HTP 63

14 5 5
                                    

M E S S E N G E R

9:22 PM

Jalen Herrera
Active Now

Luv

Luv, malapit na 'ko sa inyo

Nakaready ka na ba?

Colleen❤️

Saan ba tayo pupunta?

Luv💖

'Di ba sa Baguio?

Colleen❤️

Sorry, Luv

Pero hindi kasi ako pinayagan ni Mama

Luv💖

Huh, bakit?

'Di ba nagpaalam naman ako?

Pumayag naman siya kaya anong problema?

Colleen❤️

Sabi ni Mama, makipaghiwalay raw ako sa 'yo

Siyempre ayoko 'yon

Kaya nagtalo kami kanina

Hindi ko magets kung anong problema

Sabi niya masyado pa raw tayong bata

Masyadong bata? Jalen, 18 na 'ko!

Masyado pa rin ba 'yung bata para sumaya ako?

Luv💖

Hindi naman gano'n ang ibig sabihin ng Mama mo

Maraming dahilan para maging masaya, Colleen

Hindi lang pagkakaroon ng relasyon sa 'kin ang rason para maging masaya ka

Nand'yan ang pamilya mo, mga kaibigan mo para sumaya ka

Hindi lang ako ang makakapagpasaya sa 'yo

Isa pa nga ako sa dahilan kung bakit ka nahihirapan ngayon at kung bakit nagtatalo kayo ng Mama mo

At tsaka isa pa, ayaw ka lang niyang masaktan

Naiintindihan ko na gusto niyang malayo ka sa 'kin dahil sa nakaraan nila ng mga magulang natin

Pero 'wag kang mag-alala, kakausapin ko nang maayos si Tita

Sa ngayon, magpahinga ka muna, baka pagod ka

Colleen❤️

Okay

Luv💖

Colleen?

Colleen❤️

Yes?

Luv💖

Mahal na mahal kita

Colleen❤️

Mas mahal kita, Jalen

Luv💖

Sige na, rest na ikaw ||❤️
Seen 9:38 PM

Hindi Tayo PwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon