Fear

254 12 4
                                    


Kalmado kong ipinikit ang aking mata kasabay nang paghampas ng preskong hangin sa direksyon ko. Matapos ay dahan dahan din akong dumilat at huminga ng malalim. I smiled, ang sarap talaga sa pakiramdam minsan na mag pahinga at kalimutan muna panandalian ang mga problema.

Mag-isa akong naka upo sa bench seat dito sa Hospital garden. Pang limang araw ko na sigurong tumamabay dito dahil nga under observation pa rin ako. May mangilan ngilang staff ulit ang kasabay kong tumambay pero dahil nga continous ang shift ng Hospital, agad din silang bumabalik sa loob. Isama mo pang nasa likod ito ng Hospital kaya bihira ang mga taong napupunta rito.

I glanced around bago panuorin yung mga taong naglalakad sa dome hallway sa upper floor ng Hospital, tanaw kasi iyon mula sa pwesto ko. "Ganyan pala hitsura ko kapag nag mamadali" I whispered habang pinapanuod yung mga kapwa intern ko na ang bibilis mag silakad at exhausted ang mga mukha.

May isang may hawak ng charts, may isa naman may hawak ng patient samples at may dumaan ding may hawak na coffee carrier sa magkabilang kamay na kala mo hinahabol ng kabayo sa bilis ng lakad. Inutusan siguro 'to nong mga gurang na attendings na mas madalas pang gawing runner ang mga batang intern kaysa turuan, tsk tsk!

Nanatili pa rin ako sa panunuod ng mga dumaraan nang matanaw ko si Dr. Paulate. As expected naka buntot sa kanya sina Anne, Louis, Iza, Jugs, Teddy, at ang dalawa pa naming kasamang intern under him. Yes, we got transfered into another resident who is Dr. Paulate since Dr. Castillo and Dr. Atienza are no longer handling interns because of work related matters.

"May lahing kabayo siguro 'tong taong 'to." Bulong ko muli dahil nauuna na naman si Dr. Paulate at nag kukumahog na naman ang mga buntot niya para maka sabay sa kanya. I suddenly laughed nang makita kong pinitik ni Doc sa tenga si Louis, malamang nag pupumilit na namang maisama sa O.R. ngayon.

Nangingiti akong tinatanaw sila nang maka amoy ako ng usok ng sigarilyo. Agad kong nilingon ang pinanggagalingan nito then I saw Bella smoking right infront of the 'THIS AREA IS A NO SMOKING ZONE. THANK YOU FOR NOT SMOKING' signage.

"You shouldn't smoke here."

She glanced at me, "Alam ko," sagot niya. "Tsaka 'bat mo ba ko pinapakialaman, ikaw nga diyan tumatawa mag-isa pinakialaman ba kita?" monotone niyang dagdag bago tapakan ang paubos na sigarilyo.

"Bakit ba ang sungit sungit mo?" hindi ko maiwasang itanong. Totoo rin naman kasi, ilang buwan na kaming mag kakasama pero ganon pa rin siya tulad nong una,saksakan ng kasungitan. Hindi ko nga pansin kung may kaibigan siyang ka-batch namin e.

She took a deep breath at nilingon ako, "Ganito kasi 'yon..." panimula niya, bigla tuloy akong na-excite dahil for the first time mag kekwento na ito. I shift my position para humarap sa direksyon niya at makinig. Hindi naman niya inaalis ang tingin sa akin at akmang magkekwento na nang bigla itong nag lakad palayo na para bang wala siyang kausap kanina lang.

"Ay baliw.." hindi makapaniwalang turan ko habang naka tulala lang sa kanya na papasok na sa loob.

"Tatlonghari?" Napalingon ako sa tumawag sa akin, it was Dr. Hermosa walking towards my seat. Napangiti ako ng alangain sa biglang presensya niya.

"I was looking for you kanina," she chuckled. "I was doing rounds kasi and we went to your room but it was empty."

"Nagpahangin lang po ako, Doc" I smiled habang pasimpleng inoobserbahan ang hitsura niya. Para siyang si Edward sa tuwing natatamaan ng sikat ng araw. Sa sobrang puti niya kumikintab na siya.

"I see, na-miss mo na ba masigawan ni Dr. Paulate?" I can't help but to let a laugh, gayon din naman siya. "Ganon lang talaga yon, pag 'yon hindi na sumigaw doon ka na matakot."

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon