Isang ingay sa labas ang nagpagising muli sa akin. Hindi ko matukoy kung ano iyon, hindi pa ganoon kagising ang diwa ko.
Tinignan ko ang paligid ko, ang buong kuwarto. Nakasara ang mga bintana. Maging ang pintuan ko, naka-lock.
"Is that the only thing you can do? Scream and cry? Ganiyan na ba kayo kahina?"
"May araw din ang kapatid mo sa akin, lalo na ikaw.."
Bigla naman nasagi sa isipan ko si Casey.
Si Casey!
Nataranta ako at bumangon agad.
Lumabas ako ng kuwarto at pumunta agad sa kwarto ni Casey. Magkalapit lang ang kuwarto namin.
Nang buksan ko ang pintuan, napanatag naman ang loob ko nang nakita ko siyang mahimbing na natutulog.Umaga pa lang, alas syete. Sabado.
Sinigurado ko muna na nakasara ang mga bintana sa kaniyang kuwarto bago ako umalis at tignan kung ano ang umiingay.
Lumabas ako ng bahay dahil walang katao-tao sa sala. Paglabas ko nakita kong may mga nagkukumpulang tao; sa isang bahay katapat ng sa amin, bahay nila Kylene. Isang ambulansya ang naroon at ito ang pinanggalingan ng ingay.
Nakita ko si kuya Diego na nakikipag-usap sa mga autoridad. Maraming nagkalat na mga sundalo sa lugar."Shirley, saan ka pupunta?" napalingon ako kay mama nang tawagin niya ako, nasa gilid siya ng gate. Tumitingin din siya sa nangyari.
"Gusto ko lang kamustahin si Kylene.." sabi ko na nag-aalala.
Hindi ko na hinintay na dugtungan pa ni mama ang sasabihin niya at tumawid na ako. Sa di kalayuan ay may nakita akong nakabalot na bangkay sa looban ng bahay nila ni kylene at unti-unti na itong dinala ng mga tao sa ambulansya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba.Anong nangyayari?
"Miss di po kayo rito pwede" sabi naman ng isang lalaki habang hinaharangan ang daanan. Hindi ko namalayan na dire-diretso na pala ang lakad ko papasok sa bahay nila ni Kylene.
"P-pero po.." magpapaliwanag pa sana ako nang napansin ako ni kuya.
"Shelie!"
Tinawag ako ni kuya at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Anong ginagawa mo rito?" sabi niya na may halong galit. Para akong isang batang papagalitan niya dahil sa tono ng boses niya.
"Kuya anong nang--" pagtatanong ko pero hindi na niya ako pinatapos pa.
"Sasabihin ko sa'yo mamaya basta bumalik ka na ng bahay" wika niya at bumalik ang kalmadong boses nito. Sumunod naman ako sa kaniya.
Nagsimula na akong maglakad palayo sa bahay nila Kylene. Napapalingon pa rin ako sa bahay nila at nagbabasakaling makita si Kylene pero wala..
Habang papatawid na ako bigla na lang akong nagulat nang may putukang naganap. Nasa kalagitnaan ako ng kalsada nang maganap ang putukan. Automatiko akong napadapa dahil sa takot, di ko alam ang gagawin ko kaya tinakpan ko na lang ang aking ulo ng aking kamay.
Ano na naman ba ito?
Ano na naman ba ang nangyayari?
"Shirley!" sigaw sa akin ni mama na pilit ding tinatago ang sarili niya. Hindi maipinta ang mukha ni mama. Parang gusto niya akong puntahan pero hindi siya makakilos dahil sa matinding panginginig nito.
Nakaramdam na lang ako nang may bumuhat sa akin at tumakbo siya habang pasan niya ako. Huminto siya at ibinaba ako sa may tapat ng bahay namin. Napasandal ako sa may semento. Itinago ako ng lalaki nang maigi para proteksiyonan ako.
Nagpapalitan ng mga putok. Nakabibinging putukan. Napapikit na lang ako at nagdasal.
Ilang minuto ring nagtagal ang putukan at nang lumayo na ang putukan ay napamulat ako.
Nakita ko na lang ang mga sundalo ng Fourth District na nagsisitakbo at hinahabol yata ang kung sino mang nagpaputok.
BINABASA MO ANG
What Made You Special
Action"..kung ganiyan ka kahina, tumigil ka na. Narito ka para protektahan ang bayan natin; hindi 'yong, ang bayan pa ang magpro-protekta sa iyo" Tumatak ang mga linyang ito sa isipan ni Shirley. Pero kahit gano'n pa man, hindi siya susuko. Abangan ang ku...