Final exam, jusme! Napakahirap ng exam namin. Hinahanap ko si Regine sa canteen dahil sabay kaming maglulunch ngayon. Malayo pa lang ay nakita ko na kumakaway si Jace sa akin. Magkakasama silang apat na lalaki. Sinenyasan ako ni Dave na pumunta doon nang may naalala ako. Naalala ko 'yong kay Emmjel! Nahihiya kasi ako eh! Umatras ako at sinenyasan ko siya na aalis na ako. Pabalik na ako sa building namin nang mabunggo ko ang isang babae at nang tumingin siya ay si Regine pala.
"Kanina pa ako naghahanap sa'yo!"
"Ako din kaya!"
Nagyaya na siya na pumunta sa canteen pero nananatili pa rin ako sa kinatatayuan ko.
"Ano ba Jasmine? Tara na!"
"Sa labas na lang tayo kumain!"
"Ano ka ba!? May exam pa ako! Palibahasa tapos na exam mo eh!"
Hindi na ako nakaangal dahil hinila na niya ako papunta sa canteen. Naroon pa din yung apat! Umiwas ako ng tingin para hindi nila mapansin na nasa canteen ulit ako. Pagkakuha ni Regine ng order namin ay naghanap na kami ng mauupuan. Break time kasi ngayon at halos lahat ng estudyante ay kumakain.
"Sa labas na lang tayo kumain!"
Tinuturo ko ang garden ng FoHU na malapit lang dito sa canteen. Sumang-ayon naman siya na siyang ikinaluwag ng loob. Palabas na kami ng canteen nang biglang humarang sa amin si James. Kinuha niya ang pagkain na dala ni Regine at saka dinala kung saan sila nakaupo. Wala talaga kaming kawala dito! Napakamot na lang ako sa ulo habang sinusundan si Regine na papunta na sa table kung saan naroon ang apat na lalaki na kasama ko sa banda.
"Saan ka umiiwas? Sa amin o sa practice mamayang 3?"
"Bakit ko naman kayo iiwasan Dave?"
"I don't know. Kaya nga kita tinatanong eh. Anyway, we have a practice later. 3pm ang call time. Bawal ma-late kasi may announcement."
Umupo na ako at katabi ko si Regine. Naiilang akong kumain ngayon! Nakakainis naman! Tiningnan ko silang apat at nagkukwentuhan naman sila.
"Bro, una na ako. Last exam eh, bawal ma-late. Kita na lang tayo mamaya."
Tumayo na si Emmjel matapos magpaalam kay Dave. Mabuti naman wala na siya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag at nakakain na ako ng maayos.
"Para kang nabunutan ng tinik Jas ah."
Tiningnan ko si Jace. Ang dami talaga nitong napapansin! Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ano kaya yung announcement ni Dave mamaya?
"Jas, una na ako ha! Ayaw kong ma-late sa last exam ko eh. Text text na lang!"
Hindi na ako hinintay ni Regine na sumagot. Ang bilis naman niyang kumain! Nagpaalam na din sa amin si James dahil may pupuntahan daw siya saglit sa Ville Acad. May pinsan yata siya na nag-aaral doon. Si Dave naman ay may exam din kaya kaming dalawa na lang ni Jace ang magkasama. Nandito pa din kami sa canteen dahil mukhang dito na lang yata kami magkikita-kita mamaya.
Tinitingnan kami ng ibang mga estudyante. Naiilang na ako sa ginagawa nila! Alam kong gwapo si Jace pero bakit ang sama ng tingin ng iba sa akin?
"Oh ano Jas? May susuotin ka na ba sa Party nila Dave?"
"Wala pa nga eh."
"Bakit wala pa!? Eh sa susunod na araw na yon!"
Wala pa talaga akong maisusuot na dress. Hindi ko alam kung anong klase ng dress ang susuotin ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Ganito na lang, kung gusto mo susunduin ka namin sainyo tapos punta tayo sa bahay nila Emmjel!"
"Ha! Ano naman gagawin natin dun?"

BINABASA MO ANG
You Rock My World
RomanceJasmine Sandoval, a girl who loves Music. Sumali siya sa isang sikat na banda sa pinapasukan niyang University sa kagustuhan niyang tumugtog ng gitara. Nakilala niya ang bokalistang si Emmjel Montevista, isang lalaking moody at may pagkaseryoso mins...