Ang Nasayang na Oras

12 1 0
                                    

Ang maikling kwento tungkol kay Shi Suzuki

Pabilis nang pabilis ang takbo ng dalaga at palinga-linga sa paligid sabay inis na umupo sa tabi ng paborito niyang puno ng nakitang natakasan niya na rin wakas ang mga binatang kanina pa nakasunod sa kanya. Wala siyang atubiling kinuha ang mga babasahin sa kanyang bag upang mag-aral. May pagsusulit pa siyang kailangan isipin at wala dapat siyang sinasayang na oras. Hindi niya muna mahaharap ang mga kalalakihang nahuhumaling sa kagandahan niya.


Siya si Shi Suzuki, labing siyam na taong gulang. May lahing hapon, intsik at pilipino. Pero mas nangingibabaw pa rin ang pagiging pilipino nito. Magaling ang dalaga sa asignaturang Matematika lalo na sa numero kaya't naisipan niyang pasukin ang kurso na may kaugnay sa pagnenegosyo. Galing din siya sa mayamang pamilya at alam niya ding hindi siya tunay na anak ng mga tinuturing niyang mga magulang ngayon. Malungkot man para sa kanya pero matagal niya ng tanggap ito.


Habang nag-aaral, panaka-naka siyang tumitingin sa oras. Nagalit kasi sa kanya ang kababatang kaibigan nang nalaman nito na hindi niya na iniinom sa tamang oras ang kanyang gamot. Kaya madalas palang sumasakit ang kanyang ulo. Nang nakita niyang oras na para uminom, nag dalawang isip muna siya bago ito kunin. Parang may nag kokontrol sa kanya upang hindi ito inumin. Pero ilang minuto lamang ay nilagok niya rin ito kasabay ng pag-inom ng tubig.



Mabilis natapos ni Shi ang kanyang pagsusulit. Lumabas siya ng paaralan tila may hinihintay na sundo. Maya-maya lamang ay may humintong sasakyan sa kanyang harapan, sumakay siyang padabog at sinara ang pinto nang walang kamalay-malay na kotse. Galit ang dalaga dahil sa tagal nitong naghintay sa kababatang kaibigan. Napailing na lamang ang kaibigan sa inasta ng dalaga. Alam niya ang ugali nito at naiintindihan niya na ang bawat segundo at minuto ng katabi ay mahalaga. Ayaw kasi ni Shi na sinasayang ang oras niya lalo na’t marami pa siyang dapat asikasuhing proyekto.




Nang makarating sa apartment nila ay mabilis din nakapagpalit ng pambahay ang dalawa. Oo magkasama ang dalawa sa iisang apartment. Pinagkatiwala ng mga magulang ang dalaga kay Gio dahil mag kababata naman sila at siya lang din pinagkakatiwalaan ni Shi. Alam ng magulang nila na kay Gio lang sumusunod ang dalaga kaya siguradong sigurado silang mababantayan ito mabuti ng binata.


Nang magsimula kasing mag kolehiyo si Shi, humiwalay na siya agad sa kanyang mga magulang. Gusto niyang matutong tumayo mag-isa ng walang tulong sa mga ito. Alam niyang sobrang yaman nila pero hindi niya masisikmura ang ganung sitwasyon dahil sa una palang alam niya na di siya tunay na anak ng mga ito.
Kinuha ng dalaga ang kanyang laptop at namalagi sa sala. Doon niya tinapos ang kanyang mga gawain.


Kakagaling lang ni Gio sa kusina habang may hawak-hawak na mansanas, sumilip siya sa ginagawa ng dalaga. Hanga din talaga siya sa kasipagan, sa dedikasyon at pagpapahalaga nito sa oras. Nakakalungkot man isipin pero alam niya ang dahilan kung bakit ganito nito pahalagahan ang oras nang lubos.



Naghihilamos ngayon ang dalaga nang maalala niya ang tinanong kanina sa kanya ng kaibigan. Tinanong lamang nito kung ininom ba niya ang kanyang mga gamot. May katapatan niya naman itong tinugon. Naging palaisipan din sa kanya ang paghingi ng tawad nito. Para din sa kanya ang ginagawa ng binata at ayaw niya lamang na mapahamak siya. Habang nag-aayos ng higaan niya, biglang tumunog naman ang kaniyang telepono. Hindi niya ito sinagot sapagkat alam niyang ang nobyo niya ito at siguradong kukulitin lamang siya nito ngayon. Ayaw niyang mangyari yun dahil masasayang lamang ang kanyang oras kaya nagkumot na lamang siya at natulog. Siguro bukas na lamang siya babawi sa kanobyo.




Sa isang club naman ay masayang umiinom na nakatingin ang nobyo ni Shi sa mga babaeng nasa harapan nito. Sinasayawan siya kasabay ng naglalakasang mga tugtogin. Nasa isang eksklusibong club ang binatang nasa tamang edad na. Ito ang lagi niyang tinatambayan tuwing gabi hanggang madaling araw kaya suki na siya dito. Napatingin ito sa papalapit na napakagandang dilag. Ito na yata ang kanyang binayarang babae. Kitang-kita ang hulma ng katawan nito at halos wala ng saplot kung ituring dahil sa manipis at maikli nitong suot. Mas naengganyo ang binata sa nakikita. Alam niyang may nobya rin siyang napakaganda sa kanyang pinapasukan na paaralan pero hindi siya yung klase ng lalaki na tapat at sa iisang babae lamang nakatuon ang atensyon. Habang wala pang trabaho ay nagpapakasasa muna ito at naglilibang.

Ang Nasayang na OrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon