Chapter 39

518 12 1
                                    

Patuloy lamang ako sa pag iyak dahil sa sinabi ng Doctor kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi ko matanggap na hindi niya ako maalala.

Muli kung pinunasan ang luha ko dahil sa narinig na pagbukas ng pinto.

"Please Angel, gusto ko munang mapag isa," tinaas ko ang kumot hanggang sa baywang ko.

Nakatalikod ako ng higa dahil nahihiya ako baka biglang pumasok si Mommy o si Angel at makikita nila akong umiiyak.

"Samantha," kinagat ko ang aking labi ng marinig ang boses ni Jacob.

Anong ginagawa niya dito? Galit rin ako sa kan'ya dahil tinago nila sa akin ang totoo.

"Can we talk?" marahan niyang tanong.

Mabilis kung pinunasan ang aking pisngi at bumangon.

"Para saan pa?" malamig kung sabi.

Nakatitig lamang siya sa akin. Siguradong pulang pula ang mata ko ngayon dahil sa kakaiyak.

"I will tell you the truth," napaiwas ako ng tingin. "Please," ulit niya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at dahan dahan akong tumango, gusto rin malaman ang buong katotohanan kung paano naging Faye si Klea. Gulong gulo pa rin ako.

Napagpasyahang namin sa maliit na garden nalang ng hospital na ito mag usap na dalawa. Pagkarating namin ay meron din katulad kung pasyenteng andito.

Tulak tulak niya ang wheelchair ko habang naghahanap ng mauupuan habang ako ay nakatingin sa langit. Tumila na ang ulan at kitang kita na ang nagsisilabasan na mga bituin, muling naalala ang panahong sabay naming pinagmamasdan ni Mateo ang mga naggagandahang bituin sa langit.

Inalalayan niya akong makaupo sa sementong upuan at matapos ay iginilid niya muna ang wheelchair ko bago umupo sa tabi ko.

Lumipas ang sandaling katahimikan bago siya tuluyang nagsalita.

"I'm sorry," panimula niya.

"Ano pa ang ibang sinabi ng Doctor kanina?" pang iiba ko ng usapan.

Hindi ko alam ang sunod na sabi ng Doctor dahil pilit akong pinabalik ni Angel sa kuwarto ko dahil sa panghihina ng katawan ko.

Rinig ko muli ang malalim niyang pagbuntong hininga. "He needed another x-ray to see if there was a broken bone in his leg."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at muling sinisi ang sarili.

"Paano babalik ang alaala niya? Saka makakalakad naman siya diba? I'm sorry dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito," naginginig kung sabi.

"Don't blame yourself Samantha. Wala kang kasalanan," marahan niyang sabi at tumitig sa akin, napakaseryoso nun at wala akong makitang emosyon.

Pinunasan ko ang lumandas na luha sa aking pisngi.

"Si Tita Belle? Kumusta na siya?"

"Wala pa akong balita tungkol kay Tita."

Umiwas ako ng tingin at impit na umiyak.

"Kung hindi sana ako tumakbo---" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa paghawak niya sa baba ko at muling iniharap sa kan'ya.

"Listen. It's not your fault, magiging okay din ang lahat."

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, marahan niyang pinunasan ang luha ko at paulit na binubulong na wala akong kasalanan.

"It's our fault for not telling you the truth about us kaya nangyari ang lahat ng ito."

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at tinanggal ang kamay niya sa aking pisngi.

Doble doble na ang sakit na nararamdaman ko ngayon, natatakot ako sa mga iba pang sasabihin niyang katotohanan tungkol sa kanila.

"I'm sorry, if we didn't tell you the truth. I think things would have been better if we had told you the truth before you found out everything," kita sa gilid ng mata ko at pagsulyap niya sa kalangitan bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Klea was our childhood friend. We're like a family. We treated her just like our younger sister. She was a loving and caring person. That's why I fell in love with her, but destiny is so cruel. She only sees me as her friend. Because at that time, she loved someone else and none other than Mateo."

Nanikip ang dibdib ko habang sinasabi niya iyon. Mahirap pa rin tanggapin na si Mat na tinutukoy niya ay si Mateo. Ang tanga ko na hindi ko man lang iyon naisip. Sana una palang ay sinabi niya na sa akin para napigilan ko ang nararamdaman ko sa kan'ya.

"And that's how it all began. I quit to be a racer because I wanted to forget about her. She is the reason why I started participating in drag racing, because I wanted her to be proud of me, just like she always does with Mateo."

Tuluyan na akong tumingin sa kan'ya, ramdam ko rin sa boses niya ang lungkot. Sobrang mahal niya nga talaga si Klea.

"Si Mateo ba ay may gusto rin sa kan'ya noon?" lakas loob kung tanong, gusto kung malaman kung parehas ba sila ng nararamdaman ni Klea.

"We were both in love with her."

Hindi ako makapagsalita, patuloy lamang ang paglandas ng luha sa aking pisngi. Sobrang sakit.

"Are you sure that you want to leave if I tell you that Faye is Mateo's first love."

"Bakit niyo tinago sa akin? Niloloko ba ako ni Mateo? Kung mahal niya noon si Klea bakit hindi sila nagpapansinan ngayon. Paano... paanong nangyari na nahulog siya sa akin?" halos naguguluhan ko nang tanong.

Hindi ko talaga matanggap ang lahat.

Matagal na nila akong niloloko. 'Yung pagkikita nila ni Mateo, 'yung pagdalaw niya sa training, halos hindi ko matanggap lahat na si Klea ang taong iyon.

"He never cheated on you, he's afraid that you might leave him if you found out everything. He doesn't want to ruin your relationship with her, so he kept it for a long time and waited for the right time to tell you."

"Anong hindi ko pa nalalaman? Sabihin mo na lahat! Saktan mo lang ako."

Halos manghina na ako, hinawakan niya ang kamay ko nasa dibdib niya at mahigpit iyon hinawakan.

"Bakit ngayon lang?" ulit ko at nakita ang sarili ko na nakayakap sa kan'ya.

"I am so sorry. I never meant to hurt you," paulit ulit niyang sabi.

Napipikit ako at patuloy lamang sa pag iyak. Gusto ko mang makausap si Klea ay alam kung hindi iyon mangyayari dahil galit pa rin siya sa akin.

"Paano naging Faye ang pangalan niya?" Sunod kung sabi.

Ramdam ko ang pagtigil niya sa paghagod nang aking likod. "I'm sorry, I'm not in a position to say anything about that," marahan niyang sabi at tuluyan na akong hinarap. "Please forgive us."

Tinanggal ko ang kamay niya sa akin at napayuko. Hindi ko alam kung kaya ko bang magpatawad ngayon. Sobrang sakit na ang mga taong importante sa akin ay may matagal na palang sikreto. Tila nasira ang tiwala ko sa kanila dahil sa nalaman ko.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon