Chapter 4

10.3K 788 135
                                    

Pagkahimpil ng taxi na sinakyan ni Isla pauwi ay namataan niya agad ang kotse ni Frida sa tapat ng inuupahan niyang bahay. She lived in a small house. Ang pagkakaalala niya ay ni ayaw tumapak ni Frida sa bahay niya. Masikip daw at mainit. And she said she was allergic to dust. Ano ngayon ang masamang hanging nagdala sa kanya rito?

Pumintig agad ang ugat sa sentido niya. Pagod na siyang makiharap sa mga walang kuwentang tao na minsang naging parte ng buhay niya.

Her only wish was to never see them again.

“Bayad ko po, Manong.” Inabot niya ang bayad sa driver at bumaba na ng taxi. Frida immediately got out of the car. Nakasimangot itong sumalubong sa kanya.

“Bakit ngayon ka lang? I called you twice but your number is unattended.”

Napabuga siya ng hangin. Naririnig ba ni Frida ang sarili nito? She was acting as if she did her no wrong. Parang responsibilidad pa niyang umuwi nang maaga para rito. Kung tutuusin ay mamaya pa dapat ang out niya. Napaaga lang dahil pinauwi siya ni Ethan.

“Ano’ng kailangan mo?” malamig ang boses niyang tanong. Hindi siya nag-abalang buksan ang gate dahil ayaw niyang patuluyin sa bahay niya ang ahas na kaibigan.

“Open the gate. We will talk inside. Maraming lamok dito. And the place looks really trashy.”

Napangiti siya nang mapakla. Bagay nga sina Marcus at Frida. Parehong makakapal ang mukha.

“Huwag mo akong utusan, Frida. Hindi mo ako alalay o alila. Hindi na rin tayo magkaibigan ngayon. Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin?”

Eksaherado nitong natutop ang bibig. “Oh! Ang tungkol ba sa pagpapakasal namin ni Marcus? Hindi mo pa rin ba matanggap? Girl, move on already. Kung ayaw na sa iyo ng lalaki, huwag mo nang ipilit pa ang sarili mo. That’s cheap, you know.”

Matalas talaga ang dila ni Frida. Sana hindi na lang siya nakipagkaibigan dito noon. Sana hindi na lang siya nagmalasakit sa babae nang mapansing walang gustong makipaglapit dito noon.

“Ano ba talaga ang pinunta mo rito? Hindi ka naman siguro nagpunta rito para sabihin lang sa akin na huwag ko nang ipilit ang sarili ko kay Marcus, 'di ba?”

Frida rolled her eyes. “I don't have much time anyway, so I'll get straight to the point. It's about the book we started together, deadline na. I need to submit it on Monday. Pakisend na lang sa akin ang file.”

Nagsalubong ang kilay niya. The woman was a widely known author. Pero kung iisiping mabuti ay tatlong nobela lang siguro ang naisusulat nito at lahat iyon ay mababa ang sales. Ang ibang libro nito na tunay na pinag-usapan at pinuri ay siya ang sumulat.

Frida hired her as a ghostwriter and Frida gets all the credit. Wala namang kaso sa kanya kung hindi siya makilala. Hindi rin siya nagpapabayad. She was happy and contented with her life before. Masaya siya sa ginagawang pagtulong sa matalik na kaibigan. Her only dream was to marry her long-time boyfriend.

Nagpakahangal lang pala siya.

Ngayon, lalapit sa kanya si Frida para sabihing tapusin niya ang libro nito? Hah! And when she said that they started the book together, she wanted to puke! Diyos ko, wala itong ambag ni isang linya.

“I’m sorry, Frida, but someone ought to tell you this.”

“Tell me what?”

“That you’re a b*tch.”

Namula ang babae. “I don’t care if you think that way about me. Just finish the book before Monday!”

“Nababaliw ka na kung iniisip mong tutulungan pa rin kita. Hindi magandang patuloy mong niloloko ang mga taong tumatangkilik sa mga libro mong ako ang sumulat.”

“Gusto mong gumanti sa akin dahil ako ang pinakasalan ni Marcus. Gusto mong sirain ang career ko!” hiyaw nito.

“Get lost, Frida. Iyung-iyo na si Marcus.” Pagkasabi niyon ay binuksan niya ang gate at pumasok saka kinandado ulit iyon. Mahirap na baka makapasok ang ahas.


NAKATULALA si Isla habang isa-isang sinusunog ang mga litrato nila ni Marcus sa likod-bahay. Masakit pa rin pala. Napahikbi siya. Bumalik sa alaala niya ang una nilang pagkikita. Naging kaklase niya ito sa isang subject noong college sila. Isa ito sa mga hinahabul-habol sa campus. Nang magpahiwatig ito sa kanya ng damdamin ay sobrang saya niya. Minahal niya ito nang sobra. Akala niya ay sila na talaga ang magkakatuluyan.

Mayamaya ay bumalik na siya sa kanyang silid. Minasdan niya ang repleksyon sa salamin. Hinaplos niya ang mukha. Maganda siya. Alam niyang maganda siya. Marami ang nagsasabing mas maganda pa siya kay Frida. Mayaman lang ang huli. Ni hindi nga siya nag-aapply ng make up sa mukha. Simple lang siyang manamit. Pero kahit ganoon ay ilang ulit nang napaaway si Marcus dahil sa mga lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya kahit hindi niya pinapansin ang mga ito.

She clutched her chest. She thought Marcus was the one she was going to spend the rest of her life with. Ang dami niyang pangarap para sa kanilang dalawa. Ang sakit-sakit ng ginawa nito sa kanya.

Pero tama si Ethan, she needed to keep her head busy. Hindi puwedeng patuloy na lang siyang malungkot. Hindi niya kailangan si Marcus sa buhay niya.

Her phone rang.

Marcus calling…

Gusto niyang umungol. She ignored the call but he kept on calling her.

“Ano na naman?”

“Gusto mong sirain ang career ng kaibigan mo dahil lang pumayag siyang pakasal sa akin? Hindi niya kasalanang nahulog ako sa kanya. Look, Isla, you know how Frida worked hard to finish the book. Don’t be unfair.”

Unfair? Siya pa talaga ang unfair ngayon?

“I fell out of love, okay? Blame me all you want. Pero huwag mong idamay sa galit mo sa akin si Frida.”

Nagpulsuhan ang mga ugat niya dahil sa galit. “P*tang-ina mo, Marcus. Career niya iyan, libro niya iyan, kaya labas na ako riyan. Kung gusto mong tulungan ang asawa mo, di ikaw ang tumapos sa libro!” Pinutol na niya ang tawag. Nanggigigil siya. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng dalawa. Makikita ng mga ito, makakabangon din siya sa pighating dinulot ng mga ito sa kanya.


ISLA used to wear slacks and loose-fitting upper garments to work. Today, she wore an old rose overlap dress. Bumagay iyon sa mamula-mula niyang kutis. Hinayaan niya ring nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Noong nakaraang gabi ay nagbabad siya sa internet at nag-browse sa mga online shops. Nag-add to cart ng mga bagong damit. Mas mura kasi. Ang suot niya ngayon ay regalo ng babaeng kliyente niya noon sa real estate. Hindi niya matanggihan kaya tinanggap niya kahit na hindi siya nagsusuot ng ganoon kamahal at ka-eleganteng damit. Ayaw kasi ni Marcus.

Pagpasok niya palang sa opisina nila ay natuon agad sa kanya ang lahat ng mga mata. They were obviously surprised.

“You are breathtaking today, Isla,” puri sa kanya ni Ethan na nakatingin din pala sa kanya.

Tipid siyang ngumiti. “Thank you, Sir Ethan. Dumaan lang ako para sabihing ngayon ang schedule ng interview ko.”

“Wow, that’s good. Best of luck, Isla.”

“Kung hindi man ako matanggap, okay lang naman. Ang mahalaga sinubukan ko.”

“Oo naman. I’m glad that you're becoming optimistic again.”

“Kaya pala matapang ka na ngayon, Isla. Nakahanap ka na pala agad ng ipapalit sa lugar ko.” Puno ng pang-uuyam ang boses ng lalaking kakapasok lang ng opisina nila. His face was grim. Sinuyod siya nito ng malisyosong tingin mula ulo hanggang paa. “Look what you’re wearing, pumasok ka ba para mang-akit?”

Si Marcus!

She clenched her fists. “Walang mali sa suot ko. Bakit ba nag-aabala ka pa ring kausapin ako?”

“I don’t see anything wrong with her dress, Marcus,” sambit ni Ethan.

“Huwag kang makialam dito, Ethan. May paglalagyan ka, hintayin mo lang,” asik ni Marcus kay Ethan bago muling itinuon sa kanya ang nagbabagang tingin. “Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal, Isla. Alam kong ginagawa mo ito para pagselosin ako. Stop this nonsense already. May asawa na ako.”

“Excuse me?” sarkastikong sambit ni Isla. “Magkaiba ang mahal pa sa minsang minahal. Isa pa, wala akong naaalalang sandali na naghabol ako sa iyo pagkatapos mong pakasalan si Frida. Kaya huwag mong ipagdiinan sa aking may nararamdaman pa rin ako sa iyo dahil wala na. Get lost, Marcus.” Bumaling siya kay Ethan at nag-sorry saka lumabas na ng opisina.


PALINGAP-LINGAP sa hallway si Isla, hinahanap ang Conference Room na sinabi ng HR sa kanya. Ala una ang schedule niya para sa interview. She checked the time. 15 minutes to 1. Hindi kasi niya mahanap ang conference room.

Ang sabi ng HR, may mataas na posisyon ang mag-iinterview sa kanya. She hoped not Mr. Gardose, the regional sales director. Kaibigang malapit kasi ito ni Marcus at nagkakampihan ang dalawa.

Isang matipunong lalaki ang namataan niya sa dulo ng hallway. Matangķad ito at malaki ang katawan. Patungo sa direksyon niya ang tinatahak nito. Hindi na siya nakagalaw. Nang halos limang hakbang na lang ang layo nito sa kanya ay bigla siya nitong tinitigan sa mukha. Kumunot ang noo ng lalaki. As if he recognized her. Pero sigurado naman siyang hindi niya ito kilala. The man fished out some unknown device from his pocket. Nakita niyang kumislap ang kulay pulang ilaw sa CCTV.

Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. “Sir, this is Kyle. She’s here.”

THE CEO'S SUBSTITUTE FIANCEE (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon