Buong magdamag akong umiyak at nawalan ng ganang pumasok sa trabaho dahil alam ko rin na hindi ako makakakilos nang maayos dahil sa pagkatulala ko.
Ikakasal na sila, magkakaroon na sila ng anak kaya wala akong magagawa pa. Kailangan kung tanggapin ang lahat, pinalaya ko siya dahil alam kung iyon ang mas makakabuti pero heto ako ngayon nagsisisi sa lahat.
Ala alang sa nararamdaman ng iba ay hiniwalayan ko siya kahit na sobrang mahal na mahal ko siya. Dahil sa tingin ko ay mas marami pa akong masasaktan pag-pinagpatuloy ko ang nararamdaman ko sa kan'ya. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagkakamali ko, masyado akong nasaktan noon kaya nagpadalos dalos sa desisyon ko na ngayon ay pinagsisihan ko.
Tulala ako sa kuwarto at walang balak na bumangon, sarado lahat ng bintana kahit umaga na.
Muli kung pinunasan ang luha ko ng muli itong dumaloy sa aking pisngi, sa paggilid ko ng higa ay tumunog ang cellphone ko. Hindi ako nag abalang kunin iyon at baka si Sabel o Jacob ang tumatawag. Patuloy lamang iyon sa pag ring at sunod kung narinig ang sunod sunod naman na tunog ng text. Kinuha ko na iyon para patayin pero napatigil nang nakita kung sino ang tumatawag, kaya agad kung sinagot ang tawag niya nang magring ulit ito.
Huminga ako nang malalim at sinagot ang tawag niya. "Hello?" pilit kung maging masaya ang boses ko pero bigo ako.
"Ano itong nabalitaan ko na umuwi si Klea at Mateo diyan sa Pilipinas, totoo ba iyon? Akala ko ba hindi na sila babalik?!" walang prenong sabi ni Angel.
Bumangon na ako at isinandal ang ulo sa headrest.
"Nagkita kami ni Klea kahapon."
"What?! Nagkita kayo?!"
Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hmmm, nagsorry siya, at...." napayuko ako nang muling pumasok sa isipan ko usapan namin ni Klea. "B..buntis siya at sa susunod na buwan ang kasal nila."
"What?! Seriously?! Buntis?! Kasal?!"
"Malapit na siyang manganak, tatlong buwan na lang ay magiging nanay na siya," garagal kung sabi.
Rinig ko ang lutong nang mura niya at saglit na natahimik.
"Ayos ka lang ba?" biglang rumahan ang boses niya.
Natahimik din ako.
"Nakipagkita siya sa'yo para ipaalam na buntis siya!?" sunod niyang tanong.
"Hinanap niya ako para humingi siya ng tawad dahil sa pangsisinungaling niya."
"Pagsisinungaling?!" halos pasigaw niya nang sabi.
Pumikit ang mga mata ko at hinayaan na dumaloy ang luha sa aking pisngi at sinimulan ikuwento sa kan'ya lahat.
"W..what?! All this time hindi pala lahat totoo ang mga iyon?! What the fuck Samantha!" galit niyang sabi nang matapos kung ikuwento sa kan'ya lahat.
Patuloy lamang ako paghikbi.
"Anong klaseng kaibigan siya! Gagawin niya talaga para mapasakan'ya si Mateo! Kaya niyang talikuran ang pagkakaibigan natin para kay Mateo?! Ano siguro masaya na siya ngayon dahil sa wakas buntis na siya at wala ng kawala si Mateo sa kan'ya!"
Pinagdikit ko ang tuhod ko at isubsob ang mukha ko roon, masakit pa rin talaga.
"Tama na Angel, dahil wala na akong magagawa pa, pinalaya ko si Mateo sa kan'ya dahil iyon ang akala ko. Pinalaya ko siya dahil sa pag aakalang di na siya babalik, pinalaya ko siya dahil iyon ang tangi kung naisip para wala nang masaktan pa. Masaya na sila ngayon, magkakaanak na silang dalawa. Masaya rin ako dahil sa wakas magkakaroon na sila ng buong pamilya."
BINABASA MO ANG
I Wish It Was Me (Book 1)
RomanceThe story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen fiction 9/6/22 #34 Young adult 9/7/22 #48 New adult 12/11/21