Kabanata 14

19.6K 638 77
                                    

It's been a very long time since. Ngayon ko muling naramdaman ang pangungulila sa kaniya. Alam mo 'yong nasanay ka sa isang bagay tapos, isang araw bigla na lang 'yong nawala. 'Yong pakiramdam na para kang umalis sa tahanan mo at naglakbay sa iba't ibang lugar, until you just felt empty and longing for your home's comfort and presence. 'Yon 'yong naramdaman ko sa dalawang taon na hindi ko naramdaman ang init niya. At wala akong magawa dahil ako ang nagtulak sa kaniya.


He's peacefully sleeping behind me. Nakayakap pa rin siya sa akin at nakasiksik ang mukha sa may batok ko. I reached for his hand and caressed it. Sinusulit ang pagkakataong ito na yakap niya ako. I feel like I'm home. Napunan noon ang pangungulila ko sa kaniya. Lahat ng sakit at selos ko nitong mga nakaraan ay unti-unting nabubura.


Marahan akong gumalaw pa-ikot para harapin siya. Hindi ito agad nagising sa ginawa ko. I lowered my body para magkatapat kami ng dibdib niya. Marahan akong umusog at sinandal ang mukha sa kanyang dibdib and there I can here his serene heartbeat. Noon pa man gawain ko na ito, I love to hear its beat. I love to hear its calmness. Marinig ko lang 'yon, pakiramdam ko naalis lahat ng pagod ko. Pinulupot ko saglit ang isang kamay sa katawan niya at dinama ang init ng katawan niya sa pamamagitan ng pagyakap. I just want to forget everything and seize this moment.


"Are you really mad at me, to the point that you want to hurt me?" I was caressing his back while whispering those words. Tulog naman siya, so I'm free to speak what's inside me.


"I'm sorry. Am I selfish to ask you not to be mad at me? Akala ko kasi kaya ko na magalit ka sa akin, but... I can't... It hurts." I sniffed.


"I'm really sorry for breaking you, I'm really sorry for hurting you. I'm really sorry for breaking my promises, I'm so sorry for running away." I knotted my hand on his shirt and buried my face on his chest as I cried soundlessly. Umuuga ang balikat ko pero hindi ko hinayaang may ingay na lumabas mula sa mga labi ko. I felt like my heart was twisting.


"I'm...I'm sorry because... I don't regret it."


Hindi ko pinagsisisihang nakipaghiwalay ako. Pero hindi ko itatangging mas nasasaktan ako lalo na pag nakikita kong may bagong tao na sa buhay ng taong sinayang ko.


He has Fummy now, and no matter how I tried to think that everything was just an act, hindi ko maiaalis sa isip ko... na may iba. I knew there was something going on between them because Mist will never care for a woman, unless she means something to him. Unless that woman holds a part of his heart. He likes Fummy. Malinaw 'yon sa akin at sa kaisipang 'yon, nakaramdam ako ng takot. Baka kasi masyado akong nakampante na ako lang ang mamahalin ni Mist kahit na wala na kami.


Kahit pinipilit kong paglapitin sila, kahit itinulak ko siya kay Fummy. Nasasaktan pa rin ako, nagseselos ako...kasi hindi ko dapat ginagawa 'yon, hindi ko dapat sila mas pinaglalapit pero...ang katawan ko ang isip ko kusang nag dedesisyon.


"I love you, I love you so much. Mahal na mahal kita Mist. At kahit ayaw mong maniwala, ginawa ko 'yon para sa 'yo." Umangat ako ng mukha at marahang inabot ang mga labi niya para marahan siyang lapat ng isang halik. A tear fell from my eyes before I let go of him and moved away. Tinuyo ko ang luhang kumawala at walang ingay na lumabas ng kwarto ko.


Dumeretso ako sa kusina para igawa siya ng breakfast, dinagdagan ko na rin 'yon ng mga paborito niya na siyang madalas niyang ipaluto sa akin noon. I was in the middle of cooking when arms hugged me from behind. I can feel his breath against my neck and plant soft kisses on it.


"Why did you leave?"


"N-naglututo ako c-can't you see?"


"You traumatized me before, I don't like it. I don't like to sleep with you and wake up without you next to me."


"Hindi ako umalis nagluluto lang ako," I tried to calm myself and sighed. Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sa kaniya. Namumungay ang mga mata nitong tinitigan ako bago marahang nilapatan ng halik sa ilong ko na kinagulat ko.


"Next time that I sleep here with you, wait for me to wake up first before you leave."


"M-Mist, what the hell are you doing?"


"Let's go back together. Come back to me, Fei."


"Mist!" unti-unti akong nainis at lumayo sa kaniya pero muli siyang lumapit.


"Are you going to push me away again? Hanggang kailan mo ba gagawin 'yan? I gave you two years. How can you be so cruel to me? Binaliw mo ako ng halos 22 years , tapos iiwan mo lang ako matapos ng tatlong taon na relasyon natin?" puno ng hinanakit ang mga mata niya.


"M-malapit na matapos ang niluluto ko, makakakain ka na."


"Stop changing the topic, Feirene Valentine!"


"Mist, I had sacrificed everything 2 years ago. Hindi magbabago ang isip ko."


"I am giving you one last chance to fix our relationship! I am giving you one chance to choose me!" He looked at me with his pleading eyes. Mabilis siyang humakbang para tawirin ang distansya namin at mabilis akong hinalikan. Kung kanina nagawa ko siyang tugunin, ngayon ay nakayanan ko na 'yong tiisin hanggang sa kusa s'yang humiwalay at pinagdikit ang mga noo namin.


"Take me back, Fei. Please."


"I'm sorry," unti-unting dumulas ang kamay niya hanggang sa tuluyan siyang makalayo. Wala na sa aming nagsasalita ng mga oras na 'yon hanggang sa tumunog ang phone niya. Mariin niya munang tinitigan 'yon bago ako hinarap.


"Tell me not to answer this."


"Answer the call, Mist."


I saw how his jaw moved and he answered the call.


"Fummy."


Kaagad akong tumalikod at may kumawalang luha sa mga mata ko. Nagpanggap akong nagluluto kahit sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Kailan ko ba magagawang palayain ang sarili ko sa sakit? Kailan ko ba magagawang piliin ang sarili ko?


"I am leaving," natigilan ako at hinarap si Mist ngunit nakatalikod na ito sa akin.


"This is the last time that I will be here."


"T-that's the best thing."


"You don't deserve the love I gave you, Feirene. At this moment, you really lost me. I gave you one last chance, and you just pushed me away. You're not worthy of my love and time. From now on, I will forget you. I will start a new life without you, and I will begin with a new relationship... better than the first one I had."


Para akong sinampal ng ilang beses sa sinabi niya. My heart shattered, my knee trembled, as my eyes started to shed tears.


I watched him leave, at sa mga oras na 'yon alam kong tuluyan na siyang nawala sa akin.




4straeaLuna

Hiding The Actor's Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon