SIMULA

224 12 4
                                    

ISANG ingay nang pagsabog, putukan at maging ingay ng taong nagsisigawan ang naririnig ko.
Isang ingay ang mas namayani sa kuwarto ko na siyang gumising sa akin nang tuluyan at nagpabangon.
Nang iniangat ko ang aking sarili mula sa pagkakahiga, nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay.

"C-casey?" pagtataka ko nang makita ko siyang umiiyak sa isang sulok.

"A-ate..." nanginginig niyang sabi habang tumutulo na ang mga luha niya sa kanyang pisngi.
Tumayo agad ako at lumapit sa kanya. Bakas sa mukha niya ang matinding takot.

"Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" tanong ko sa kanya na nag-aalala at hinawakan ang magkabilang balikat nito upang pakalmahin.

"N-nandito s-sila..." sabi niya na hindi pa rin kumakalma. Yakap-yakap nito ang kanyang mga binti. At ang kaniyang mata ay hindi makatingin sa iisang direksiyon.

"Sino?" pagtataka ko.

Napasigaw na lang si Casey bigla. Lumaki ang mata nito sa kung ano man ang nakikita niya mula sa likuran ko.

"ATE!"

Nabigla ako nang may taong nakapasok galing sa may bintana. Tumingin lang ito sa amin na parang walang pakialam sa takot at gulat na ipinapakita namin nang makita namin siya.

"S-sino ka?"

Hindi ito tumugon sa tanong ko, sa halip ay lumapit ito sa amin na hindi tinatanggal ang tingin sa amin.. sa akin.
Itinago ko agad si Casey sa likuran ko.
"Kuya!" sigaw ko na nagbabasakaling may makarinig sa labas, lalo na si kuya.
Ramdam ko ang panginginig ni Casey na nakakapit ngayon sa damit ko.
"S-sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ko ulit sa lalaki.
Hindi nakabukas ang ilaw ng kuwarto ko at hindi gano'n kaliwanag ang kuwarto ko dahil hindi ko binubuksan ang bintana palagi sa kuwarto pero mula sa kadiliman ay nakikita ko ang anyo nito, ang hubog nito.
Naglakad ito papalapit sa amin na may tindig ng isang mandirigma at tinignan kami na parang hinahatulan kami.
At mayamaya may inilabas siyang baril.
Bigla naman akong nanlamig na parang nabuhusan ng isang balde ng tubig na maraming yelo.

Ito na ba ang katapusan ko? Katapusan namin?
Hindi.. panaginip lang ito, diba?

Napaiyak si Casey sa likuran ko. Kahit ako gusto kong umiyak.
S-sino ba siya?
Isa lang ang nasaisip ko.
Nangangahulugan lang na nakapasok nga sila dito.

Ang First District!

Gusto kong magpaawa na sana huwag niya kaming patayin pero alam kong imposible, wala silang awa kahit sino man.. wala silang sinasanto.
Ang alam ko, ang mga nasa First District ay nagsusuot ng maskara o kahit anong bagay na kayang takpan ang kanilang mukha. Bawal ipakita ang kanilang anyo lalo na kapag pumupunta sila sa ibang distrito, 'yon ang sabi sa amin sa Academy. Pero bakit siya, walang katakip-takip ang mukha?

"Is that the only thing you can do? Scream and cry? Ganiyan na ba kayo kahina?" wika niya na parang naiirita sa nakikita niya at itinutok ang baril sa direksiyon namin.

Para akong naging estatwa, hindi ko magawang gumalaw sa kinaroroonan ko.
Nasaan na ba sila ni kuya?
Nanghihina na ako. Ayoko nito. Lalo na't narito pa si Casey.
Mas lalo pa akong kinakabahan sa tuwing humahagulgol si Casey at isinasambit ang pangalan ko.
Napapakapit na lang ako nang mahigpit sa kanang braso niya upang pakalmahin siya kahit papaano.

"P-please.. P-parang awa m-mo na.." pagmamakaawa ko at otomatikong tumulo ang luha ko.

What Made You SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon