MIGF20

161 7 0
                                    

"Damn it! Threya Why Would you do that!" Nanggagalaiti sa inis si Clover saakin habang mahinang natatawa si Ally sa isang Sulok.

"O c'mon Clover?! Anong gusto mong gawin maawa si Ate sakanila duhh nakakatawa ka talaga"

"Sobra naman kasi yung ginawa ninyo Sa mag asawang iyon" halos mapasabunot siya sa inis.

Napatayo na lang ako sa aking kinauupuan ayoko ng marinig ang pag aaway ng dalawa ayokong mag aksaya pa ng oras sa mga walang Kwentang Bagay.

Lumabas ako ng aking opisina at naglakad sa napakalawak na hallway ng Company halos lahat ng mga Empleyado ay napapalingon at Binabati ako ngunit tango lang ang sinasagot ko.

Pag pasok ko sa Elevator ay halos sila ay hindi nag kaunda undagang bigyan pa ako ng space at Rumehistro sa kanilang Mukha ang Mangha at pagkakalito.
Sino ba naman ang hindi mamamangha na ang katulad kung CEO ay gagamit ng Elevator ng mga Employers samantalang may private elevator naman ako.

Kahit na ako pa ang CEO ng Kompanya ay gusto kung pantay pantay kaming lahat. Ayokong mailang din sila saakin.
Ng tumunog na ang Elevator at bumukas ito ay pinauna na nila akong palabasin nakayuko lang sila buong oras kaya napailing iling na lamang ako.

"Good Afternoon Ma'am " kanya kanyang bati rin nila. Isang ngiti lang ang isinukli ko. After nun ay Pumunta ako sa parking lot para sumakay sa kotse ko hinubad ko muna ang Blazzer ko at Tinira ang Sleeveless na puti. At tinali ko din ang maikli kung buhok.

Pinaandar ko na ang sasakyan at taimtim na nagmamaneho balak kung pumuntang AlfaMart. Para bumili ng Snacks ko.
Ilang minuto ang tinagal ng pagmamaneho ko ng makarating na agad ako sa AlfaMart.
I walked like a goddesses at agaw pansin ako ng karamihan.
Well sino ba naman ang hindi makakapansin? Sa suot ko palang at sa Ferarri kung sasakyan ay agaw atensyon na.

Ng makapasok ako sa Alfamart inuna kung bilhin yung mga Icecream at Chocolates nakakamiss din palang Kumain nun.
Hayss.

Habang namimili ng mga Tsokolate ay may narinig akong matinis na boses na nakikipagtalo.

"Yaya i want this please buy me na po" Paqmimilit nung batang babae sa Yaya niya ata yun.

"But- ay Heshey pala hindi p'wede baka magalit yung Mommy mong Demonyita naku! " Pagpapaliwanag naman nito sa bata.

"Pero yaya gusto ko nga po nito promised hindi ko sasabihin na Binilhan mo ako nito!" Pang kukumbinse n'ya parin sakanyang Yaya.

"But Her-" Hindi na tuloy natapos ng yaya ang sasabihin ng sumingit na ako sakanila.

"Hey baby ito oh sayo nalang" I smiled

Masaya niya din itong Tinanggap. "salamat pow ate ganda" At sinumulan niya ng lantakan ang Tsokolate.

"Hey sorry pero gusto ng bata eh saka nangako naman itong hindi magsusumbong sa Mama niya."kinapalan ko na ang mukha ko. naawa naman kasi ako sa bata. Seryoso itong tumingin saakin at umiwas ng tingin bago napabuntong hininga.

Buti nalang hindi ito nagalit sa pagiging pakielamera ko.binalingan ko nalang yung bata natutuwa ako sa kanya ang Cute niya kasi eh saka hinawakan ko yung mahaba at Kulot niyang buhok at idagdag mo pa na itim na itim at malabot nakasuot ito ng Jumper at naka Rubershoes madami ding Hairclip na Strawberry sa buhok. Napaka mestiza ng bata yung mata niya kulay Brown labi niya pa heart shaped ang cute lang tignan.

"Gusto mo pa marami ako dito" Ngiting ngiti lang ako habang pinapanood siya. Nagulat ako ng yakapin niya ako "salamat pow ulit ng marami" sabi niya habang ngumunguya nguya.
Napatawa na lamang ako dun

" What's your name nga pala?"tanong ko.

"Hershey po saka six na po ako" Grabe kapangalan niya pa yung Tsokolate na kinakain niya Hershey.

My Innocent Girlfriend (UNEDITED)Where stories live. Discover now