SHIRLEY
"Oh ito, ano ang ginawa ng babae nang sinaway siya ng kanyang tatay na huwag nang tumambling dahil nakikita raw yung panty niya?" tanong ni Kylene sa akin.
Di ko na lang siya pinansin. Wala rin kasi ako sa sarili ko ngayon.
"Pft.. Edi, hinubad niya na lang ang panty niya at itinago sa bag para raw hindi makita kapag tumambling siya. Hahaha!" At tumawa siya nang malakas.
Tinignan ko na lang siya habang tumatawa. Hindi ko kasi makuha kung saang parte ng biro niya ang nakatatawa.
Tumayo na lang ako at naglakad-lakad.
"Hoy! Di ka naman mabiro!" at sinabayan niya akong maglakad.
"Anyway, kumusta na 'yong kapatid mo?" tanong niya sa akin at sumeryoso na siya.
"Nasa ospital pa.." tipid na sagot ko.
Nasa ospital pa si Casey hanggang ngayon. Kalalabas ko lang ng Ospital noong nakaraang linggo. Tatlong araw lang din ang ipinahinga ko sa bahay pagkatapos. Mas pinili ko kasing pumasok sa paaralan agad. Hindi ko magawang hindi mangamba kapag nasa bahay ako. Kunting ingay lang o kaluskos, hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko, hindi ako ligtas kung nasa bahay ako.
Dito sa paaralan namin, napapalibutan kami ng mga sundalo at ng mga pulis kaya kahit papaano.. napapanatag ang loob ko."Eh, ikaw? Kumusta ka na? May masakit pa rin ba sa'yo? " pag-aalala niya.
Hindi ko rin alam kung ayos lang ba ako.
Tumahimik na lang ako at ngumiti sa kaniya bilang tugon.
Nagising na lang kasi ako noon na nasa ospital na ako. Nasaksak ako sa tiyan. May kunting kirot pa akong nararamdaman pero nakakaya ko namang baliwalain. Malapit na rin daw maghilom ito sabi ng doktor, hindi naman daw gano'n kalalim.
Sana nga.. kasabay nang paghilom ng sugat ko, mawawala na rin lahat ng alaala ko tungkol sa nangyari sa amin.
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang sumalakay ang First District. Hanggang ngayon, mahigpit pa rin ang seguridad sa lugar namin pero balik na ang lahat sa normal. Balik-trabaho na, balik-eskwela na rin.
Pero kahit gano'n man. Marami talagang nagbago. Alam kong ito pa rin ang Fourth District na sinilangan ko pero ang pakiramdam ko sa lugar na ito ay di na tulad ng dati. Di ko maipaliwanag pero ibang-iba na talaga.
Nabalik naman ulit si Casey sa isipan ko.. ngayon kasi ay hindi na siya makalakad gawa nang pagkabaril sa kaniya. Mabuti at nasa mabuting kondisyon ang balikat niya na natamaan din.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa lahat.Parang... parang ang hina ko.
Sana ako na lang ang nasa kalagayan ng kapatid ko.
Calling all students, please proceed to the quadrangle.
Narinig namin ang isang announcement mula sa isang speaker na nakakabit sa canteen.
Nasa paaralan kami ngayon, sa Fourth District Academy.
Dadalawa ang sangay ng FDA (Fourth District Academy).
Una ang regular na FDA, kami iyon.
Katulad ito ng ibang ordinaryong paaralan. Nag-aaral kami para maka-graduate. Para magkaroon ng Diploma at makatrabaho.Ang isang sangay naman ng FDA ay ang Special Class.
Kung tutuusin, pareho lang naman ang pangngalan ng eskwelahan namin-- Fourth District Academy. Pero malalaman mo kung nasa Special Class ito nag-aaral dahil iba ang uniporme nito at nasa kalayuan ang paaralan nila, hindi sila inihalo sa aming mga regular na mag-aaral.
BINABASA MO ANG
What Made You Special
Action"..kung ganiyan ka kahina, tumigil ka na. Narito ka para protektahan ang bayan natin; hindi 'yong, ang bayan pa ang magpro-protekta sa iyo" Tumatak ang mga linyang ito sa isipan ni Shirley. Pero kahit gano'n pa man, hindi siya susuko. Abangan ang ku...