MIGF27: Love Story

160 9 0
                                    

Threya P.O.v

"Mama Asla?" ngumiti ng pagkalawak lawak si Hershey sabay yakap saakin ng mahigpit nawala ang kaba saaking dibdib at napalitan iyon ng saya. Napatingin saakin si Yhackel na nagtataka dahil kilala ako ng Anak niya.

"Namiss ko po kayo Mama Asla" Aniya habang nakapulupot parin ang maliit niyang braso sa Bewang ko hinaplos ko ang mapupula niyang pisngi.

"I miss you to Baby girl. Btw sakto at nakabili ako ng Favorite mo" Sabi ko saka nilahad ang paperbag na naglalaman ng mga Chocolates.

"So Dad bakit kayo magkasama ni Mama Asla?" Pagtatanong niya kaya ngumiti ng pilit si Yhackel sa bata.

"Mahabang Istorya anak.pero siya yung Sinasabi ni Daddy na pinakamamahal niyang Babae" Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko na punong puno ng pagmamahal.

Napatingin siyang nakayapos parin saakin "Tama si Dad na ang bait niyo po salamat at bumalik na kayo" Nagulat ako ng lumuluha si Hershey sa harapan ko.

Napaluhod ako sa harapan niya at pinunasan ang mga butil ng luha na umaagos sa pisngi niya.

"Thankyou for accept me Hershey" Hindi ko alam pero sobrang bilis ng kalabog ng puso ko.habang yakap ko si Hershey ay parang nasa Cloud nine ako.

Naramdaman ko din ang matigas na braso na yumapos saamin ni Hershey and now pakiramdam ko ay Ligtas kami mula sa mga bisig ni Yhackel.

*******

Pinagmasdan ko mula sa malayo sila Threya masaya siyang nakikipaglaro sa anak ko ng may Biglang Tumawag.

"What?" Bored na sagot ko.

(How dare you Zach!) Umiiyak ito sa kabilang linya.

"Cally ano nanaman bang pakulo ito?!"

(Bakit? May Anak tayo anak ko si Hershey pero si Threya parin! Tangina bakit? ) nanginginig ang boses nito at dama ko ang galit niya.

"Sinabi ko naman n-" Hindi ko natapos sasabihin ko ng babaan niya agad ako ng Telepono.

Napabuntong hininga nalang ako at inaya silang dalawa na sa Hotel muna kami balak ko silang dalhin sa Hacienda para makapag Relax naman kami kahit papaano.

Buong oras ay nasa Biyahe kami Tulog na rin si Hershey dahil sa pagod kakalaro at titig n titig si Threya sa anak ko.

"Ang ganda niya talaga" Nakangiting aniya saka tumingin saakin.

"Kamukha mo" Sabi ko.

"Oo nga noh! Kuhang kuha niya buhok ko saka yung shaped ng Face ngayon ko lang napansin basta ang Angelic ng face niya".

Wala naman sigurong masama na mag assume na anak namin siya ni Threya. Matagal ko ng pinapangarap iyon.basta ngayong araw ay susulitin ko ang bawat sandali na kasama sila.

Pero hindi ko parin makalimutan yung sakit sa boses ni Cally and it's my fault kung bakit naging ganun siya.

Cally is a good person i know. But this past seven years she's suddenly changed.

**********

Threya P.O.v

Wala namang masama na mangarap? Na sana ako nalang yung nanay ni Hershey. Wala namang masamang maging masaya? Wala na ako pake kung may masasaktan dito tama na ang iilang taon na nasaktan kami..sacrifice na nagawa ko
Sabi nga nila pag nagmahal ka masasaktan ka yeah Nasaktan kami. Iniwan ko siya pero babalik at babalik parin ako sa kandungan niya sa Relasyon hindi galit at pangiiwan ang solusyon.sa Istorya naming dalawa ni Yhackel madaming nagbago mula sa inosenteng ako ay mas Naging Matured na tao. Siguro ganito ang epekto pag nagmahal ka? At the same time pag nasaktan ka....People Change. Maraming nagbago saamin pero hindi parin nawawala yung Love.

Nasasaktan parin ako dahil namatayan ako ng Anak. Pero isang pagkakamali na sisihin si Yhackel sa lahat dahil in the first place hindi muna inalam kung anong dahilan.naging maksarili akong tao mas pinangungunahan ko ang nararamdaman ko kesa sa ibang tao. Wala eh Sabi nila sarili muna kaya lang nasobrahan ata.

Hindi lahat sasangayon sayo. Hindi lahat ikaw ay tama. Hindi lahat ikaw ang kawawa sa istorya na ito kasi bawat karakter na ginagampanan ay may kanya kanyang side.....at pag nalaman mo ang Point of View niya ay dun ka malilinawan.madaling mang husga dahil sa nakita lang natin pero wala tayo sa pangyayaring iyon.

Sa Buhay kailangan mo maging matatag,matapang na harapin ang kaganapan sa Istoryang ito hindi lang kami ni Yhackel ang nasasaktan bagkos pati ang pamilya ko dahil sa paghihiganti namin ni Ally dahil sa galit pero ang tanong na nasa isipan ko.

Ano nga ba ang Side ni Cally dito? Bakit niya ba ginagawa ang lahat ng ito? Dahil ba sa pagmamahal?.....pagmamahal na mauuwi lang sa Kasakiman.

Wala ako sa Istorya niya .pero mapapaisip ka talaga hayss. Hindi ko alam kung anong magagawa ko pag nakita ko si Cally baka sampalin ko siya ng dos por dos para mauntog siya sa Reyalidad.

Napatingin ako sa kaawang awang batang nakahiga sa binti ko. Ang suwerte ni Cally kasi may anak siyang ganito kaganda at kabait.hinaplos ko ang pisngi niya pag nagkaanak ako gusto ko tawagin pag babae ay Ninetiana.

"Babe Mukhang ang saya mo ah" Nasa Hotel na kami at karga karga niya si Hershey ng tanungin niya iyon.

"Wala lang Feel ko isa tayong masayang buong pamilya"

"Gusto mo gumawa na tayo ng kasunod ni Hershey para may kalaro na siya"nakakaloko siyang ngumisi.

" Kingina ka tumigil ka! " Namula ang pisngi ko dahil sa iniisip na may nangyari saamin at makakabuo kami ng masayang pamilya.

'Shems! Ang landi mo Threya.'

Napapatingin ang mga tao samin habang patuloy parin si Yhackel sa pang iinis saakin.

"Where's my Innocent Threya. Andito na ako oh Si Yucky mo".

Napasmangot nalang ako sa pangiinis ng kurimaw na ito.

Nakarating kami sa may Elevator at pinauna muna niya akong pumasok bago siya may iilan ding tao ang nasa loob nun. Naramdaman ko ang pag gapang ng kamay ni Yhackel at pinagsikop ang mga kamay namin at nagkakatitigan kami.

"I love you babe... Sobra sobra"

*******************
Dear Diary:

Hindi ko makakalimutan ang nangyari saakin kanina kasi po hindi ko pa inaakala na ilalabas ni Daddy ang kanyang Ari grabe po ang takot ko akala ko kung ano ng mangyayari saakin minsan po pasimple niya akong hinihipuan sa pagkakataong wala si Mama, natatakot na po ako sakanya kasi po ang pula ng  mga mata niya para siyang Monster na napapanoood ko sa Tv. Parang hindi na siya ang dad ko saka po umiyak ako kanina kasi po sa takot kay Daddy....Bakit po nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko? Pakiramdam ko po sa oras na ito wala akong kakampi.

Batang pusong nasasaktan.

Pagmamahal? Na kailanman ay hindi ko naramdaman ng makita ka ang puso ko ay nabuhayan panandaliang saya ay biglang naglaho   ng sandali ay bigla siyang dumating sa buhay mo kaya heto ako ngayon at nasasaktan.

Unknown.

My Innocent Girlfriend (UNEDITED)Where stories live. Discover now