"Kung ganon, doc ilang taon na lang ang itatagal ko?"
"Ten."
Kunot noo niyang tinignan ang doktor, "years?"
"Nine...Eight..."
Mabilis pa sa alas kwatrong binatukan ni Christian si Louis, habang todo hagalpak naman sina Anne, Iza, Jugs, at Karylle sa tagpo ng dalawa.
"Gusto mo ba pumasa o ano?" inis na inis na si Christian sa kaibigan kaya inambahan niya muli itong sasaktan, "bakit nga ba 'ko pumayag maging ka-buddy mo mag-review," reklamo pa niya.
"Joke lang! Eto naman napaka seryoso. Game, eto na, seryoso na 'ko." umayos pa ito nang pagkakaupo.
"Fine, okay. I'm a 50 year old man and I'm having chest pains. Oh and I feel numbness here and...here," saad ni Christian habang itinuturo ang braso at binti.
Patango-tango namang nakikinig si Louis, "how about your breathing? Hindi naman parang hinihingal-hingal ka? Do you feel lightheaded?"
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Christian dahil nga hindi na namimilosopo ang kaibigan, "yes and yes. Actually masakit din ulo ko."
"Really? Ako rin eh, pero 'di ko pinagkakalat..."
"Tangina mo talaga!" hindi na nga nakapagtimpi si Christian at tinadyakan na ang binti ng kaibigan.
"Heart Disease!" Anne exclaimed na dedma sa pagkakagulo ng dalawang lalaki, "chest pain, shortness of breathing, fainting, lightheadedness, pain or numbness in your arms and legs and...and unusual slow or fast heartbeat!" dagdag pa niya.
"Iba talaga pag natututukan." makahulugang turan ni Iza kasabay nang pekeng tawa.
"Ginagalingan naman," Karylle chimed in with a genuine smile.
"It's just basic science yo," kunyaring mayabang na sagot ni Anne bago pinaundayan ng makahulugang tingin si Iza.
Patuloy sila sa pag-aaral nang sabay-sabay kahit may kakaibang bigat ang atmospera dahil kina Anne at Iza, pati na rin sa nagtatalong si Christian at Louis. Malayo pa kung tutuusin ang exams nila pero napagdesisyunan nilang magsimula nang tutukan ang pagrerebyu.
"Eto naman napaka pikon!"
Christian raised his middle finger nang hindi nililingon ang kaibigan at patuloy lamang sa paglalakad paalis.
"Hoy! Hahaha si Lord nga nagpapatawad ikaw pa..."
"Edi sa kanya ka humingin ng sorry," sagot pa nito. Hindi naman maiwasang matawa ng tatlong maria sa tinuruan ng kasama.
"Pangit ka-bonding amp," natatawang iling ni Louis at tumabi kay Karylle sabay bati ng "hello, bebe girl." pabiro lang siyang tinulak ng dalaga.
"Ano kakainin niyo mamaya? Ikaw calzado? Hindi ka na sumasabay samin ah," salita mulit ni louis, hindi sanay sa katahimikan.
"I don't know. I don't feel like eating today eh. Siguro magrereview na lang muna 'ko, mukha kasing napag-iiwanan na ko rito. Diba, Anne?" Awtomatikong napalingon si anne nang marinig iyon.
She let a cold smile, "I'm too busy working on my own grass to notice if yours is greener," at kumibit balikat.
"Pansin ko nga," muling itinuon ni Iza ang tingin sa hawak na libro at nilipat ito sa sumunod na pahina, "sobrang busy mo. Sobra," may sarkastikong dagdag pa niya.