Chapter 1: Transfer
-
Francine POV
"Francine!" sumisigaw na tawag sa akin ni tanda habang naka upo ako sala kaya naman napapikit ako dahil alam ko na kung bakit niya ako tinatawag sa gano'ng boses.
Eto na naman kami, siguro nalaman niya 'yong ginawa kong katarantaduhan na naman sa school kaya na-kick out na naman ako.
"What's your problem, dad?" mahinahon na tanong ko dito, habang kaharap siya.
Sinusubukan ko magkunwaring inosente baka sakaling makatakas ako mula sa galit ni daddy.
"Francine, how many times should I tell you na magtino ka ha?! Ilang beses kana na-kick out sa school na napapasukan mo. Halos 'di ko na mabilang na bata ka! Jusko Francine, sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Maaga ata akong mamatay dahil sa iyong bata ka!" nang-gigil na sigaw ni dad habang hawak-hawak ang sentido niya kaya naman napa-buntong hininga naman ako dahil doon.
Hindi ko naman intensiyon na lagi akong ma-kick out sa iba't ibang school na napapasukan ko. May dahilan naman ako. Sila ang unang umaaway sa akin lumalaban lang ako. Bakit naman ako magpapa-api?
"Bakit dad? Ano bang ginawa ko at nagsisisigaw ka diyan?" inosenteng saad ko kagaya nga ng sabi ko kanina malay niyo makatas, kung papalarin.
"Seriously Francine? Anong ginawa mo? Pwes, sasabihin ko lang naman sa iyong bata ka na sinapak mo yung adviser niyo na kapatid ng dean sa school niyo. Ngayon nga, sabihin mo kung anong ginawa mo at bakit ako nagsisigaw ditong bata ka?!" galit na sigaw ni dad.
Grabe galit na galit na si tanda. Halos pumutok na 'yong ugat sa sentido niya. Aamin na nga lang ako baka mas lalo pa siyang magalit sa akin at ipadala na niya ako ng tuluyan sa Japan. Bagay na ayaw kong mangyari. Bakit? Bakit ko din sasabihin?
"Kaya ko naman ginawa 'yon dad ay dahil bastos kasi siya. Noong uwian na namin ay pinapunta niya ako sa office niya. Ako naman as a mabuting studyante syempre pumunta sa office niya baka may sasabihin lang. Pagkapasok ko sa office niya ay pinaupo niya ako sa upuan sa harapan ng desk niya. Lumapit siya sakin tapos no'ng nasa tapat ko na siya napansin ko yung kamay niya na papunta sa legs ko tsaka hinipuan ako," naiinis na kwento ko kay dad at napansin ko na nag-iba rin ang mukha niya. "Aba, hindi ko naman pwedeng palagpasin iyon dad. Dahil rin sa sobrang gulat ko ay nasuntok ko siya," paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
ANGEL OF SECTION D
Teen FictionAstrea Francine Windsor Gomez is a girl who desires nothing more than to have a quiet and peaceful life. But be peaceful? Is it peaceful that she is always expelled from the schools she attends? Is that the definition of peaceful? But one day, her p...