Detours and Deep Talks

212 8 9
                                    





Seven days after...







"Pssst! Doc. Kulot!"



Awtomatiko akong napalingon dahil ako lang naman ang mag-isang naglalakad sa pasilyo nang may biglang magsalita sa likuran ko.



"Colonel." pumanhik ako pabalik para lapitan si Col. Santos na naka-arm sling pa rin ang kaliwang kamay. Naka itim na shirt na ito at grey camouflage fitted shorts. Ilang oras lang ang nakalipas matapos kong ibigay ang discharge papers sa kanila kaya hindi ko inaasahang nandito pa rin siya. "may kailangan po ba kayo, Colonel?"



"Oo eh. Hinahanap ko 'yung asawa ko. Saan ba Cafeteria rito? Bibili raw 'yon ng pagkain hanggang ngayon hindi pa nakakabalik." aniya habang nilalaro ang dog tag na suot.



"Ahh ganon ba? Doon po 'yung Cafeteria, samahan ko na kayo?" alok ko.



"Ay sige go! Perfect 'yan, taralets." nakangiti nitong turan nang bigla niyang ikawit ang kanang braso niya sa akin bago mag simulang maglakad. Naamoy ko lalo 'yung pabango niya na para bang kusang lumalabas sa balat niya. Ang mahal mahal nang amoy niya!



"Ewan ko ba sa babaeng 'yon hindi na nabusog. Mas matagal pa nga ini-stay non sa Canteen kaysa sa kwarto ko, kaloka." reklamo nito habang nililibot ang paningin sa bawat kanto nang nadaraanan namin. May mangilan ngilan na napapatingin sa amin dahil namumukhaan ang sikat na opisyal na katabi ko.



"Nasaan po 'yung mga bantay niyo?" usisa ko.



"Pinressure cooker ko muna para pare pareho na kaming malambot," saad nito bago ako tignan, "Charot lang! Iniwan ko muna sa kwarto---Infernes din dito sa hospital niyo maganda. Tambay nga 'ko rito minsan." napatingala ako sa kanya at nakita itong pasimpleng kumikindat kindat sa mga doktor na nadaraanan namin.



"Baka mahanginan ka riyan, Colonel. Hindi na bumalik sa dati 'yang mata mo, ikaw din."



Mabilis siyang lumingon sa akin at ngumiti.



"Charot charot lang naman! Eto namang apo ni Simba mapagpatol din. Cute mo rin talaga no?" turan nito at nagkunyaring nangigigil sa akin. Wala naman akong ibang magawa kundi ngumisi na lang dahil hindi ko naman keri na gantihan ito ng hampas.



Nang makarating kami sa Cafeteria ay agad naming hinanap si Maia pero bigo kami na makita siya roon.



"Asan naman kaya 'yung babaeng 'yon?" kumakamot sa ulong turan ni Benjie habang papalabas kami ng Cafeteria, sakto namang nahagip ng tingin ko si Dr. Abad na may kausap na babae. Ilang segundo ang lumipas bago ko nakumpirma na si Maia ang babaeng kasama nito. "Hindi ko na talaga alam kong si Maia ba inasawa ko o si Dora." pagsasalita pa rin nitong katabi ko hanggang sa matanaw na rin niya ang dalawang tinitignan ko. Iginayak niya ako agad palapit sa dalawa nang makita niya sila at napatianod na lang ako dahil nakakapit pa rin ito sa akin.



"Benjie!"



"Gulat na gulat?" sagot nito sa asawa bago bumati kay Dr. Abad na nasa gilid.



"Uhh...I think let's just catch up and circle back some other time, Mrs. Santos. How 'bout that?" Dr. Abad said to Maia na agad namang sinang-ayunan nang huli. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero may ideya na agad ako kung tungkol saan ito.



"Anong chika niyo 'te?" kaswal na tanong ni Benjie sa asawa matapos magpaalam sa amin ni Dr. Abad.



"Wa-wala. Chismosa mo talaga no?" irap ni Maia bago pumaling sa akin, "Hi, Doc. K!" she initiated a hug kaya agad ko rin siyang niyakap pabalik.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon