Chapter 2

11.8K 197 2
                                    

Pagkababa ko ng sasakyan ay siya din ang pagkaparada ng sasakyan ni Mateo. Napanganga ako dahil iba na naman ang dala niyang sasakyan kung kahapon ay sports car ngayon naman ay Lamborghini.

Napakayaman talaga nila.

Napangisi nalang ako dahil sa usapan namin ni Tita kahapon bago sila umalis.

"Samantha, I'm sorry kung humingi ako ng pabor para bantayan ng anak ko, alam mo naman na siya lang ang anak ko at hindi ko kakayanin kung may mangyari sa kan'ya. Lalo na ngayon at babalik na ako ng Canada sa susunod na linggo dahil sa naiwang business ko doon at mag isa na lamang siya sa bahay pagkaalis ko," mahabang lintanya ni Tita.

Ngumiti na lamang ako dahil ngayon lang humingi ng pabor sa akin si Tita at nahihiya naman akong tanggihan. Dahil alam kung ginagawa niya ito para sa kaligtasan ng kan'yang anak.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano siya mapapatagil sa pagsali. Napakatigas talaga ng ulo niya."

Napahawak si Tita sa kan'yang ulo at tila hindi na alam ang gagawin sa kan'yang anak.

"Don't worry po Tita kung nalaman ko pong sumali po ulit siya sa racing pipigilan ko po siya."

"Thank you Samantha. Pag sumali ulit siya wala na akong ibang choice kundi bawiin ang lahat ng sasakyan niya and siguro I will cut his account for him to stop."

Kinuha ko ang kamay ni Tita at hinaplos ito."I will do my best Tita."

Tumango sila at yinakap ako bago ulit hinarap.

"By the way, sinabi sa akin ng Mommy mo na mahilig ka pala sa collections ng bag. So, I decided na pagbalik ko sa Canada ay ipapadala ko sayo yung Hermes na bag ko."

Hermes?

Iyon ang  pinakagusto kung bag na hindi ko mabili bili. Ayaw ko naman humingi kay Mommy ng pambili dahil mahal iyon.

"Naku po Tita 'wag na po, nakakahiya."

"Samantha, that's okay don't worry hindi ko rin naman 'yon nagagamit kaya ibibigay ko nalang sayo."

Totoo ba ito?

"Naku tita wag na po," iling ko dahil nakakahiya talaga.

"Regalo ko na ulit sayo 'yon sa pagbantay ng anak ko. Pagbalik ko ng Canada ay ipapadala ko 'yon sa iyo."

Nagningning ang mata ko dahil sa sinabi ni Tita.

Ayaw ko naman sayangin ang grasya.

Kinuha kung muli ang kamay nila.
"I will take care of  him Tita."

--

Hinintay ko siyang bumaba ng kan'yang sasakyan bago ako lumapit sa kan'ya.

Peke akong umubo at sinabayan siya. "Good morning!" sabi ko.

Napatigil siya sa paglalakad pero agad ding nagpatuloy.

"Dahil nagpromise ako kay Tita na babantayan ka kaya obligasyon ko na pigilan kang sumali--" hindi ako napatapos nang bigla siyang humarap at muntik na akong masubsob sa dibdib niya.

"Go away!" at inilagay ang kan'yang kamay sa bulsa ng kan'yang pantalon.

Napalunok ako dahil wala akong makitang emosyon sa kan'yang mukha.

Nag iwas na lamang ako ng tingin at inilabas ang cellphone ko at inabot ito sa kan'ya. "Give me your phone number."

Tinignan niya lamang iyon at muling nagpatuloy sa paglalakad.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon