HTP 90

22 5 5
                                    

M E S S E N G E R

11:26 AM

Miela Rieza
Active Now

Miela

Condolence, Colleen

Colleen

Thank you, Miela
Seen 11:27 AM

11:28 AM

LANY
Active Now

Aira

Condolence, Colleen

Ysah

Condolence, Colleen

Nelle

Condolence, babe

Saan ka galing?

Leen

Sa sementeryo

Aira

We love you

Please lagi mo 'yang tatandaan

Ysah

True

Nelle

Pero kumain ka naman, sis

Hindi niya magugustuhan 'yang ginagawa mo

Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman niyang nagkakaganiyan ka dahil sa kanya?

Siyempre hindi

Alam ko mahirap tanggapin na wala na siya, pero kailangan

Kahit matagalan

Kahit gaano katagal

Sasamahan ka namin hanggang sa magheal ka

Hanggang sa maging okay ka

Hanggang sa masabi mong kaya mo na

Kasi sis nandito lang naman kami lagi para sa 'yo

Please 'wag mong kalimutan 'yun kasi nasasaktan kami

Ysah

True

Nelle

At alam naming masakit sa 'yo 'yung nangyari sa lolo mo

Pero tandaan mo, nasasaktan din kami kapag nakikita ka naming nasasaktan

Tandaan mo, okay lang maging mahina

Okay lang masaktan kasi tao lang tayo

Hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging malakas

Hindi mo kailangang ipakita sa iba na okay ka kahit hindi naman talaga

Kailangan mo lang maging matatag

Ysah

True

Aira

Nandito lang naman kami para sa 'yo

Ysah

True

Leen

Thank you, girls, and sorry

I love you tatlong buang

Aira

We love you more!

Ysah

True

Nelle

Tangina naman, Ysah

Matulog ka na nga lang!

Ysah

Sorry na, antok pa 'ko
Seen by everyone 11:43 AM

Hindi Tayo PwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon