Kabanata 23

22 2 0
                                    

Nang mabasa ko ang mensahe niya ay biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Dariel ang tumatawag sa akin. Wala sa sariling sinagot ko iyon saka itinapat sa tenga ko ang cellphone para marinig ang sasabihin ni Dariel sa akin.

[Hello? Adelaide, hindi ako nagbibiro sa sinabi ko sa iyo dahil pupuntahan kita at makikipag-usap sa iyo nang maayos. Kaya kitang puntahan kahit wala akong pera pamasahe, Laide.] Rinig kong sabi niya sa kabilang linya. 

Pumunta ng walang pamasahe rito sa Maynila? Nagbibiro ba siya? Hindi ko siya maintindihan, paano siya makakapunta rito kung wala siyang pera?

"Dariel, hindi mo kailangang puntahan ako dahil may sarili akong buhay at disesyon. Asikasuhin mo na lang ang pag-aaral mo para maging Engineer ka, huwag mo akong intindihin dahil hindi naman ako masasaktan dito--"

[Fine. Hindi na kita pipilitin simula ngayon. Pasensya na kung kinukulit kita.] Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatay na niya ang tawag.

Parang mayroong kumurot sa puso ko nang marinig iyon mula sa kanya. Nasaktan ako sa sinabi pero naiisip ko na ayos lang ito para hindi niya ako sundan dito at para wala na akong iniisip.

Hindi ko aakalain na sasabihin niya sa akin. Hindi ko rin inaasahan iyon. Bakas ang boses niya kanina ng lungkot na may halong inis. 

Inilapag ko na ang cellphone ko sa tabi ko, nagbuntong hininga ako saka tumayo sa kinauupuan ko. Dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit dahil kailangan kong bumili sa mall ng mga gamit ko pati ng ilang damit.

Gusto ko ring makapasyal kahit paano para hindi ako mag-isip ng kung ano-anong bagay tungkol kay Dariel at sa iba pang bagay na gumugulo sa isipan ko. Ayoko munang maalala ang ilang pangyayari na nangyari noong nakaraan sa akin, gusto ko munang magpahinga pagkatapos ng lahat ng ito. Mamuhay ng panibagong buhay kahit ilang buwan lang, kailangan ko rin kasing bumalik sa probinsya para makapag-aral kahit papaano.

Ang suot ko ay Square Neck Shirred Blouse na kulay brown at jeans. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos, kinuha ko ang cellphone ko at inilagay sa sling bag ko na kulay white, ang keycard ko ay kinuha ko rin para itabi sa bag ko. Nang matapos kong ilagay sa bag ko ang mga dadalhin ko ay lumabas na ako ng hotel room ko.

Nag-elevator ako para mas madali akong makababa. Marami akong nakasabay sa loob ng elavator at ang iba ay foreigner pa, magkakakilala ang iba samantalang ang iba ay taga rito lang din sa Pilipinas. Makikita sa mga suot nila na mayayaman at elegante sila lalo dahil sa mga suot nilang alahas pati mga damit.

Lumipas ang ilang minuto ng paghihintay ay bumukas na ang elavator, lumabas na ako dahil nasa first floor na ako. Maganda ang paligid, may couch sa isang gilid kung saan may ilang taong naghihintay roon. May dalawang batang babae na naglalaro don habang ang isang lalaki na Tatay siguro nila ay kinukuhanan sila ng video, kasing-edad ng lalaki ang isang babae na tumatawa habang kausap ng isang matandang babae na siguro ay nasa edad 60's. Halos lahat sila ay nakangiti.

Napangiti ako sa nakita ko. 

Kahit paano ay hinihiling ko pa rin na mangyari ang ganoong klase ng pangyayari kahit alam kong malabo. Nakaka-inggit kapag nakakakita ako ng buong pamilya na masayang nagtatawanan. Buo naman ang pamilya ko pero hindi masaya dahil palagi silang nasa trabaho, kahit minsan ay hindi sila nagkaroon ng oras sa aming magkakapatid.

Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano ba ang nagawa ko sa mundo para maging ganito ang buhay ko, pati masayang pamilya ay wala ako. 

"Adelaide!" Tawag ng isang pamilyar na boses sa likuran ko. 

Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko na si Ate Ezikiah iyon, kasama niya si Ate Riana na nakaporma. Lumapit silang dalawa sa akin at nang makalapit sila ay kita sa mukha nila ang seryosong ekspresyon na parang galit sila sa akin na hindi ko alam, maging si Ate Riana ay seryoso ang mukha.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon