Ang Pangalawang Wakas

6 1 0
                                    

"-at ako iyon, Shi. Ako yung kababata mong kaibigan na mahal na mahal ka hanggang ngayon. Sana mapatawad mo ko na ngayon lang kita nadalaw. Pinagbawalan kasi ako ng mga magulang mo na pumunta dito kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para pumuslit. Kailangan ko nga rin bilisan baka kasi maabutan nila ako.

Shi mahal ko, nagsisisi akong hindi ko nasabi sayo ang totoo. Pero nagawa ko lamang iyon para maprotektahan kita. Baka kapag nalaman mo na may ganun kang sakit ay baka matakot ka. Hindi rin totoong may taning ang buhay mo. Alam kong hindi mo ko mapapatawad dahil kilala kita, ayaw mo sa mga taong sinungaling at hindi tapat sayo. Alam mo bang nanghihinayang rin ako sa mga oras na nasayang? Maraming oras ang binigay sa akin para magtapat ako sayo, lalo na ang tunay na nararamdaman ko. Pero lahat ng iyon sinayang ko lang. Kung sana parehas tayo na may pagpapahalaga sa oras siguro matagal ko ng nasabi ang matagal ko ng tinatago.

Pasensya na rin kung naglihim ako tungkol sa pagkatao mo. Na walang pagdadalawang isip na sabihin sayo na alam ko ang lahat. Alam kong ikaw mismo ang pumatay sa sarili mong nobyo. Nagawa mo lang naman yun diba dahil ayaw mo sa taong mga sinungaling at manloloko? Ikaw rin ang matalik mong kaibigan na si Hera. Kayong dalawa ay iisa. Hindi mo alam na nag-iiba kang anyo o pagkatao. Gulat na gulat nga ako noong nakita ko na naman ulit ang pagkatao mong 'yon, Shi. Alam kong kapag siya ang nandyan mahal niya ako pero hindi ko masusuklian yun kahit alam kong iisa lang kayo kasi iba ka sa kanya. Magkaibang-magkaiba kayo. Kaya sana patawarin mo ko sa pagsisinungaling ko.

Sana sinabi ko sayo ang katotohanan, sana naging tapat man lang ako kung talagang mahal kita, sana andito ka pa rin sa tabi ko kung hindi ko nagawang mag-sinungaling sayo. Baka naayos pa natin ang sakit mo, baka naitama mo pa ang lahat ng pagkakamali mo. Higit sa lahat baka buhay ka pa, may oras pa sana tayo para sa isa't isa." iyak na sabi ng binata.

Pinunasan niya muna ang kanyang mga luha at napaisip. Mas lalo niya ng naiintindihan ang dalaga kung bakit grabe ito magpahalaga sa oras, walang oras na dapat na masayang at higit sa lahat ang katapatan na personalidad nito. Kasi mahalaga talaga ito sa buhay natin, madalas ito ang nagiging dahilan kung bakit marami tayong pinagsisisihan na mga bagay-bagay sa huli. Kahit sa simpleng pagpasok nila sa paaralan ng maaga ay malaking bagay na gayundin sa pagiging matapat. Para sa huli wala tayong pagsisihan.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na siya kay Shi. Umalis na ang binata sa sementeryo bago pa ito maabutan ng mga tauhan ng mga Suzuki.



Sa tabi ng isang malaking puno kung saan matatanaw mo ang kahit sinong dadalaw sa puntod ng dalaga, ay may nakasandal na babae na pinagmasdan lang ang pag-alis ni Gio. Naghintay muna siya ng mga ilang oras bago rin siya umalis. Habang naglalakad ito, inisip niya ang itsura ng binata. Ang laki ng pinayat nito at pinagbago dala na rin siguro ng lungkot.

Dalawang taon rin noong huli niya itong nakita. Ang huling pagkakatanda niya ay tumatakbo siya palabas ng gusali at nakitang nakaluhod ang binata habang umiiyak na nakatingin sa gusaling nasusunog. Napailing na lamang siya sa mga naalala noon at tumakbo na sa kinaroroonan ng kanyang kotse. Kahit gaano pala niya pahalagahan ang oras, may masasayang at masasayang pa rin ito. Ang nasayang na oras ay hindi na maibabalik pa. Pasakay na sana siya ng may biglang siyang maalala.

‘May oras ka din sa akin, Gio. Magkikita pa tayo muli.’
Sabay sakay at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Kahit alam niya na ang lahat, desidido pa rin siyang ipagpatuloy ang plano niyang patayin ang mga magulang na kumupkop sa kaniya.

The end

Ang Nasayang na OrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon