Chapter 4
---
Francine's POV
"Bakit ako aalis sa section nito ha, Mr. Impakto?" nakataas kilay na tanong ko dito, agad ko namang napansin ang biglang pagbabago ng reaksiyon nito marahil sa tinawag ko sa kaniya.
"What did you just call me?" malamig na tanong nito, para namang nanginig ang buong kalamnan ko dahil sa lamig nito pero agad ding nawala.
"Are you deaf?" nakakunot nuong tanong ko dito. "I said 'Mr. Impakto'." matapang na pagpapatuloy ko at ipinagka-diinan pa ang salitang 'Mr. impakto' tsaka nakipaglaban ng tinginan dito. Lumukot naman agad ang mukha nito dahil sa pag-uulit ko na ikinangisi ko.
"Ako impakto? Bingi? Ang lakas naman ng loob mo para pagsalitaan ang ng ganyan, Miss?" inis na sabi nito, sasagot pa sana ako kaso.
"Enough! Ang lakas naman ng loob niyo na mag sigawan dito sa loob ng klase ko! Mr. Carter, Ms. Gomez?!" galit na saway sa amin ni Bakla. "And ikaw, Ms. Francine? Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Bakit hindi ka na lang mag hanap ng upuan kesa sa mag hanap ng away, ke bago-bago mo tapos ganyan na agad ang asta mo? Aba hindi yan pwede sa akin, sa klase ko!" dugtong na sigaw nito sa akin na agad na nagpa-angat ng kilay ko.
So, kasalanan ko pa? Ako ba 'yung nanguna? Napaka unfair naman nitong bobita na 'to ah! Ang sarap niya sabunutan. Nakita ko pa nga sa peripheral vision ko na ngumi-ngisi pa si gago! Aba't masaya pa na napagalitan ako dahil sa kagagawan niya, amputa. Inirapan ko na lang ito at naghanap ng mauupuan, may space pa dito sa harap katabi ng kulay abo na buhok, uupo na sana ako dito kaso pinatungan niya naman ito ng isang paa niya, sinamaan ko naman ito ng tingin pero patay malisya lang ito pagkatapos tumingin ito sa harapan. Doon naman sana ako sa pinaka dulo katabi nung kulay itim ang buhok kaso nilagyan niya naman ito ng bag niya, napa-irap na lang lang ako at naglibot ng tingin nakita ko naman yung lalaking may kulay brown na buhok na tina-tap yung upuan sa tabi niya at tinanggal ang bag nito, wala na rin naman akong choice at pumunta na lang doon tsaka mukha namang mabait ito dahil pina-upo naman ako nito sa tabi niya at ngumiti pa ito sa akin.
Nang maka-upo ako ay nagsimula na yung mataray na guro sa harapan, kung itatanong niyo kung nasaan si Faith, pumunta na rin sa classroom nito pagkatapos mag-paliwanag kay Bakla.
Habang nagsa-sagot ay may naramdaman akong bumabato sa likod ko ng mga maliliit na binilog na papel, ng tingnan ko naman ang nasa likod ko ay mga patay malisya naman sila. Hindi ko na lang pinansin ang ka-childishan nila kahit tuloy-tuloy pa rin ang pagbabato ng mga ito sa akin ng papel, sapagkat nagtuloy-tuloy na lang ako sa pagsasagot ng pinapasagutan sa amin.
Ilang sandali pa tumunog na alarm sa cellphone niya na ang ibig sabihin ay tapos na yung class hour niya.
"Okay, times up! Ilagay 'nyo iyang mga papel niyo dito sa table and wait for your next teacher." saad ni 'MA'AM FRANCESCA'.
BINABASA MO ANG
ANGEL OF SECTION D
Teen FictionAstrea Francine Windsor Gomez is a girl who desires nothing more than to have a quiet and peaceful life. But be peaceful? Is it peaceful that she is always expelled from the schools she attends? Is that the definition of peaceful? But one day, her p...