Sheez! Foundation Day namin ngayon sa Ford High University. At ngayon, nandito pa din ako sa jeep. Napakatraffic naman kasi! Makakantiyawan na naman ako ng mga kabanda ko.
"May bababa ba dito sa Ford!?" sigaw ng driver.
"Meron ho!"
Bumaba na kaagad ako. Tumakbo na ako papasok sa FoHU habang dala dala ang gitara ko. Habang papasok ako, may mga nagpapicture pa sa akin. Naku! Ang panget ko dun sa picture! Haggard ko na! Tsk! Nakarating na ako sa backstage. Lahat sila ay nandun na. Ako na lang ang wala.
"Oh! Late ka na naman bata." sabi ni Jace.
"Sorry! Ang traffic kasi eh." napakamot ako sa ulo ko.
"Sa susunod kasi maaga ka umalis sa inyo." sabi ni Emmjel. Hindi Emmhel ah. Emmdyel ang pagbigkas sa pangalan niya.
"Ayos lang yan Jas. Hindi pa naman nagsisimula eh. Binigyan pa tayo ng 30 minutes para magprepare. Inaayos pa din kasi nila yung sound system eh." sabi ni Dave.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman kung ganun. Nilapag ko muna yung gitara ko saka 'ko inayos yung buhok ko. Pinusod ko na lang yung buhok ko dahil wala akong maisip na magandang style lalo pa ngayon na 30 minutes na lang ay magpeperform na kami. Medyo magulo pa yung pagkakapusod ko pero okay naman na, ayos na 'to.
Sunod ko namang inayos yung sintas ng rubber shoes ko na vans na kulay black. Tanggal na pala yung sintas. Nagpulbo din ako ng kaunti para naman kapag tumugtog ako ay hindi haggard ang hitsura ko.
"Astig ng pormahan natin Jas ah. Buti naman suot mo 'yang shirt na binigay ko." sabi ni Jace.
"Paborito ko nga 'to eh."
Tinawag na kami bigla ng organizer at sinabihan na umakyat na kami sa stage. Binitbit ko na ang gitara ko saka umakyat sa stage. May nakaharang naman na curtain kaya hindi kami makikita ng mga students na manunuod. Nag-good luck na kami sa isa't isa.
"Let's make some noise for Black Phantom!"
Iyon na ang cue namin para magsimula. Bumukas ang curtain kasabay ng pagtugtog namin. Ang daming estudyante ang nanunuod. Karamihan ay puro babae, mga babaeng may hawak ng kanya kanyang banner para masuportahan ang bawat isa sa amin o ang aming banda mismo.
"Adik sayo, awit sa atin.. Tila sawa na sa 'king mga kwentong marathon.."
Halos mabingi ako sa sigawan ng mga estudyante. Sumasabay sila sa pagkanta ni Emmjel. Halos mangisay na yung mga babaeng malapit sa barriers nang bumaba si Emmjel sa stage. Dinala niya ang isang babaeng may hawak na cartolina na may nakasulat na 'Payakap naman Emmjel'. Kilig na kilig si ate habang paakyat na sila sa stage.
"Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas.. Hinahanap hanap kita.. Hinahanap hanap kita.."
Panay ang yakap ni ate habang kumakanta si Emmjel. Inaakbayan naman siya ni Emmjel. Nang matapos kumanta si Emmjel ay lumapit kaagad ang MC from College of Mass Communication. Niyakap kaagad nung bading na MC si Emmjel at nagpapicture pa saka kami pinalapit sa gitna. Pinababa na yung student na dinala ni Emmjel sa stage.
"Hello Black Phantom!"
Naghihiyawan pa rin ang mga estudyante. Yung iba ay todo taas ng kanilang banners.
"Napakasikat niyo talaga dito sa school! Gusto namin malaman kung lahat ba kayo ay single?"
Nagtilian bigla ang mga babae. Yung iba sumisigaw na.
"Yep. We are all single." sagot ni Emmjel.
Biglang naghiyawan lahat ng mga babae. May sumigaw pa nga ng 'Emmjel, mag-aaply ako maging girlfriend mo!"
"Ikaw ba Jas? Single ka din ba? May mga grupo ng lalaki ang mga sumisigaw sayo. Kahit mga babae ay nagchicheer for you! Pwede mo bang batiin yung mga kalalakihan dun sa sulok?"
"Yes! I'm single. And, hello guys!! Groufie tayo later!"
Naghiyawan naman yung mga lalaki. Yung iba nagwawala pa. Grabe sila. Nakakaproud naman maging part ng Black Phantom. Matapos nun ay pinalakpakan ulit kami ng mga estudyanteng naroon. Naunang bumaba sila Jace. Bumaba ako sa stage para puntahan yung mga sinabihan ko na maggugroufie kami. Nakailang shots din kami sa pagpipicture. Nagpasalamat naman ako sa suporta nila sa akin pati na rin sa Black Phantom.
Pabalik na ako sa backstage nang matisod ako sa isang kable. Akala ko masusubsob ako sa sahig Pero may isang kamay ang biglang humawak sa braso ko.
"Sa susunod kasi tumingin ka sa nilalakaran mo." sabi ni Emmjel sabay bitaw sa akin ng makatayo na ako ng maayos saka umalis. Napailing na lang ako habang naglalakad.
Pumunta na ako sa backstage at nakita ko sila na nagpipicture picture. Nakikisali naman sa kanila si Emmjel. Nagtataka lang ako kung bakit ang gaspang ng ugali niya pagdating sa'kin. Napakasuplado niya. Akala mo naman kinagwapo niya yung pagiging suplado niya.
BINABASA MO ANG
You Rock My World
RomanceJasmine Sandoval, a girl who loves Music. Sumali siya sa isang sikat na banda sa pinapasukan niyang University sa kagustuhan niyang tumugtog ng gitara. Nakilala niya ang bokalistang si Emmjel Montevista, isang lalaking moody at may pagkaseryoso mins...