Chapter 02

10 2 0
                                    

Binalingan ko ang katabi niya na tahimik lang kaming pinagmasdan at seryosong nakatingin saakin tila iniksamin ang pagmumukha ko halos tagos sa buto ako kung tignan ng lalaking ito kaya napakunot ang noo ko tsaka pinitik ang daliri ko sa hangin para putulin ang imahinasyon sa isip nya kaya napakurap kurap ito tsaka umayos ng tayo.

"Sino siya Nity?" Tanong ng baritong boses niya kay Eternity.

"Schoolmate ko siya Kuya." Tipid na sagot ni Eternity sa lalaki. Kuya?

"Ikaw ang sumabunot sa Pinsan ko?" Kunot noong tanong nito saakin kaya napalabi ako at kinabahan, tangena pinsan nya to?

"I was sorry na nga eh." Maarteng sabi ko sakanya na nakataas ang isang kilay para di halatang kinakabahan ako.

"By the way, I'm Cassy!" Bibong pakilala ko sa kanilang dalawa ngumiti ng matamis.

"I'm Eternity and he's my Kuya Hadleigh." Pakilala ni Eternity sa sarili at sa Pinsan nya.

What a wonderful name.

"Papasok na ako sa klase ko, bye." Paalam ko sa kanila para makatakas sa lalaki na iyon.

"Sandali" Saad ni Eternity. Kaya dahan dahang akong lumingon sakanya at ngumiti ng pilit tsaka tina taas baba ko ang kilay ko at pinagdikit ang aking labi.

"Hmm?" Maikling tanong ko sakanya.

"Sabay na tayo, magkaklase naman tayo." Alok nya kaya pumayag na ako, nakakailang hakbang palang kami naramdaman ko nalang na may tumabi saakin kaya napatingala ako at napansin kong si Hadleigh pala iyon.

"Ihahatid ko lang ang pinsan ko." Paliwanag nya.

"I'm not asking." Simpleng sabi ko sakanya, nagtataray.

"Hayaan mo na si Kuya, Cassy." Sambit ni Eternity tsaka pinisil ng bahagya ang braso ko.

Naglakad kami habang patuloy lang si Eternity sa pagkwekwento ng kung ano ano di mo aakalaing napakadaldal niya at masiyahin palapit na kami sa room namin ng tumikhim si Hadleigh, kaya nakuha nya ang atensyon naming dalawa.

"Be good, Nity." Bilin nya kay Eternity, at bumaling saakin. Kaya nilakihan ko siya ng mata para nag tanong kung bakit.

"Don't bully her again, or else you'll be expelled." Pananakot nya saakin at tiningnan ako ng mariin kaya napangisi ako, pano naman nya ako e eexpell? Nakakatawa.

"Okay, Kuya." Pinagdiinan ko ang Kuya tsaka humalakhak bago hinila si Eternity na humahagikhik papuntang classroom namin. Lumingon pa ako sa bintana at nakita ang hindi mapinta ang mukha nya inaayos ang glasses nya tsaka tumalikod na.

"Bakit wala akong natatandaan na may Cassy kaming kaklase?" Eternity asked out of nowhere.

"Kasi hindi naman talaga Cassy ang pangalan ko."  Paliwanag ko sakanya at umupo sa bakanteng silya ng kanya.Tiningnan nya ako ng may pagtataka.

Nilahad ko sakanya ang kamay ko at tinanggap naman nya iyon ng may pag aalinlangan.

"Carson, Carson Sevetlana Grande." Pagpapakilala ko sa sarili ko sakanya ng walang ka emo-emosyon ang mukha.

"O-ohh, haha you're a Grande." Utal utal na banggit nya kaya ngumiti ako ulit tsaka hinilig ang ulo ko sa lamesa at ngumuso.

"So what's yours?" I asked.

"Eternity Hera Peterson." Saad nya.

"Wow, Eternity na nga Hera pa." Natatawa kong saad sakanya kaya napatawa din siya.

Tiningnan ko lang siya habang nagbabasa siya ng libro nya, hindi kulay abo ang mata, pero matangos din ang ilong nya tulad ng pinsan nya at maputi rin siya halatang may lahi. Matangkad din si Eternity pero mas matangkad talaga ako, palagi rin siyang naka glasses at mahaba ang skirt nya kumpara sa akin, maluwag din ang blusa nya kaya napagkakamalang manang siya sa room namin.

Once Upon A StarWhere stories live. Discover now