tinignan ko palayo na ang kanyang bulto at naglaho na ito.
Pumasok na ako sa aking silid at naupo sa higaan. Nilibot ko ang tingin ko maganda ang silid kulay brown ito may mga gamit na konti at may banyo lumapit ako sa bintana.
Binuksan ko ito at napangiti nakita ko ang buwan na sobrang liwanag at napapaligiran ng ulap.
S o l a c E.

BINABASA MO ANG
Series 1 Silverius : Mahal kita
FantasyPang- apat na prinsipe si Herve Kane Silverius sa lahat ng magkakapatid siya ang pinakamabait mahal na mahal niya ang kababata niya na si Achlys Kennedy Saven pero paano kung makilala niya ang kakambal nito na si Breen Kennedy Saven gumugulo sa s...