Laglag ang panga ko sa pag-alis ni Emmjel. Hindi ko akalain na ganon ang gagawin niya. Why is he acting like that? Ano ba ang problema niya? Napailing na lang si Dave habang tinitingnan ang naglalakad palayo na si Emmjel.
"I'm sorry for making him pissed. Its not my intention." nilagay ni Aina ang takas niyang buhok sa kanyang tainga.
"Sanay na kami diyan kay Emmjel." sabat ni Jace.
"I'll go ahead guys. Next time na lang ako pupunta sa gig niyo. Good luck!" tumalikod na si Aina saka lumabas ng gym. Tahimik lang yung tatlong lalaki at umiiling-iling.
"May I ask you guys a question?" inangat nila ang kanilang ulo at tumingin sakin.
"Bakit ganon si Emmjel dun kay Aina?"
Matagal bago sila sumagot. Nagkibit balikat na lamang sila. Hindi na ulit ako nagtanong sa kanila dahil baka makulitan sila sa akin.
Ang mga sumunod na araw ay nagpractice na kami para sa unang gig namin sa isang restaurant. Puspusan ang ginawa naming practice. Gusto kasi namin na maging memorable ang pagtugtog namin sa gabing 'yon.
Because tonight will be night that I will fall for you
Over again don't make me change my mind
Or I won't leave to see another day
I swear its true
Because the girl like you is impossible to find
You're impossible to findAng senti na naman ng kinakanta ni Emmjel. Akala mo laging may pinagdadaanan! Nagpahinga muna kami saglit at kakain na din muna.
"Kapag na-amaze yung may-ari sa pagtugtog natin, baka maging regular tayo sa restaurant na 'yon."
Napangiti ako ng sobra sa sinabi ni Dave. Grabe! Hindi ko akalain na pwedeng mangyari 'yon! Alam ko na matagal na rin nilang gusto na maging regular ang kanilang pagbabanda kahit nong hindi pa ako parte ng bandang Black Phantom.
Pagdating ko sa bahay ay naroon na ang kotse ng mga magulang ko. Dumating na sila from their business trip. Malayo pa lang ako sa pinto ay naririnig ko na ang pag-uusap ni Mama at Kuya.
"Umuuwi ba ng maaga 'yang kapatid mo?" narinig kong tanong ni Mama.
"Ma, magpahinga muna kayo. Kakauwi niyo lang galing Davao tapos you'll ask questions like that."
Napangiwi na lang ako sa narinig ko. Pagkapasok ko sa bahay ay humalik kaagad ako sa pisngi ni Mama. Ginulo naman ni kuya ang buhok ko.
"What time is it Andrea Jasmine?" seryosong tanong ni mama habang nakaturo sa kanyang relo.
"Its eleven in the evening Ma.." ngumuso ako at yumuko.
Narinig ko ang pagsinghap ni Mama. Si Kuya naman ay nakahawak sa balikat ni Mama at sinasabihan na umakyat na siya at magpahinga. Sumunod naman si mama kay Kuya kaya naman kami na lang dalawa ang nasa living room.
"Nagpractice kami."
"Yeah I know. Pero sana nagsabi kay mama na gagabihin ka. Para hindi siya nag-aalboroto."
"Gagabihin? Eh ang aga pa nga ng eleven eh."
Natawa na lang si Kuya sa sinabi ko. Binitbit ko na ang gitara ko saka ako umakyat. Gusto ko ng matulog eh! Pagpasok ko sa kwarto ay disaster. Nagkalat ang mga damit ko tapos hindi ko man lang pala natiklop ng maayos yung kumot ko. What a life! Pinulot ko ang nagkalat na damit saka ako nagbihis.

BINABASA MO ANG
You Rock My World
RomanceJasmine Sandoval, a girl who loves Music. Sumali siya sa isang sikat na banda sa pinapasukan niyang University sa kagustuhan niyang tumugtog ng gitara. Nakilala niya ang bokalistang si Emmjel Montevista, isang lalaking moody at may pagkaseryoso mins...