4

4 0 0
                                    

"Tara na!" Kate exclaimed. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa baba, nakasalubong namin si Nick na ngayon ay naka topless na. 

"Ganda ng abs mo, ha?" Bati ko sa kaniya.  Ngumiti lang siya at sumunod na sa amin pababa upang lumangoy. 

"So when do you plan visiting tita Vinny?" Kate asked me. She's talking about my biological mother. Tiningnan ko sya at sinenyasan na andito ang iba naming pinsan. 

"Alam naman nila," she ignored my remarks. I shrugged. Dinama ko ang bawat hampas ng alon sa katawan ko. I honestly don't know how to face them.

I am adopted. My biological family, apparently can't raise another person dahil sadlak sa kahirapan kaya ipinamigay ako sa pamilyang kinabibilangan ko ngayon.

I met my mom 5 years ago. The memory was still vivid, mahirap kami. Napaka ambisyosa at mayabang kong tao, at kung sakaling haharapin ko sila, that also means I have to give. I must abandon my dreams for myself... which I could not do.

I don't want to meet them.

Nagfloat lang ako ng nagfloat at hindi na nagdaldal para magmuni muni. Although tanggap ko na naman ang estado ko dito, hindi ko pa rin magawang mag-open sa lahat ng tao tungkol sa kung sino ako. It's been 8 years when I've discovered but look at me still absorbing the truth.

It pains me so much sa hindi malamang kadahilanan. Hindi naman ako galit sa lahit kanino, if they were late telling me, or dahil naipamigay ako kasi hindi ako trinatong iba ng umampon sakin, mas mahal pa nga ako sa tunay na anak. Silang magkakapatid, mahal nila ako.

Even if I don't bear even a single ounce of their blood.

"Samahan mo ako bukas ah?" Inalalayan ko si Nick na ngayon ay medyo lango na dahil sa ininom naming alak.

"Saan, tita?" Untag nya. Nahihilo na rin ako at gusto ng itulog ang tama ng alak na nararamdaman.

"Claim ako pera bukas hehe. Sige na please?" Pagpapacute ko pa, may motor kasi sya at kabisado nya ang lugar. Di katulad ni Tin na isang buwan lang na naunang umuwi dito.

"Sige, matulog na kayo!" Nagkapaalamanan na. Humiga na lang ako dahil sa sobrang antok dala ng ininom.

Unang araw pa lang ay nababagot na ako. Nakakainis.

May tao ata. Nakarinig ako ng yabag ng paa paakyat dito sa kwarto ng biglang bumulaga sa mukha ko si Nick. 

"Nasaan sila Tita Kate?"  tanong niya, tumayo na agad ako at inaya sya palabas para lang hindi magising ang natutulog na si Tin sa tabi ko.

"Tara na, claim na tayo!" Pumayag naman siya at agaran kaming gumayak. It is indeed a long drive, naubos ang laway ko kakadaldal kay Nick tungkol s amga bagay just to break the ice between us again. Tumatawa lang siya at sumasagot din naman to interact with me. 

I claimed my money and asked him what he wants to do.

"Libot muna tayo bago kumain!" I excitedly spat. I gave him gas money to fill the motorcycle. 

"Full tank boss," Tiningnan ko si Nick, I must be stupid forget who he is. It's been 3 years ago when I had this feeling towards him. 

We are the same age, but he's taller than me. I am older by blood hierarchy but I don't think that doesn't apply to me since I am adopted. He's my nephew actually. But we are not related.

Still what I felt, was wrong.... is wrong.

"Tara tita Via, saan mo gusto pumunta?" I snapped out of my thoughts at binaling ang tingin sa kanya. Mukhang mapapasubo nanaman ako sa mga bagay na hindi pwede.

"Ikaw ang taga dito, you be the one to choose. I don't know anything!" I exclaimed. Tumawa naman siya. Tangina.

His eyes smiled when he did. Anak ng tokwa ka, hesus, what in the sweet home alabama is this shit?

"Sige, punta tayo sa kabilang bayan," he grinned and laughed. I was equally anticipating to see where he would take me and his smiles in an instant.

"Tara sakay na tita!"

Diyos ko po!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stars in The UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon