Chapter 49

539 14 11
                                    

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, kinuha ko iyon sa side table habang pikit pa rin ang mata.

"Hello?" antok ko pang sabi.

"Asaan ka na?" napamulat ako ng marinig ang boses ni Sabel.

"Bakit? Anong meron?

"Hoy Samantha, nakalimutan mo na ba na ngayon ang kasal ni Mika!"

Nanlaki ang mata ko at agad napabagon, napatingin ako sa orasan at nakitang alas otso na.

"Papunta na ako diyan!" mabilis kung pinatay ang tawag at dali daling pumasok ng banyo.

Hindi ako nakapagsabon nang maayos dahil sa kakamadali, isang oras na lang ay mag uumpisa na ang kasal ni Mika. Agad akong nagbihis at tarantang nagmamake up. Matapos ay lumabas na ako habang sinusuot ang heels ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ulit iyon.

"Malapit ka na ba? Mag uumpisa na ang kasal," bungad ni Sabel.

Pumara muna ako ng taxi at dali daling sumakay bago siya sinagot.

"Oo, malapit na ako!" hingal kung sabi na tila useless ang pagligo ko dahil agad akung namawis.

"Hintayin ka kita sa labas," aniya.

"Okay, bye."

Binaba ko na ang tawag at napahinga ng malalim. Napahawak ako sa aking ulo dahil may hangover pa ata ako. Hindi na talaga ako iinom, nawala sa isip ko na ngayon pala ang kasal niya.

Buti na lang ay mabilis kaming nakarating sa simbahan at agad hinahanap ng aking mata si Sabel. Nang mataman ko siya ay kumaway ako at lumapit sa kan'ya.

"Ano inom pa!" bungad niya kaya napasimangot ako at umirap.

"Halika ka na nga," sabi ko at sabay kaming pumasok sa loob.

Agad kaming pumwesto sa gilid habang naglalakad na ang mga flower girl. Napangiti ako dahil ang cute nila. Ngayon ko lang napansin na ang dami niya palang bisita.

"Ayos ka na ba?" napatingin ako kay Sabel ng bumulong siya.

"Oo naman."

"Buti na lang at dumating 'yung boyfriend mo kung hindi, di ko alam kung paano ka iuuwi."

"Ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi ko boyfriend si Jacob, magkaibigan nga lang kami," mariin kung sabi.

Mas lalong lumawak ang ngisi niya at sinundot ako sa tagiliran.

"Sus, deny ka pa, ang guwapo kaya ni Sir para bustedin mo," nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at natawa.

Dahil kahit anong gawin ko ay lahat sila ay akalang boyfriend ko si Jacob. Hatid sundo niya kasi ako minsan pag wala rin siyang gagawing trabaho sa bahay ampunan. At marami ding ka office mates ko ang nagkakagusto sa kan'ya.

Alam ko naman na kaibigan lang din ang turing sa akin ni Jacob.

Sabay kaming napatingin ni Sabel nang unti unti ng bumukas ang pinto, rinig ko ang singhapan nila ng bumungad si Mika at nagsimula nang maglakad.

Wala akong masabi napakaganda niya, nang dumaan siya sa harap namin ay napansin kung namumula ang mga mata niya.

Nainggit ako dahil sa wakas ay nakita na nila ang lalaking makakasama nila habang buhay.

Nagsimula na ang kasal kaya umupo na kami ni Sabel. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa habang nagpapalitan sila ng wedding vows.

"Justin, do you take Mika for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon