M E S S E N G E R
9:48 PM
Kate Ramos
Active NowMama
Nak, baba ka na dito, kakain na
Colleen
Mamaya na po, ma
Mama
Hindi, ngayon na
Ano pa bang minumukmok-mumok mo
Colleen
Ma, naman
Mamaya na nga po
Mama
Sus, tignan mo na
Dahil d'yan sa boypren boypren na 'yan sumusuway ka na sa mga utos ko
Pa'no pa kapag nalaman 'yan ng Papa mo
Sigurado ako paghihiwalayin din kayo niyan
Colleen
Gano'n din naman 'yung ginagawa niyo
Pinaghihiwalay niyo rin po kami ni Jalen
Mama
Oo, pero sumunod ka ba?
Colleen
Ibig sabihin payag ka na po?
Mama
Aba, eh sa tigas ng ulo mo sigurado sasakit lang ang ulo ko sa 'yo 'pag pinilit pa kita
Colleen
Anong ulam natin? Hehe
Mama
Adobo
Bumaba ka na dito
Bilisan mo at nagugutom na 'ko
'Yung Papa mo bukas pa ng hapon uuwi 'yon
Colleen
Sarap ng ulammmm
Mama
Sus, ako pa niloko mo
Porket pinayagan ka lang magboypren
Colleen
Ay ba't mo alam? HAHAHA
Mama
Aba malamang!
Ako ang nagluwal sa 'yo
May sasabihin ako sa 'yo
Alam mo naman ang limitasyon mo, Colleen
Sa oras na suwayin mo ang utos ko at ng Papa mo
Alam mo na ang kahahantungan mo
Colleen
Anong kahahantungan ko, Ma?
Mama
Magiging single ka ulit
Colleen
'Single'
Naks, lakas mo maka-millenial, ah? HAHAHAHA
Dalaga yarn?
Mama
Eh papaanong hindi
Puro tungkol sa crush mo 'yung mga pinopost mo sa Facebook
Colleen
Ay at least effetive
Tignan mo po ngayon, jowa ko na 'yung crush ko
Mama
Tigilan mo nga ang kakatawag ng jowa
Ampangit pakinggan, parang hindi magtatagal
Colleen
Lah, sinapian ka ba ni Aira at ng kabitteran niya?
Tsaka ikaw nga boypren ka nang boypren eh boyfriend naman 'yon
Mama
Haynako, napakarami mong sinasabi
Sinabi nang bumaba ka na dito at nagugutom na ako, eh!
'Pag hindi ka pa bumaba d'yan ako mismo kakaladkad sa 'yo
Colleen
Eto na nga po bababa na
Love you, Ma!
Mama
Love you 2
Bilisan mo, kumukulo na tiyan ko
Colleen
Ay baka d'yan ka nagluto ng adobo
Mama
Isa!
Colleen
Char lang, Ma, eto na po talaga
Wait por meh!
Mama
👍
Seen 10:02 PM