HTP 66

15 4 9
                                    

M E S S E N G E R

10:50 AM

Lily Herrera
You're not connected on Facebook
3 mutual friends including Jalen Herrera

Lily

I told you to stay away from my son

You're just his friend, right?

Wala naman atang kaibigan ang sobrang makakapit sa braso ng KAIBIGAN niya

Ayaw kita sa anak ko

Alin ba d'yan ang hindi mo maintindihan?

Ayokong makipagkaibigan ang anak ko sa kagaya mo

Who knows, baka mamaya mang-aagaw ka rin katulad ng nanay mo

Colleen

Good morning po, Tita

You can now call each other and see information like Active Status and when you've read messages

I'm sorry pero hindi naman po yata tamang sabihan niyo ako at ang nanay ko ng mga ganiyang salita

At tsaka kayo na rin naman po mismo ang nagsabing KAIBIGAN ko lang po anak niyo

Kaya bakit niyo po bini-big deal ang paglapit ko sa anak niyo?

Wala naman po kaming ginagawang masama, sa pagkakaalam ko

Lily

See? Is that how you treat your friend's mom?

Well, I shouldn't be surprised

Your mom raised you

That's why ganiyan ang ugali mo

Colleen

Kayo po? Ganiyan niyo po ba itrato ang kaibigan ng anak niyo?

Fahil lang po ba sa nakaraan niyo ng nanay ko, ganiyan niyo na po ako tatratuhin?

Na parang isang kasalanan ang makipaglapit sa anak niyo?

Pasensya na po, Tita

Hindi naman po sa nakikialam ako sa away niyo ng nanay ko

Pero nanay ko po 'yun eh

Okay lang po sa 'kin kahit ilang beses niyo akong sabihan ng kung anu-anong masasakit na salita

Pero 'wag niyo naman pong idamay 'yung nanay kong MASAYA na sa ASAWA at anak niya

Wala naman po siyang ginagawang masama sa inyo

Lily

Walang ginagawang masama?

Well, I guess your mother didn't tell you about the real story of our past

Hindi Tayo PwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon