Kabanata 19

20.2K 599 64
                                    

In 2 years, I never regretted my decisions. No, my whole life... I never regret any of the decisions I made. Not until that situation comes, where I have to decide whether to end our relationship or stay.


But right now, I am starting to feel otherwise. Pain and regrets were now eating me alive. I am breathing. I am still alive, but I feel like I am dying as seconds pass by. My heart can't stop hurting, I can feel it. I can feel the aches, the invisible wounds that will definitely scar me. I wanted to repent, I wanted to retreat, I wanted to go back because I couldn't stand it anymore. I cannot prolong this suffering. I want to be with him again. They are right when they say that having a broken heart is like having broken ribs. It hurts every time I breathe.


I fixed myself after he left in a rush. I don't know what happened, but based on his expression, something bad really happened. Nag-shower muna ako bago naisipang maglinis. I bathed Misty first before I made myself breakfast. Nilagyan ko na rin ng cat's food si Misty sa kainan niya. Kasabay ko sana si Mist ngayon, pero... I sighed.


Matapos kumain ay pinili ko namang maglinis sa salas. Wala akong trabaho ngayon, at pinili kong magbasa na lang ng libro at matulog maghapon with Misty on my side. Her little paw played my book, her little paw played my hand. Bibitaw lang siya kapag inaangat ko ang kamay ko at bahagya pa niya 'yong hahabulin hanggang sa muli kong ibaba ang kamay ko matapos ilipat ang pahina ng binabasa ko. She's pretty cute and sweet. Gumaan ang pakiramdam ko.


Nang mag-lunch ay tanging noodles lang ang kinain ko dahil pakiramdam ko, wala ako sa mood magluto at kumain ng marami. I just brushed my teeth and was getting ready to go back and lie on my bed when Ozie called me.


"What is it, Ozie?"


"I have a news," umayos ako ng tayo at sumilip sa labas. Masyadong mainit ang panahon at natitiyak kong masakit sa balat 'yon.


"Good or bad?"


"Both?"


"Spill it," naiinip na utos ko.


"Pinapapunta ka ni Direk Gab dito sa HMSA, ikaw ang napiling ipalit kay Fummy sa role niya. Pumunta ka rito for father info, I want to talk to you personally, hindi kasi ako makaalis," magsasalita pa sana ako ng mabilis niyang maibaba ang tawag.


W-what?!


As far as I know, ang ginagawang project na 'yon ay movie ni Fummy at Mist.


Hindi ako magkandaugaga sa pagbihis. I am freaking curious about what the hell happpened. Bakit din ako ang kinukuha nilang kapalit? Halos hindi ko na alam kung maayos ba itsura ko ng makarating sa building ng HMSA. Bitbit ko pa si Misty dahil hindi ko siya makakayang iwan.


Sinalubong kaagad ako ni Kitkat kaya pinaalagaan ko na muna sa kaniya si Misty bago tinungo ang kung nasaan si Ozie. Kaagad ako nitong hinila paapo at tila stress na stress na siya. May hawak na rin kasi siyang katinko at pinapaypayan na rin niya ang sarili niya.


"Tell me what happened, Ozie. At bakit ako ang ipapalit."


Hiding The Actor's Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon