Pagkagising ko ay may nareceive akong text galing kay Dave. Iniinvite niya kami sa birthday ng Daddy niya next week. Mga rich talaga sila! Sa bahay lang naman gaganapin yung party. Wala naman siyang sinabi kung may dress code. Kaya napagpasyahan ko na simpleng shirt at pants lang ang susuotin ko. Maaga akong pumasok sa school dahil may class ako ng 8:30. Pagdating ko sa school ay nakasabay ko pa sa hallway si Jace.
"Kamusta kayo kagabi?"
"Ay! Tawang tawa ako sa itsura ni James! Hahahaha!" sabi ko.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Diba tulog mantika yun? Ayun, sinigawan ni Emmjel tapos dilat na dilat yung mata ni James nung bumaba siya sa kotse!" natawa na naman ako.
"Oh talaga?" sabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod namin at nakita ko si Emmjel.
"Yo! Dude! Sama ka sa birthday ni Tito Robert?" tanong ni Jace. Robert ang pangalan ng daddy ni Dave.
"Anong oras daw ba? Pupunta ba kayong lahat?"
"Ewan ko lang. Ikaw ba Jas? Punta ka?"
Sasagutin ko na sana yung tanong ni Jace nang biglang umepal si Emmjel.
"Syempre pupunta yan. Tss. Sige, una na 'ko sa inyo."
Nauna na siyang maglakad sa amin. Napaka talaga ng isang yun! Hindi lang talaga ako siguro sanay sa kanya. Nagpaalam na si Jace dahil sa kabilang building pala siya didiretso. Nang pumasok ako sa room namin ay ang ingay nila. Kanya kanyang grupo ang nag-iingay.
"Hi Jasmine! Nasaan sila Emmjel ngayon?" tanong ng isa kong kaklaseng babae.
"May klase yata?" sabi ko saka nginitian siya.
Umupo na ako sa pwesto ko. Nilabas ko ang phone ko at nakita ko na may text ulit si Dave.
Jas, patext naman si Emmjel. Pakisabi pumunta siya sa bahay namin mamaya. Kunin na niya yung gitara ng Kuya niya kasi ayos na. Salamat!
Oo nga pala. Pinagawa nga pala ni Emmjel yung gitara ng Kuya niya. Pero teka, wala ng load si Dave? Tss! Eh di sana si Emmjel na lang tinext niya! Ako pa magtetext dun sa baliw na yun? Psh. Nagtype na ako ng sasabihin ko kay Emmjel.
Kunin mo na daw gitara ng Kuya mo sa bahay nila Dave, okay na daw kasi. Pumunta ka daw sakanila mamaya.
Iyan ang tinype ko saka sinend ko na sa number niya. Naglaro muna ako sa phone ko habang hinihintay ang prof. namin. May biglang nagpop-up na message.
Okay sige. Pakisabi salamat.
Reply ni Emmjel dun sa sinabi ko. Akalain mo! Parang medyo may sense siya kausap sa text. Hindi ko na siya nireplyan. Naglagay ako ng earphone sa aking tainga, wala naman professor eh. Habang namimili ako ng kanta sa phone ko, may narinig akong kaklase ko na naguusap tungkol kay Emmjel.
"Matagal na palang nililigawan ni Emmjel yung Aina na 3rd year!"
"Sssshhh! Wag kang maingay! Baka marinig tayo ni Jasmine!"

BINABASA MO ANG
You Rock My World
RomanceJasmine Sandoval, a girl who loves Music. Sumali siya sa isang sikat na banda sa pinapasukan niyang University sa kagustuhan niyang tumugtog ng gitara. Nakilala niya ang bokalistang si Emmjel Montevista, isang lalaking moody at may pagkaseryoso mins...