MIGF:30 FIGHTING HERSHEY

151 6 0
                                    

Nasa Cebu kami mismo ngayon kung nasaan ang Hacienda nila Yhackel dinala niya ako dito habang pansamantalang wala ang kanyang mga parents.

Maybe Next week pa sila dadating and may plan kami na magkaroon ng Family dinner sa isang Resto'.

"Babe" Naramdaman ko ang pagyakap ni Yhackel mula sa likuran ko,nagluluto ako ngayon ng Bulalo balak na rin namin mag Outing mamaya kaya lang mukhang uulan baka hindi kami matuloy.

"Let me taste" aniya hinipan ko muna yung may sabaw sa kutsara bago sinubo sa kanya.

"Anong lasa?" tanong ko.

"Masarap." Kaya napangiti ako sa sinabi niya "Pero mas masarap ka" Dagdag niya pa kaya kinaltukan ko siya dahil sa kaharutan niya! Nako!

"Ang landi mo Yhackel." inirapan ko muna siya bago pinapagpatuloy ang pagluluto.

Nakayakap parin siya sa likuran ko at habang ako naka focus sa pag luluto ang saya pala sa pakiramdam kapag napatawad mo na yung taong minamahal mo, pero nandito pa rin yung doubt na baka magkahiwalay ulit kami dahil kay Hershey, anak siya ni Cally at hindi imposibleng gamitin niya yung bata sa amin.

Nasa kalagitaan kami ng katahimikan ng biglang mag salita siya "Magpakasal na kaya tayo" napalingon naman agad ako sa kanya, seryoso ang mukha niya, at naghihintay ng sagot ko.

"Babe, madami pa tayong kailangan ayusin,makakapaghintay naman yan hindi ba?" napabuntong hininga siya at napakamot sa batok.

"Natatakot lang kasi ako na baka mawala ka nanaman sa akin" bigla naman akong na guilt, dahil sa totoo lang ilang beses ko na siyang iniwan at nasaktan kaya nagpapasalamat ako na tinanggap niya ulit ako sa buhay niya.

"MA'AM,SIR!!" hinihingal na lumapit sa amin si Linda bakas aa mukha nito ang labis na pag aalala.

"O', bakit may nangyari ba?" kinakabahang tanong ko.

"Si Hershey po" sa sinabing yun ni Linda ay agad naming tinungo ang kwarto ng bata.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko namamalayan na nasa harapan na kami ng Silid ng bata bumungad sa amin ang nakahandusay na si Hershey at madaming dugo ang lumabas sa ilong nito.

"Linda! Yung sasakyan" natatarantang binuhat ni Yhackel ang anak miski ako natataranta na rin hindi ko alam ang gagawin ko.

Dali dali kaming lumabas sa Mansion ng mga Harrison at sinakay si Hershey sa sasakyan.

"Babe dito ka lang muna, babalikan kita mamaya" Sabi ni Yhackel at hinalikan ako wala na akong gumawa kundi tumango ayoko na munang mag inarte dahil kailangang isugod ng bata sa Hospital.


"MA'AM tubig po".nginitian ko lang ng pilit si Linda saka ininom yung tubig na inabot niya nandito ako sa Teresa at malalim ang iniisip ilang oras na ang nakakalipas ng mangyari yun at sobrang nag aalala na ako kanina ko pa inaantay ang reply ni Yhackel kung maayos lang ba ang kalagayan ng bata.

" May alam ka ba dito Linda?"Out of nowhere ay napatanong ako kay Linda na nasa tabi ko lang, napaiwas ito ng tingin at napayuko.

"Linda" Matigas na ani ko" May hindi ka ba sinasabi?"dagdag ko pa.

"I'm sorry Ma'am pero Kayo na dapat ang umalam, mauuna na po ako" nagmamadali siyang iniwanan ako dito kaya wala akong nagawa kundi ang mag intay sa update ni babe.

____________

"How's my Daughter, is she fine?" isang malakas na sampal ang dumapo sa pagmumukha ni Cally, namumulang sumalubong sa kanya si Yhackel dahil sa galit.

"Putangina Calixta! Anong ginawa mo sa anak ko?" Napaatras na lang si Cally ng sakalin siya ng binita dahil sa galit.

"W-what d-o you mean?" Nahihirapang tanong nito at halos kapusin siya ng hininga.

My Innocent Girlfriend (UNEDITED)Where stories live. Discover now