Chapter 03

9 2 0
                                        

Nagkatinginan lang kaming dalawa ng dumating na si Eternity na may dala dalang tray. Tumayo ako para tulungan siya sa pagbuhat.



"Ito na ang request mong Lasagna and Mango juice, sigurado ka bang ito lang ang kakainin mo?" Takang tanong niya kaya tinangoan ko lang siya.


"Yup, okay na ako dito." Sagot ko naman at ngumiting pilit.


Tumatango tango naman si Eternity sa sinabi ko at parang hindi kumbisido kaya nginuso ko nalang ang Kuya nya nakaupo sa silya na dapat ay sakanya. Kaya nanlaki ang mata niya at nagmamadaling pumunta sa pwesto namin, parang tanga naman akong nag m-model walk papunta sa direksyon nila at naka feirce pa, tsaka dahan dahang umupo sa silya ko.

"What's bring you here Kuya?" Eternity asked her cousin.

"I just want to check you, if you're okay." He simply said and looked at me. As if naman aawayin ko ulit ang pinsan nya. Tumahimik nalang ko.


"I'm okay, so if you don't mind can I seat?" Tinaasan ng kilay ni Eternity ang pinsan niya kaya napatayo ito at lumapit sa katabing upuan nyon.


"How's class?" He simply asked Eternity, pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang nakikinig sakanila.


"It's fine, why are you asking Kuya? You're not usually like this, naninibago ako." Di makapaniwalang sabi niya kaya tiningnan ko ang reaction ng pinsan nya sa sinabi niya pero walang reaksyon iyon.


Umayos lang ito ng upo at inayos ulit ang glasses nya tsaka kumuha ng pagkain Kay Eternity tsaka sinubo iyon lumipat naman ang tingin nya saakin.


"You, how was class?" He asked me.


"Boring." I simply said and shrugged my shoulders.


Suminghap naman si Eternity sa sinabi at hinampas bahagya ang braso ko kaya napatingin ako sakanya na gulat gulat ang reaksyon, sa sinabi ko.

"Class is not boring Cass, you're not listening aren't you?" She asked suspiciously while raising her one brow.

"Well, kinda?" Patanong kong sagot.


"What? May test tayo bukas ano nalang ang isasagot mo?" Tanong niya saakin, nag aala.


"Well, I don't know sa masagot ko nalang." I shrugged my shoulders, habang nagpapatuloy sumubo.


Di nalang nya pinansin ang aking sinabi at kumain na rin nagkwento nalang siya about mga natutunan nya, kaya nakinig nalang ako para may masagot din habang sumusubo. Nang nag vibrate ang phone ko kaya nag excuse ako saglit para tingnan iyon.

From: Daisy

Race, mamaya G ka?


Basa ko sa text, kaya nag tipa ako ng sagot.


To: Daisy

Grounded ako, next week pa pwede.


Yun ang lang nireply ko at nag okay naman ito, kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sakanila na nag uusap tungkol sa araw ni Hadleigh. Tuma tango tango nalang ako sa mga sinasabu nila dahil hindi ako sanay na dumadaldal ako habang kumain.


"How about you? Ikwento mo naman ang imahinasyon mo kung bakit hindi ka nakinig sa klase, Cass." Ani ni Eternity saakin kaya ininom ko na Ang Mango juice ko.


"Grounded ako, iniisip ko kung pano ko tatakasan si Lolo para magawa pa rin ang gusto kong gawin." Sabi ko sakanya at humilig sa upuan ko habang ang mga kamay ko ay nasa hita ko at pinag drum ang mga iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon A StarWhere stories live. Discover now