Prologue

23.3K 544 178
                                    



DISCLAIMER;

This is a work of fiction. Names
Characters, business, songs, places
Events, and incidents are either product of author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to Actual person's, living or dead, or actual events is purely coincidental.

________________________________________________________________________________________

Dito na malalaman ang kaniyang sikreto.

Ang gugulantang sa kanilang lahat.

Ang tunay na pagkatao n'ya.

Kung sino nga ba ang binabangga nila.

Ngunit kahit na ano pa man ang kan'yang pagkatao ay hindi iyon mababago ang nararamdaman ng mga binatang nagmamahal sa kan'ya.

Pagkakaibigan. Pagmamahal. Pagtitiwala.

"Iwanan mo na ako, masama ako'ng tao"

"Wala akong pakialam kung masama kang tao, hindi pa ba sapat na mahal kita  para hindi kita iwanan?"

________________________________________________________________________________________

May mga bagong karakter ang papasok sa kwento ng kanilang buhay na sisira sa pagtitibay nilang lahat.

Pag-ibig ang s'yang magpapatibay ng kanilang relasyon? O sisira sa kanilang dalawa sa oras na bumalik ang nakaraan sa kanila?

Paano na lamang na ang mga taong nanakit sa'yo sa nakaraan at babalik sa kasalukuyan para sirain kayo at bigyan ng  Sad Ending? Papayag ka ba?

Paano kung ang mga taong darating sa buhay n'yo na akala n'yo ay nakabubuti sa inyo ngunit ang hangad lamang nila ay sirain kayo?

Pagtitiwala nga ba ang solusyon para sa kanilang lahat?

                   Ang Bagong Yugto.
____________________________________________
____________________________________________
             
Prologo.....

Nandito ako ngayon sa silid namin kasama ang mga hunghang. Tahimik lamang ako habang sila ay may sariling mundo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ng buong Section G ng dahil sa nangyari.

Wala akong balak na mag first move dahil wala sa bokabularyo ko ang salitang 'First Move'.

Ang cute na katulad ko ay hindi nagfifirst move.

Tahimik lamang akong naka tingin sa kung saan ng biglang pumasok si Sir Brandon na may dalang kulay gintong sobre.

Hindi man n'ya sabihin ay alam ko kung para kanino at saan galing ang sulat na 'yon.

Sa China....

"Everleigh...." agad na natahimik ang buong paligid ng iabot sa'kin ni Sir Brandon ang sobre. "Sulat, para sa'yo" ani nito.

Walang sabi-sabi na kinuha ko ang sobre bago pagmasdan 'yon. Wala sa sariling napa ngisi ng malaman ko na mali ang aking kumpirmasyon na doon nanggaling ang sulat na 'yon.

Hindi galing sa china ang sulat na ito.

Binuksan ko ang sobre at kinuha ang laman non. "Ano 'yan?" Tanong ni Sir ng ilabas ko ang laman ng sobre.

Litrato...

"Picture..." sabi ko bago tignan ito.

Iisa lang ang laman ng sobre pero ang mga taong nasa litratro ay ang buong angkan ko. Lahat ng namatay sa kamag-anak ko ay may letrang X sa mukha senyales na wala na ito sa mundong ibabaw.

Wala sa sariling napa ngisi ako ng makitang nilagyan nila ng exis ang mukha ko.

Tinignan ko ang likod ng litrato at binasa ang naka sulat doon.

Your Next...
________________________________________________________________________________________

PART 2:The Only Girl in Section Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon